TBG 50 : Heartache

534 29 0
                                        

PLEASE VOTE AND COMMENT. THANK YOU :D

_____________________________________________________________

TBG 50 : Heartache


Lead's POV


"Where are you going?" I seriously asked. Lumalabas pa siya ng ganito kagabi? Hindi sa O.A pero saan naman siya pupunta ng ganitong oras? Mabuti nalang pala at lumabas ako ng bahay dahil kung hindi. E di hindi ko makikita ang babaeng 'to.






"A-ah! D-d'yan lang sa tabi tabi." Sagot niya. Hindi ako naniniwalang jan lang siya sa tabi-tabi e, parang nagmamadali nga. Ano pa niloko niya. Tss!


"Yung totoo?" Seryoso pa rin ako habang tinatanong iyon sa kanya. Napabuntong hininga naman siya saka napayuko.



"Susundan ko si grey." Tae! Gabi na at siya pa talaga ang maghahanap sa lalaking yun? Putek! Gaano ba niya kamahal ang grey na 'yon? Tss!






"Sa'n mo naman susundan ang lalaking 'yun?" Pagtatanong ko.






"Sa bahay nila sophia." Hindi naman ako nakapagsalita kaagad. Gabi na at nando'n ang boyfriend niya sa bahay ng baliw na babaeng 'yun? Tsk! Baka kung ano na ang ginagawa nila do'n.



"Tngna! Susundan mo pa ba ang lalaking yun? E, nando'n naman pala sa bahay ng babaeng may gusto sa kanya. Tss!" Sagot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Oh? Totoo naman kasi 'diba na may gusto si sophia sa grey na 'yun. Nagmumukha na ngang baliw para lang makuha ang lalaking gusto niya. Tsk!




"Pwede ba! Nando'n siya dahil doon sila nagparty." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lalakad na sana siya palayo nang bigla ko siyang tinawag kaya napahinto naman siya saglit.




"Do you know the address?" I asked. Humarap naman siya sa akin at mabagal na umiling.



"Tss! Susundan mo tapos wala kang kaalam-alam kung ano ang address ng babaeng 'yun?" Walang gana kong sabi sa kanya.





"Hays! Paano ko mapupuntahan si grey?" Napapabuntong hininga niyang tanong. Nakapag-isip naman ako kaagad. Kinapa ko ang cellphone ko at hinanap kung may address ba du'n ni sophia na nakasave sa cellphone ko. May nakita naman akong kaisa-isang address kaya pinakita ko 'to sa kanya.






"Ah! Okay! Thank you. Mauna na'ko." Naglakad na uli siya palayo. Naiwan naman ako ditong nakatayo. Naglakad nalang ulit ako patungo sa bahay. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa higaan ko. Gusto kong matulog pero hindi pa ako inaantok. Masyado kasing bumabagabag sa isipan ko ang babaeng 'yun. Parang nilamon na ng isip at puso ko ang pangalan niya. Hindi talaga ako mapakali dito. Sheezz! Parang sinasabi ng utak ko na kailangan ko siyang sundan. Ano naman ang mapapala ko kung susundan ko sila? Magmumukha lang akong tanga nito. Malamang! Masaya sila tapos ako nasa malayo pinagmamasdan silang nakangiti. Gano'n!






Wala talaga e. Kahit anong posisyon ang gawin ko hindi pa rin ako makatulog kaya bumangon na muna ako at nagpalit ng damit. Yeah! I decided na sundan nalang siya. Delikado na rin sa labas at ewan ko lang kung may sasakyan pang makikita ang babaeng yun. Kinuha ko ang motor ko at dali dali akong sumakay dito pagkatapos kong isuot ang helmet ko ay kaagad ko na itong pinaandar. Habang dumadaan ako sa kalsada ay napapatingin ako sa gilid nito dahil baka sakaling makita ko si krypton pero wala e. Nakasakay na ata ang babaeng 'yun. Patuloy pa rin ako sa pagdadrive at mga ilang minuto lang ay nakarating ako sa lugar kung saan nakatira si sophia. Alam ko ang address ako pa nga ang nagbigay kay krypton kaya malamang nakarating din ako dito. Dinahan-dahan ko ang pagdadrive hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay nila. Ito na ata yun! Tumingin naman ako sa gate at doon ko nakita si krypton. Nilagay ko lang muna sa gilid yung motor ko kung saan may isang malaking puno sa harap nito. Dito na rin ako magtatago. Pucha! Mukha ba 'kong stalker nito? Hell! No! Nakita kong pinapasok siya ng isang yaya kaya naghintay na muna ako dito sa labas.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon