TBG 42 : Ignoring her (pt.1)

556 25 18
                                        

May nagbabasa pa ba? Pasensya na pala sa napakatagal na update. Bawi na ako sa chapter na 'to. Hahaha! :D

_________________________________________________________

TBG 42 : Ignoring her (pt.1)

Krypton's POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor nang biglang may tumawag sa apelyido ko. Tumingin ako sa likod ko at doon ko nakita ang isang teacher na nakasalamin. Teka si mrs. Dee ba 'to? Parang nag-iba naman ata itsura niya. Sininyasan niya akong lumapit sa kanya kaya sinunod ko naman.

"Bakit po ma'am?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko na animo'y close na close kami.

"Pakitawag mo nga si Mr. Tyson. Sabihin mo kako na pinapatawag ko siya.." Sagot niya. Tatango na sana ako nang marealize kong dalawang tyson pala ang kaklase ko. Si copper at lead!

"Ah! Sino pong tyson ma'am? Si lead po ba o si copper?" Tanong ko uli.

"Ah! Yung gwapong bata. Si lead ata 'yun." Sagot niya. Jusme si ma'am. So parang sinabi niya na rin na hindi gwapo si copper? Aray! Ansakit yun para sa kanya. Hahaha! Tumango-tango nalang ako at naglakad na ulit patungo sa classroom. Nang makarating ako du'n ay hinanap kaagad ng mga mata ko ang pagmumukha ni lead amper tyson pero hindi ko siya nakita dun. Pinanlakihan ko na ang mga mata ko baka kasi nagtatago lang ang gagu pero wala talaga e. Apat lang ang nandun at wala si lead kaya napag-isipan ko nang lapitan ang grupo para magtanong.

"Excuse me." Magalang kong pagsingit. Masaya kasi silang nag-uusap usap kaya nag-excuse muna ako. Alangan naman kasing nag-uusap usap sila tapos bigla nalang akong magsalita baka sabihin ng mga 'to na bastos ako at walang galang. Aba! Ayoko namang pagsalitaan ako ng ganyan.

"Ano 'yun magandang binibini?" Kun may hawak lang talaga ako baka nahampas ko na yun sa mukha nitong si copper. Hucha! Sa ginawa niya kasi parang hindi niya ako kilala at may balak na biktimahin ako. Don't me! Tss!

"Hoy! Gagu! Si krypton 'yan pre, hindi yan kung sino sinong babae lang na maaakit mo." Pambabara ni antimony. Saka tinignan ako.

"Ano 'yun krypton?" Mabuti naman nagsalita rin si zinc. May matino pa palang kausap dito. Haist! Salamat naman.

"Ahm! Itatanong ko lang sana kung nakita niyo si lead?" Hindi ko alam pero ang weird ng mga tingin nila sa akin. Ano bang problema? Tinanong ko lang naman kung nakita nila si lead anong kaso du'n?

"What the? May gusto ka kay lead? Kelan pa?" Binatukan naman siya ni antimony si neon.

"Baliw ka ba? Tinatanong lang naman niya kung nakita natin si lead. Wala naman siyang sinabing may ipagtatapat siya kay lead. Siraulo 'to, hindi nag-iisip." May punto talaga 'tong si antimony. Oo nga! Tinanong ko lang naman at wala akong sinabing kong ano kaya kung makapagreact 'tong si neon parang ano. Tch!

"Sorry! Nakakahiya naman sayo. Ang talino mo!" Sarkastiko nitong sagot.

"Baka nasa likod lang yun ng canteen." Sagot ni copper.

"Ah sige. Salamat!" Nagsitanguan nalang sila at nagpaalam sa akin. Gano'n rin naman ako at tuluyan na akong lumabas sa classroom.

~~**

Hindi pa nga ako nakakarating sa canteen nang bigla ko nang makasalubong si lead. Nakatungo ito at parang walang gana kaya hinarangan ko ang dinadaanan niya.

"What the----" Natigil siya nang mapansin niyang ako ito. Masama niya akong tinignan kaya napaatras naman ako ng kaunti. Beastmood ba siya? O baka naman may nagawa akong kasalanan? Pero sa tingin ko wala naman.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon