TBG 56 : His shirt
_________________________________________________________________
Krypton's POV
Napaayos kaming lahat ng upo nang biglang pumasok 'yung guro namin. Nang batiin niya kami ay bumati naman kami sa kanya pabalik.
"CLASS ATTENTION!" Si teacher naman kung makapagsalita akala mo'y mga bingi lahat ng estudyante niya.
"MAY LARONG BASKETBALL NA GAGANAPIN BUKAS AT KAILANGAN NAMIN NG LIMANG ESTUDYANTE SA IKASIYAM NA BAITANG. KAYA KUNG SINO ANG MGA WILLING NA SUMALI SA INYO. PUMUNTA KAYO KAY SIR. DIMAGIBA SIYA NA ANG BAHALA SA INYO." Pagpapaliwanag niya.
"Ma'am, kami po!" Napatingin naman ako kay neon.
"TUMAYO KAYO NANG MAKITA KO KUNG SINO TALAGA ANG SASALI." Nagsitayuan naman silang lima. Saktong sakto ah!
"OH! MABUTI NAMAN AT LIMA KAAGAD KAYO." Sabi niya. Hindi po sila lima ma'am, anim po yun. Anim!
"Sino-sino po ba ang makakalaban namin?" Tanong naman ni antimony.
"SIGURO 'YUNG FOURTH YEAR. KAYA GUYS GALINGAN NIYO DAHIL MAY NALAMAN AKO NA KAPAG MANALO KAYO AY KASAMA NA KAYO SA IPAPAMBATO NG SCHOOL SA LARONG BASKETBALL AT HINDI NA TAGA RITO ANG MAKAKALABAN NIYO KUNDI ANG IBANG SCHOOL." Nagkatinginan naman silang lima at nakikita ko sa mga mukha nila ang pagkaexcite lalong lalo na si antimony at neon mukhang hindi na makapaghintay sa gaganaping laro bukas. Bukas kaagad yun ah! Wala man lang training. Pero sa tingin ko marunong naman silang lima.
"WHOA! GO GUYS. GALINGAN NIYO HA!" Sigaw nung isa naming kaklase. Grabe siya masyado ring excited e, bukas pa 'yun ah.
"ANYWAY, YUN LANG ANG ALAM KO, KAY SIR. DIMAGIBA NA KAYO MAGTANONG DAHIL SIYA ANG MAS MAY ALAM. SO OKAY! WHAT ARE THE LESSONS THAT WE DISCUSSED YESTERDAY?" Kamuntikan na 'kong magulat sa pag-iiba niya kaagad ng topic. Hindi man lang nagpause si teacher ng ilang minuto. Grabe! Sumagot nalang tuloy yung isa kong kaklase at nagpatuloy na ang bagong discussion.
~~**
It's already lunch break kaya kaagad na akong nagtungo sa canteen pero bago yun, pumunta muna ako sa classroom nila shine para may kasabay naman akong kumain. Mabuti nalang dahil nando'n pa siya.
"Tara kain na tayo." Tumango naman ako kaya sabay na kaming kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang may lumapit sa amin. Tumigil ako sa pagkain at tumingala para tignan kung sino 'to.
"Hi krypton." Nakangiting bati sa akin ni krystal na alam ko namang plastik lang 'yun. Tinignan naman ako ni shine at binigyan ako ng anong-ginagawa-niyan-dito look. Napakibit balikat naman ako dahil hindi ko rin alam kung ba't nagpunta 'to sa table namin.
"Chill! Wala naman akong gagawing masama." Natatawa nitong sabi habang nilalaro-laro niya ang hawak niyang apple juice.
"Yang itsura mong 'yan wala kang gagawing masama ha?" Naiinis na sabi ni shine sa kanya. Tinaasan naman siya nito ng kilay.
"Oh! Ba't ngayon ko lang napansin 'to? May kasama ka naman palang mukhang taga bukid." Nang tignan ko si shine ay parang namumula na siya. Alam kong nagpipigil lang siya ng inis kay krystal. Tumayo naman ako bago pa tuluyang mapuno si shine.
![](https://img.wattpad.com/cover/72013738-288-k277051.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.