Krypton's POV
Isang linggo na ang nakaraan simula nang maging slave ako ng isang lead Amper Tyson. Psh! Sa dinami dami ba naman na pwedeng makaalam ng sekreto namin ni grey, bakit ang kumag pa ang nakaalam na mahilig mangblackmail?
Nakakainis lang dahil wala akong magawa para tumanggi sa mga utos niya. Dahil malakas ang panlaban niya. Tsk!
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko nang biglang tumalon si chasey sa akin kaya naman napatigil ako.
"Oh! Chasey, ba't nandito ka?" Tanong ko.
"Meow!! Meow!!" Ibinaba ko nalang siya saka ako bumaba sa kwarto baka may tao yata sa labas kaya pumunta dito sa chasey. Maaga kasing umalis si mommy kaya ako lang at si chasey ang nandito sa bahay.
Hindi pa nga ako nakakalapit sa gate namin, pero tanaw na tanaw ko na ang lalaking nakatalikod habang nakapamulsa pa. Ano na naman ba ang kailangan nito? Huwag niyong sabihin na pati ba naman dito sa bahay ay may pagagawin pa siya sa akin?
Tatalikod na sana ako sa bumalik sa kwarto kaso bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
"Oh! May kailangan ka?" Bungad ko agad sa kanya. Ngumisi lang naman siya. Naku! Sana naman walang masamang plinaplano 'to.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"-Siya.
"Hindi." Mabilisan kong sagot. Ano ba ang gagawin niya dito? E, may bahay din naman sila bakit hindi nalang siya sa bahay nila pumasok. Tsk! Kahit kailan talaga di nag-iisip.
"Edi, isusumbong kita sa mommy mo." Parang bata niyang sabi.
"Edi isumbong mo!" Bahala siya kung magsumbong siya. E, ano naman diba?
"Marie.." Napatingin naman kami sa nagsalita.
"Grey?!" Napatingin naman siya kay lead. "Sino siya?!" Tanong niya. Sasagot na sana ako kaso bigla akong naunahan ni lead.
"Lead amper tyson pre." Pakilala sa kanya ni lead. Binaling naman ni grey ang tingin niya sa akin. "Ano mo siya?!" Tanong na naman niya. At sasagot na naman sana ako kaso bigla na naman akong nasingitan nitong kumag na 'to. Sa totoo, may problema ba 'tong lalaking 'to sa akin?
"I'm her classmate." Seryosong sagot ni lead. Pero napalitan kaagad ito ng isang nakakalokong ngiti.
"Ikaw, ano mo ba siya?" Tanong nito. Bigla naman kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Tumingin sa akin si grey at saka tumingin ulit siya kay lead.
"Pinsan. Pinsan ko siya." Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Alam kong alam na ni lead kung ano nga ba talaga kami ni grey, pero alam ko rin na hindi pa alam ni grey na alam na ni lead ang sekreto namin kaya iba ang sinagot niya. Naiintindihan ko naman iyon, pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon patago pa rin ang relasyon naming dalawa. Ang hirap pala ng ganito ano?
"Ah!" Tipid niyang sabi saka tumingin sa akin. "Anyway, see you sa school. Bye!!" Pagpapaalam niya. Kami nalang ngayon ni grey ang nandito.
"Kelan ka pa nagkaroon ng kaibigang lalaki na close na close sa'yo?" Seryoso niyang tanong. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. E, hindi ko naman kaibigan ang lead na yun e. Kaaway pwede pa!
"Matagal na ba yun napunta dito sa bahay niyo?" Tanong na naman niya.
"Oo. Magkapit bahay lang naman kami, kaya madalas siyang napapapunta dito." Sagot ko. Totoo naman yun ee. Ang FC kasi nitong si lead. Pati kay mommy nakikiclose na rin. Psh! Tumango nalang siya sa sinagot ko.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.