Ajujuju! Napakatagal kong mag UpDate. Pagpasensyahan niyo na po si ako XD
__________________________
TBG 6 : Getting Trouble
Krypton's POV
MAAGA akong nakarating ngayon sa school. Kaunti palang ang mga studyanteng nakikita ko ngayon dito. Napatingin naman ako sa wrist watch ko, habang naglalakad sa hallway. Napabuntong hininga ako nang makitang kong 30 minutes pa bago magsimula ang klase, kaya napagpasiyahan ko lang munang magtungo sa library.
Tahimik akong pumasok sa library. At pumunta sa may section ng books. Matagal tagal din akong naglibot-libot at namili ng libro, bago maupo du'n sa pinakadulong table. Ang hirap naman kasing mamili ng mga babasahin e.
Pagkabuklat ko ng libro ay bigla nalang akong nakarinig ng pagbubulungan.
"Dude, kailan niyo ba dudurugin 'yung lead na 'yun?" Mahina, pero seryosong seryosong boses ang narinig ko. Napailing nalang ako at tumutok na tumutok sa binabasa ko, pero wala talaga. Boses parin nila ang naririnig ko.
"Later." Tipid na sagot nu'ng isa.
"Saan? At napaghandaan niyo na ba?" Narinig ko ang mahinang pagtawa nung isang lalaking sumagot ng matipid.
"You don't have to worry bro, handang handa na ang lahat ng plano ko. And I already told to my other friends na tutulungan nila ako, para makabawi sa ginawang atraso sa akin ng lead na 'yun."
"Mabuti naman kung gano'n. Gusto ko rin naman makita kong papaano niyo mapapabagsak ang lead na 'yun. E, ang lakas nun pagdating sa bugbugan. Isama mo pa ang mga baliw niyang mga kaibigan. Haha!" Napailing-iling nalang ulit ako. Tama nga ang grupo nila lead amper tyson ang kalaban nila. Kinuha ko ang librong hawak hawak ko at tumingin tingin sa direksyon kung saan may narinig akong nagbubulungan. Nasa likod ko lang pala ang dalawang lalaking nagbubulongan.
"Hindi lang mga kaibigan niya ang baliw. Pati siya mismo baliw. Kala mo naman kung sinong haring sisiga siga kahit saan." Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ulit nang mausap niya. At napatingin sa akin, kaya agad naman akong napabaling sa table at medyo panic na binuklat buklat ang librong kinuha at binasa ko.
"Pare, kanina pa yata nakatingin sa atin 'yang babaeng 'yan oh." Mahinang bulong nung lalaking na nahalata ako na nakatingin sa kanila. Nasa likod ko man sila, pero ramdam ko na ako yung tinuturo nung lalaki. Ako lang naman yung nahuli niya e.
"Yaan mo. Hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko at mga magulang ko kung bakit ako pinanganak na kasing gwapo ni james reid." Natatawa niyang sabi.
"Psh! Iba naman yata ang point mo sa point ko." Ipinagpatuloy ko lang ang paglipat lipat ng mga pahina. Ang kapal kasi ng librong 'to. Sa tingin ko 400+ page ito.
"Then, what is your point ha?" Tanong nung may kahanginang tinataglay.
"'Di kaya nakikinig siya sa atin, kaya napatingin?" Makabuluhang tanong niya. Narinig ko ang medyo malakas na paghampas sa lamesa nila, kaya medyo nagulat ako. Sinita sila nang school librarian at winarningan.
"Fvck! Narinig ba niya?" May halong pagkainis niyang tanong. Kaya agad kong sinara ang librong hawak hawak ko at sinuot ang backpack ko at saka mabilis na lumabas sa library. Hindi pa man ako nakakalayo ay naabutan na nila ako. Lagot! Patay ako nito. Hinarang nila ang dinadaanan ko, kaya napatingin ako sa kanila.
"M-may kailangan po ba kayo?" Painosente kong tanong sa kanilang dalawa na seryosong nakatingin sa akin. Bago sila sumagot ay tumingin muna sila sa paligid kong may makakarinig ba sa amin. At sa tingin ko wala, dahil nandito pala kami sa gilid ng bakanteng classroom. Ba't dito pa ako napahinto?.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.