Lead's POV
Nakarating ako sa bahay na hindi ko namamalayan. Hanggang ngayon kasi nandito pa sa bwiset kong utak ang mga nakita ko kanina papauwi.
FLASHBACK
Naunang magpaalam si zinc dahil may kailangan pa daw siyang gawin. Kelan pa kaya nabusy ang gagu? Tss! Kaya kami nalang apat ang natitira dito sa likod ng canteen. Kinuha ko ang isang kaha'ng sigarilyo na hawak hawak ni antimony at kumuha ako ng isa saka ko ito sinindihan At sabay na nagpabuga ng usok.
"Ano kaya ang gagawin ni zinc?" Curious na tanong ni neon.
"Aba! Malay ko. Puntahan mo kaya nang mawala na yang pagkacurious mo." Sagot ni copper. Napakamot nalang ng ulo niya si neon.
Lumipas ang ilang minuto na mapagpasyahan ko nang umuwi dahil.... wala trip ko. Pake niyo!
"Mga pre, una na ako." Paalam ko sa kanila. At hindi man lang ako pinansin ng mga loko. Tsk! Naglakad nalang ako palabas ng campus at diretsong pumunta sa pinaglagyan ng motor ko. Sumakay naman kaagad ako at tuluyan ng umalis.
Malayo layo na rin ako sa paaralan. At sa 'di ko naman inaasahan ay may nakita akong dalawang taong magkasama. Hinding hindi ako magkakamali. Sila nga talaga yan. Sina zinc at krypton.
Aba't kelan pa sila naging close sa isa't-isa aber? Nag-uusap sila ngayon pero hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Malay ko ba! Tss.
Binilisan ko nalang ang pagpapatakbo sa motor ko at sigurado akong hindi naman nila iyon napansin.
END OF FLASHBACK
"Sir lead, kanina pa po kayo hinahanap ni sir louie.." Bungad agad sa akin ni yaya belinda.
"Ano daw kailangan niya?" I asked.
"Hindi po niya sinabi sa akin e, basta pinapapunta ka nalang sa office room niya." Tumango nalang ako at naglakad papunta sa office room ni dad.
Nang makarating ako ay agad ko siyang nakitang nakaupo habang nakatingin sa cellphone niya. Napatingin rin naman siya sa akin nang maramdaman niya ata na may taong nakatayo sa harapan niya.
"What do you want dad?" Diretsahan kong tanong sa kanya.
"Maupo ka muna." Dahil sa wala akong ganang makipagtalo kaya umupo nalang ako.
"So? Ano ba talaga ang kailangan mo?" Pag-uulit ko. Ngumiti naman siya sa akin. Sa totoo kanino ba ako nagmana? Parang ibang-iba yata ako sa tatay ko.
"Nothing. I just want to inform you na may nahanap na akong mapapangasawa mo."
"WHAT?!" Bigla akong napatayo at napalo ang mesa ng pagkalakas lakas. Shit! Ang sakit!
"Are you serious?" Hindi makapaniwala kong tanong. Nahihibang na ba siya? Ako?! Ako magkakaroon ng mapapangasawa? Malaking katatawanan naman yata 'to.
"Yes, I'm serious son. Sa makalawa ko siya ipapakilala sayo. Kaya paghandaan mo ang araw na 'yun. Huwag na huwag mo akong bibiguin lead. Nagkakaintindihan ba tayo?" He seriously said.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
