TBG 24 : His Plan

661 29 4
                                        

Krypton's POV

Nakarating kami sa playground kung saan niya din ako dinala noon, nung nagdadrama siya. Parang umuwi na rin ako sa sitwasyon na 'to e, nasa subdivision lang naman kami ee. Nakakainis talaga 'tong lalaking ito. Sa dinami dami ba naman na pwedeng kaladkarin. Bakit ako pa!?

Sang-ayon pa naman ako sa mga sinabi ni zinc kanina na mas importante ang pag-aaral, pero sa ginawa ngayon ng lead na 'to. Parang sinira na niya ang araw ko. Tchh!!

Ramdam ko ang pagbitaw niya sa kamay ko, kaya napatingin naman ako sa kanya. Nasa tabi ko lang pala siya.

"Ano ngayon, dinala dala mo ako dito tapos h----"

"Help me!!"

"Ha?" Tulungan ko daw siya? Hala! Adik ba 'to? Anong help me! Help me'ng sinasabi niya? 'Help me' niya mukha niya. Tsk!!

"Help me!!" Ulit niya.

"Takte naman lead, narinig naman kita e, kaya pwede ba hindi mo na kailangang ulitin pa." Medyo irita kong sabi. Sino ang hindi maiirita kapag kasama mo ang blackmailer na 'toh?

"Malay mo, baka bingi ang kinakausap ko." Bigla namang umusok ang ilong ko. Promise! Pigilan niyo ako baka mawoshu ko 'tong bwiset na 'toh.

"Pwede ba! Tumigil ka na. Nakakairita na ee." Sabi ko habang pumapadyak sa damuhan.

"Kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya sa seryosong tono.

"Naku! Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo lead. Nag-aaral ako at hindi ako gangster na katulad mo." Diretsahan kong sagot sa kanya. Binigyan niya naman ako ng "kung-pwede-lang-sana-kitang-batukan-baka-kahapon-ko-pa-ginawa"-look. Hindi ako matalino sa pagbabasa sa kanyang mga iniisip pero nahalata ko ngayon na iyon ang gusto niyang ipahiwatig, dahil feeling ko. Maiinis na rin siya, pero mas naiinis ako sa kanya.

"Damn! Wala pa nga akong sinasabi dedepensa kana agad? Tsk!!"-Siya

"Anong walang sinasabi? E, kanina ka pa nga salita ng salita dyan. Utak naman lead. Huwag puro basag ulo.." Sagot ko. Bigla niya naman akong sinamaan ng tingin, kaya biglaan akong napaatras. Hala! Wala kaya akong sinasabing mali. Tama kaya iyon. Diba!?

Lalakad na sana siya palapit sa akin ng biglang tumunog ang phone niya.

****

Lead's POV

Napahinto ako at kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka ko tinignan kong sino ang nagtext.

From: Annoying_Dad

After your class, go directly to our house. At ipapakilala ko na sayo si krystal. Huwag na huwag mo akong bibiguin lead.

-

Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko nang mabasa ko ang message ni dad. Fvck it! Seryusuhan pala 'to ha?

"Hoy! Maawa ka naman sa cellphone mo. Kung tao lang talaga iyan, baka kanina pa 'yan nasasakal sa ginagawa mo. Ano ba ang problema?" Ba't ba ang lakas ng trip ng babaeng 'toh? Tss!! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ilang oras nalang din at pupunta na ako sa bahay. Bigla bigla akong lumapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang braso niya, nagulat naman siya sa ginawa ko.

"U-uy! Jinojoke lang naman kita. A-aray! A-ang sakit." Awtomatiko kong binitawan ang braso niya, nang makita kong nangingilid ang luha niya dahil sa sakit na nararamdaman niya. And I don't know but I felt something weird. Damn it lead!

"Huhuhu!! Ang sama nito." Mukhang bata siya nang sabihin niya 'yon.

"Kailangan mo akong tulungan."-Ako

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon