TBG 34 : Asking

567 24 0
                                    

TBG 34 : Asking

_____________________________________________________________________

Krypton's POV

Ilang oras na naman ang lumipas at ngayon labasan na naman. Nagsimula na akong magligpit ng  aking mga gamit at diretsong nagpunta sa locker ko para ibalik ang librong ginamit namin kaninang english time. Kasasara ko pa nga lang ng locker ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si lead. Paaasahin na naman ba ako nito? Joke lang! Hindi naman ako umasa. Ano ba kayo. Haha!


"May kailangan ka?" Taas kilay kong tanong. Wala lang trip ko lang. Sa halip na sagutin niya ang tawag ko ay bigla niya akong hinatak palayo sa locker area at naabutan ko nalang ang sarili ko na nandito na pala kami sa likod ng canteen kung saan madalas silang tumambay dito ng gang. Ewan ko! Sa dinami-dami ba naman na pwedeng tambayan, bakit sa likod pa ng canteen? Siguro dahil peaceful tignan.

"B-ba't tayo nandito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit kami nandito at kung ano nga ba talaga ang kailangan niya? Psh! Minsan talaga ang hirap din intindihin ng mga lalaki. Tss!


"I-I have something important to ask." Panimula niya. Ano naman kayang bagay ang itatanong niya? Nabuhay tuloy ang kuryusidad ko sa sinabi niya. Kainis!!

"Ano naman 'yun?" Pagtataka kong tanong. Wala akong ka-ide-ideya kung ano ang posible niyang itanong. Aba malay ko talaga. Nagsimula siyang mapabuntong hininga at seryoso akong tinignan. Seryosong usapan ba 'toh?

"What is the fullname of your cous-----I mean your. Tsk-----Boyfriend..." Parang nawalan siya ng gana nang sabihin niya ang salitang 'your boyfriend'. Inaano ba siya? Bitter siguro? Naku! Ki'lalaking tao nagiging ampalaya. Hahaha! Wait! Bakit nagkaroon naman siya ng interest na malaman ang buong pangalan ni grey? Interesado siya kay grey? HALA! Ibig sabihin ba nito-------Naputol ako sa pag-iisip nang bigla siyang magsalita.

"What the hell are you thinking? Pinangungunahan na kita hindi ako bakla." Mariin at parang naiinis niyang sabi. Oy! Defensive ang lelang niyo.


"Inaano ka ba? Wala naman akong sinasabing bakla ka." Sagot ko. Parang ano kasi ee. Nasa isip ko pa nga lang, dumedipensa na kaagad? At nabasa pa talaga niya kung ano ang iniisip ko ha. Hindi naman ata siya mind reader.

"Wala ka ngang sinasabi, pero base sa reaksiyon mo nahahalata ko na kung ano ang nasa isip mo." Naniningkit ang mga mata niyang sabi. Hindi nalang ako nakapagsalita sa sinabi niya. Bahala na! Wala na kasi akong maisagot para makadipensa.

"Now, give me the full name of grey." Sabi niya.

"Bakit mo ba tinatanong ang buo niyang pangalan? Ano ba ang gagawin mo ha?" Nakapameywang kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa ginawa ko.


"Tss! Umayos ka nga, hindi bagay sa'yo ang magganyan. Hindi ka sexy." Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya. Pucha! Sa dinami-daming salitang pwede niyang sabihin bakit 'Hindi ka sexy' pa? Ughhhh!! LEAAADDDDDD! Sinamaan ko naman siya ng tingin. Porket ba pumapameywang ako, hindi na bagay sa akin dahil hindi ako sexy? Aba't! Kumag pala siya eh. NAKAKAASAR AS IN.

"O' why are glaring at me? Totoo naman ang sinabi ko diba?" Painosente niyang sabi. Takte! Ang sarap sarap niyang kutungan ng dalawampu't beses. Naconcious tuloy ako sa kalagayan kong 'to. Sheeet! Napasimangot nalang tuloy ako.


"Hoy! Teka nga, kanina ko pa tinatanong sayo kung ano ang buong pangalan ni grey kaya sabihin mo na." Mukhang naiinip na siya sa kalagayan niyang 'yan ha?

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon