TBG 55 : Seryosong Lead
Krypton's POV
Goodmood ako ngayon. Ewan ko ba kung bakit, siguro okay na okay na ako at wala nang bahid ng sakit ang puso ko. At alam kong masaya na ako kahit hindi naging mabuti ang pagtatapos sa aming dalawa ni grey. Nanumbalik na rin naman ang sigla ko. Actually ilang araw na din pero ngayon ko lang talaga masasabi na okay na sa akin ang lahat. Parang wala ng sakit dahil pagkagising ko kaninang umaga ay masaya na talaga ako. Hahaha!
Vacant namin ngayon kaya nagpunta na uli ako sa madalas kong tinatambayan. Ako lang mag-isa ang pumunta dito dahil hindi ko naman maaaya si shine kung may class sila ngayon. Pagkarating ko dito sa malaking puno ay may nakita agad akong isang lalaking nakasilong sa lilim ng puno. Nagpunta naman ako sa harapan niya at doon ko nakita si...lead?
"Hello!" Bati ko at kinaway kaway sa kanyang harapan ang aking kamay. Hindi naman niya iyon pinansin dahil nakatingin siya sa malayo at ang seryoso ng mukha niya at parang sinasabi nito na huwag daw siyang istorbuhin kundi masusuntok kayo. Parang ganun! Kaya tahimik nalang ako umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit umupo pa rin ako dito kahit alam ko namang baka asarin at guluhin niya lang ako pero parang gusto ko talagang dito na muna tumambay dahil presko ang hangin.
"Hoy!" Mahina kong sabi at balak ko pa sanang kalabitin siya kaso hindi ko na itinuloy baka kasi mamaya mamalayan ko nalang na bali na pala yung daliri ko. Katakot! May ilang metrong distansya sa pagitan namin, ang awkward kaya kung halos magkadikit na kami. Err!
Hindi ko naman maiwasang hindi siya sulyapan. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ekspresyon niya. Still ang seryoso niya pa din at nakatingin pa rin siya sa malayo. Ewan ko nga kung nararamdaman ba niya ang presensya ko. Masyadong seryoso ang mukha niya parang malalim ang iniisip at parang may problema? Talaga?! Siya magkakaproblema ng gano'ng kaseryoso? Ano naman kaya iyon?
"Kung ipakakasal ka ng daddy mo sa taong hindi mo mahal, papayag kaya ang mommy mo?" Biglaang tanong niya. Kamuntikan na 'kong magulat do'n ah.
"Ehhh??" Natameme naman ako sa tanong niya. Ano ba talaga ang nasa isip niya at naitanong niya 'yon?
"Can you please answer me?" This time nakakunot naman ang noo niya pero nakatingin pa rin siya sa malayo.
"A-ah! S-sa tingin ko hindi. H-hindi ata papayag ang mommy ko. Maiintindihan naman kasi niya ako kung hindi ko kayang pakasalan ang taong hindi ko mahal. At alam kong alam ni mommy na kailangan ko talaga ng kalayaan at hintayin ang taong mamahalin ko nalang bigla." Enebeyen! Serious talk? Okay na 'to kesa naman panisin ko ang laway ko.
"Sana pala nabuhay nalang ng matagal si mom." Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya. Bumalik na uli sa pagkaseryoso ang mukha niya.
"Sana hindi nalang siya namatay, you said na mauunawaan ng ina kung bakit ayaw nating pakasalan ang taong hindi natin mahal. Tss!" Napatingin naman ako sa kanya.
"Wait! Yung mga sinasabi mo, tungkol ba ito sa------" Hindi pa man ako tapos ay tinanguan na niya ako. I knew it! Tungkol nga ito sa pagpilit ng daddy niya na ikasal siya kay krystal. Bakit ko alam? Diba nga, kunwaring magsyota kami nitong si lead at malamang baka hanggang ngayon ay girlfriend pa rin ako ni lead sa mga mata nila. Ang hindi nila alam, isa lang iyong pagkukunwari.
"Ayaw mo ba talaga sa babaeng 'yun?" Tanong ko.
"Fvck! Kahit ano pang sabihin niyong mabubuti tungkol sa babaeng 'yun ay hindi ko talaga magagawang pakasalan yun. Tss!" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Wala namang mali kay krystal except yung ugali. Tss! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dun kaya minabuti ko nalang na tumahimik. Sa tingin ko matagal tagal pa iyon at feeling ko plano palang iyon ng daddy niya. Hindi naman ata siguro magagawa ng daddy niya na ipakasal kaagad siya ng ganito kaaga. Kaya alam kong plano palang 'yun. Pwede pang magbago ang isip ng daddy niya at hindi na ituloy ang plano.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
