TBG 11 : Group Activity

1K 39 6
                                        

TBG 11 : Group Activity

__________________________________

Krypton's POV

Sumang-ayon na ako sa kagustuhan ni grey na tuwing labasan ay pwede kaming magkita at mamasyal. Para kahit daw papa'no ay may time kami para sa isa't-isa. Nung una medyo nag-aalangan pa ako sa sinabi niya, dahil baka may unti unti ng makaalam kung ano nga ba kaming dalawa, pero nung sinabi niya sa akin na hindi 'kami' ang pagtingin ng iba kaya bigla naman nawala kaba ko.

Mahirap man ang patago naming relasyon pero ika nga ng iba na 'kung mahal niyo titiisin niyo' though, alam kong hindi naman lahat ay kayang magtiis.

Like me, mahal ko si grey kaya kahit may part na sa puso ko na nahihirapan dahil sa sitwasyon namin. Kaya ko parin magtiis basta tumagal lang kami at maging matatag.

"Goodmorning class!" May accent na pagkakasabi ng guro namin. Tumayo silang lahat at bumati. Samantalang ako ay bumati lang pero hindi na ako tumayo. Hindi sa tinatamad ako, hindi ko lang talaga treeepppp!

"Anyway, naaalala niyo pa ba ang sinabi kong groupings last month?"

"Yes! Teacher." Classmates.

"Good! Btw, whose the leader of group one, two, three, four and five? Please! Stand up." Bigla namang nagsitayuan ang limang leaders sa bawat grupo at ang nakita ko na katropa ni lead na nakatayo ay si zinc lang. At yung iba mga kaklase ko na.

"Okay! Come here guys. May ibibigay akong papers ka kailangan niyong gawin at sundin para sa group activity niyo. Nilagay ko na rin dito yung criteria bilang guide niyo."  Lumapit ang limang leaders kay teacher at sabay sabay nilang kinuha ang papel na ibinigay ng guro namin.

"Btw, next meeting will be the presentation of the groups. Okay?"  Tumango tango nalang kami.

"Now, go to your groups at pagplanuhan niyo ang dapat niyong gawin. Iiwan ko muna kayo may kailangan lang akong gawin." Sabi niya at umalis. Tumayo kaming lahat at pumunta sa kanya kanyang groups.

Nakita ko si lead na papalapit din sa grupong nilalapitan ko. Anak ng.... kagrupo ko nga pala 'to. Ba't nakalimutan ko? Sabagay, hindi naman siya banal na kailangan hindi makalimutan.

Sabay kami napapalapit sa grupo namin at nang mahalata niya iyon ay nagkatinginan pa kami. At hindi ko alam kung anong hangin ay dumapo sa bibig nito dahil bigla itong ngumiti... Ay hindi pala iyon ngiti. NGISI pala. Oo bigla itong ngumisi. Ngisi na parang may balak gumawa ng kalokohan, pero kung meron man. Ewan ko nalang!

"Shoyo, ano ba yang papel na 'yan? Ano bang gagawin natin?" Tanong ni Sanny sa leader naming si 'shoyo khu'. Babae siya ha!

"Ito yung presentation na gagawin natin."

"Video presentation ba 'yan?" Tanong naman ni aiko. Umiling iling naman siya.

"Yes! Sasayaw tayo by pair."

"PAIR???" Sigaw kong sabi. Kaya napatingin naman sila sa akin.

"Bakit? ayaw mo?" Shoyo. Napailing iling nalang ako.

"Ang kantang gagamitin natin ay..... teka--" Sabi nito at tinignan ang papel niyang hawak hawak.

"Here... Out of my league. Tamang tama ito sa by pair."

"By pair? Lalaki sa babae ba? Pito lang naman tayong lahat at tatlo lang ang lalaki natin. Paano ba 'yun?" Aiko.

"Don't worry 'bout that aiks. So, since seven nga tayong lahat at tatlo lang ang lalaki at apat ang babae. At ako naman ang leader na magmamanage sa inyo, kaya ako nalang ang walang kapartner. Para kayong tatlo ay may partner. See? Problem solve agad."

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon