TBG 3 : Punishment

2K 72 2
                                        


TBG 3 : PUNISHMENT

________________________________________________________

Krypton's POV


LATE akong nakarating sa classroom. Mabuti nalang kakarating lang din ng teacher namin ngayon.


"Okay class. Let's start our lessons for today" Sabi ni teacher Ana which is adviser namin. Nagpatuloy lang siya sa pagtuturo, hanggang sa matapos ang isang oras niya sa amin. Sunod namang dumating 'yung teacher namin sa math na si Sir. Manolo. Agad naman kaming nagsitayuan upang batiin siya.


"Goodmorning Sir" - lahat


"Morning. Please be sitted" - siya. Nagsiupuan naman kami agad.


"How's your day class nu'ng wala ako dito ?" Tanong ni sir. Bigla namang may nagsalita.


"Sir, masayang masaya" Tuwang tuwa na sabi ni copper.


"Masayang masaya ha? Teka.." Sabi ni sir at naglakad palapit sa blackboard at may isinulat siya du'n.


2xy over 3x. Humarap naman agad siya matapos niyang isulat ang mga numerong may kasamang ex.


"Sir, ano po 'yan ?" Tanong ni copper at unti-unti ng nawawala ang mga ngiti niya sa mukha. May problema ba sa isinulat ni sir? O baka natatakot lang siyang magsolve ng problem.


"Obviously, It's a numbers with x and y. Now, I want you to solve that. Hindi 'yan ang lesson natin ngayon. Gusto ko lang magrecap tayo about sa lessons niyo last year Okay" - Sir. Kakamot kamot naman sa ulo niya si copper at nagsalita.


"Sir, naman pati ba naman si ex isasama niyo sa mga numero ? Mismong numero ng break up namin pati rin numero kung kelan naging kami isinama niyo. Nagmove on na nga ako sir last year, pero ni-recap niyo pa" Mahugot na sabi ni copper. Napa "ohhw" naman lahat ng kaklase namin at yung ibang boys ay napapalakpak pa at may mangilang ngilan ding nagsabi na "Hugot".



"Walk out na'ko" Walang gana niyang sabi at akmang magwawalk out na sana siya, kaso biglang nagsalita ulit si sir.



"Sige! Magwalk out ka na Mr.Tyson. Basta pagbumalik ka dito, isama mo parents mo at ng magkaklarohan kami kung anong kalokohan ang ginagawa mo dito" - Sarkastik na sabi ni sir. Bigla namang napakamot ulit si copper sa ulo niya at bumalik sa pag-upo. Nakita ko naman ang pagtapik sa kanya ni zinc. Nagsimula nalang tuloy na mag discussed ng lessons si sir, hanggang sa matapos narin ang isang oras niya sa amin.


Sunod sunod ang Klase namin hanggang sa umabot na kami sa lunch time. Wala pa akong masyadong kaibigan dito, kaya mag-isa lang ako minsan na pumupunta sa canteen.



PUNONG puno ng tao sa loob ng canteen. Mahaba haba rin ang pila sa bilihan ng mga pagkain, kaya naghanap nalang ako ng bakanteng upuan at nang may mahanap ako, kaagad naman akong lumapit du'n at umupo. Hindi ko narin kailangan bumili pa ng pagkain. Ipinagluto narin kasi ako ng pagkain ni mommy kaninang umaga, kaya ibinaon ko narin. Ramdam at kitang kita ko ang mga matang nakatingin sa akin ngayon, parang may nagpapahiwatig rin na hindi tama ang inupuan ko. Hindi ko nalang pinansin 'yun. Nilabas ko nalang ang paper bag na ang laman ay ang lunch ko. Ilalabas ko narin sana ang pagkain ko nang may isa namang babae na nakatayo sa harap ko, kaya napatingala ako para makita ang kabuuan niyang pagkatao.



Chinita siya, halos hindi ko na nga makita ang mata niya, kasi nakangiti siya ng matipid. Maiksi lang ang buhok niya at medyo maputi siya.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon