TBG 8 : Starting to know more about her

1K 48 0
                                        

Salamat sa mga nagbabasa nito, kahit kaunti palang kayo. :D Btw, hope you'll enjoy this part. Chalamats :*

_________________________

TBG 8 : Starting to know more about her

Krypton's POV

I woke up when I heard the sound of my alarm clock. Nagpunta ako sa banyo at naligo.  Nang matapos akong maligo ay agad akong nagtungo sa closet ko at kinuha ang mga damit na kailangan ko. Matapos akong mag-ayos ay nagtungo agad ako sa kusina, para kumain. Nakita kong nakahanda na ang aking makakain, kaya umupo naman ako. At bago ko pa man simulang kumain ay may nakita akong note sa gilid ng plato ko. Binasa ko naman ito.

'Hi Darling! Don't forget to eat your dinner. Sorry kung 'yan lang ang nailuto kong breakfast mo, nagmamadali kasi ako e, But don't worry anak I'll gonna make some special breakfast for you later. Take care and don't forget that  your mom is always loves you. Mwa!'
                 -Your beautiful mom

Napangiti ako sa message ni mommy na nakalagay sa sticky note. Kahit pala medyo busy siya sa opisina nila ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang alalahanin ako. Alam ko namang kaya ko na ang sarili ko, pero iba pa rin naman kasi ang may nag-aalaga sa akin, katulad ni mommy.

Tumingin ako sa ulam ko na ham lang. Okay na nga 'to e, atleast may ulam at alam kong masarap. Kinuha ko nalang ang kutsara at tinidor at saka sinimulan ko nang kumain.

******

Lead's POV

Maaga akong nakarating dito sa skwelahan, dahil maaga akong in-istorbo ng yaya ko sa kakasigaw na 'gumising na daw ako' at isinama pa nito ang nakakairita nitong pagkatok. Tsk! I entered to my classroom at walang ganang umupo. Sino ba namang tao ang magkakaroon ng gana, kung ang aga-aga nitong pumasok at dalawang kaklase palang ang kasama nito? And see that I'm not their friend and ofcourse we're not close. Tss! They're both girls.

"Hi! Lead, Do you have an assignment in math?" Matamis nitong pagkakatanong. Tinignan ko lang siya saglit at ibinaling ulit ang tingin sa blackboard.

"You can copy with us." Dugtong nung isa. Kagaya sa una, ay tinignan ko lang din siya at ibinaling ulit ang tingin ko sa harap. Kita kong lumalapit sila patungo sa direksyon ko. At bago pa man ulit sila magsalita ay pinangunahan ko na sila.

"No need girls. I can do my assignments without others help." I said. Napatango naman silang dalawa. At bumalik sa kanilang inuupuan. Kinuha ko ang notebook ko sa math at inilagay ko ito sa table ko. I analyze the number 1 given.

X squared + X = 5

How can I solve this given? Bigla namang may pumasok sa classroom, and I saw the faced of krypton. Napatingin siya sa akin  saglit at umupo siya sa kanyang upuan. Naglabas siya ng notebook at nagsimulang magsulat. I shooked my head and faced again to the given.

Hindi ko alam kung ano ang i-aanswer ko dito. Parang nabobobo ako. Tsk! Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong tapos na siya. Nakapangalumbaba na siya ngayon, pero agad din siyang umayos ng upo nang magbeep ang phone niya. Let me clear this, narinig ko ang pagbeep ng phone nito, malamang kasi hindi ito nakasilent. She got her phone from her pocket and see the message I guess?.

I caught her na nakatutok na sa cellphone niya and seconds passed, then her lips is forming a smile.

Nakangiti pa rin itong nagtatype sa cellphone niya. And it seems that she have an admirer or there is a happy or inspiring message that she got.-Or maybe there is a person who courting her and send her a sweet message. I guess!? Napailing ako sa mga naiisip ko. Now, I want to know about her, kaya ngayon palang ay kailangan ko nang bantayan ang mga kilos niyang kataka-taka.

Biglang nagring at sakto lang na ang ibang mga kaklase ko ay nagsidatingan na. Including My Four Friends. Tss! They greeted me a 'goodmorning', but I didn't reponse. Kaya umupo nalang sila sa kani-kanilang upuan. Mga loko talaga. Nagplano plano yata 'tong apat na sabay sabay pumasok at tumayming sa pagtunog ng bell. Well, I guess they have their own plans. But It's okay! I have my own too. Though, it's not that chicken I think.

"Goodmorning Class." Our teacher said. All of us are greeted back. At saka kami umupo. Kung ano ano pa ang mga pinagsasasabi ng teacher namin, hanggang sa dumating kami sa punto ng activities.

"Listen class, Since I have given you an activity next month. I want you to be in a group. I'll group you into 5 and let's start counting to....... you Ms. Anto."

"1" Pangunguna ni Anto. "2" sabi naman nung katabi niya. "3" "4" "5". Nagpaulit-ulit ang countings hanggang sa marinig namin kung anong number si krypton.

"3". Nagsunod-sunod ulit ang pagbibilang hanggang sa maging akin. "3" I calmly said.

"Wuts! Pareho pala kayo ni krypts." Neon whispered and grinned. I only gave him a death glared, so that he shut his mouth.

"4" si neon. "5" si antimony. "1" si zinc. And "2" si copper.

"Excuse me ma'am!" Napatingin kaming lahat sa isa naming kaklaseng tumayo. "Yes! Ms. Tan?"

"Ahm! Ma'am ano po ba'ng group activities ang ipapagawa niyo sa amin? Role playing po ba? Group reports? Video presentation? Or Group searching?" - Tan.

"Uhm! Well, I still think about that. But don't worry ms. Tan, Sooner you will know about your group activity. So, for now. Let's move on to our new lessons." Sabi ng guro namin. She started to discussed the lessons.

**************

Natapos ang isang araw na klase na puro normal lang ang pangyayari. Hindi na muna ako sumama sa apat na maglalaro lang ng arcade sa mall. Kaagad nalang akong dumiretso sa bahay. At mga ilang minuto lang ay nakarating kaagad ako. At nakita ko si krypton na kararating lang din, napahinto naman ako sa tapat ng bahay nila. And then I see na sinalubong siya ng isang lalaki na kasing tangkad ko lang yata. Is this her brother? Couzin? Relatives? Or what?! They smiled each other. Inakbayan siya ng lalaki at ginulo pa nito ang kanyang buhok. Pumasok sila gate at humarap para saraduhan ang gate nang biglang napatingin silang dalawa sa direksyon ko. Nanlaki bigla ang mga mata niya.

Tsk! She obviously knows that I'm not a ghost or alien. O Whatever na para magulat siya. I looked at them seriously at pinaandar ulit ang aking motorbike, nang makatungo ako sa bahay namin, ay tinignan ko muna silang dalawa for the second time at saka ako pumasok sa bahay.

I'm obviously curious to the both of them. Ikalawang kita ko na 'to ah sa lalaking 'yun. Bakit napapadalas na yata yung punta nun. Kapatid niya ba talaga? Or baka pinsan lang? O 'di kaya.....

..

..

..

..

..

..

..

..

BOYFRIEND NIYA?

________________________________✏

A/N: Pasensya na po kung ang ikli ngayon ng Update ko. Hehehe!










The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon