TBG 59 : Celebration
Lead's POV
Hinahanap ng mga mata ko si krypton. Wala na siya sa pinag-upuan niya kanina. Tss! Masama ang loob ko sa babaeng 'yun pero bakit siya pa din ang hinahanap hanap ko?
"Lead, are you okay?" Tinignan ko si krystal saglit na nasa tabi ko lang. Hindi ko alam kung bakit nagpunta 'tong babaeng 'to. Wala naman akong sinabi na puntahan niya ako dito. Alam ko namang ako lang ang pinunta niya dito. Tss!
"Okay lang si lead, krystal." Sagot ni copper. Habang nag-uusap usap sila ay hindi naman mawala ang paghahanap ko kay krypton hanggang sa makita ko siyang papalabas.
"Paano ba 'yan coach. Hindi natapos ang laro?" Tanong ni nick.
"Okay lang 'yan kung hindi na natapos ang laro basta alam nating panalo tayo." Sagot nung coach namin.
"Exactly, kitang-kita namang mas lamang tayo." Sang-ayon ni neon.
"Guys, panalo talaga tayo. Dapat nga mas malaki pa ang puntos na lamang natin kung hindi nga lang nagkagulo." Sabi ni travis at tinignan ako. Tumingin naman ako sa kanila saglit at tumayo na.
"Lead, saan ka pupunta?" Tanong ni antimony. Naramdaman ko din ang pagtayo ni krystal pero bago pa siya sumunod ay pinigilan ko na siya at sinabihang huwag susunod. Nagpaalam na din ako sa kanila matapos kong kunin ang bag ko tapos ay nagpunta na ako sa labas para sundan si krypton. Gabi na at malamang wala siyang kasama sa pag-uwi. Siguro uuwi na din ako dahil hindi naitutuloy pa ang larong naudlot. Kung hindi lang kasi epal ang draven na 'yun. Siya ata ang masyadong inis dahil nagawa pang mangpatid. Ulol! Natatakot kasi na baka matalo. Kitang-kita namang panalo kami at kahit anong gawin niya hindi na iyon mababago. Loko siya! Wala akong pake kung pumutok 'tong labi ko patas lang kami dahil nasuntok ko naman siya. Tss!
Hinahap ko si krypton dito pero sa tingin ko papunta na 'yun sa labas at hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siyang papalabas nang paaralan kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Nakita ko ang paghinto niya at unti-unting pagharap.
"Let's go!" I said at bago pa man siya makapagsalita ay hinila ko na siya palabas. Sumakay ako sa motor ko at pinasakay din siya. Hindi naman siya nagreklamo kaya madali kong pinaandar ito. Kahit sumama ang loob ko sa babaeng 'to ay hindi ko pa din maiwasang hindi mapangiti.
~~***
Nakarating kaagad kami sa bahay nila. Doon ko hininto ang motor ko sa tapat ng bahay nila dahil sisiguraduhin ko munang makapasok siya bago naman ako magpunta sa bahay. Pagkababa niya ay nanatili naman siyang nakayuko at para bang hindi siya makatingin sa akin.
"Hoy!"
"Pasensya ka na." Sabi niya. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Bakit ano ba ang dapat isagot dun?
"P-pasensya ka na kung kasalanan ko ang pagkabadtrip mo kanina. Ikaw naman kasi e," Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kasalanan niya? Nagsabi lang siya ng totoo, hindi naman talaga kami mag-on. Ako naman kasi 'tong si gag*, nagpadalos-dalos sa pagsagot kanina kaya yun nalang ang nasabi ko, yung 'girlfriend ko siya' hindi naman kasi talaga totoo. Siguro para sa kanya tapos na ang pagpapanggap namin. Tss! E, ano naman ngayon. Tapos na rin naman yun sa akin.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AbenteuerHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
