TBG 30 : Search for the CAMPUS COUPLE

685 25 6
                                        

Itooooo nnnaaaaaaaa :D

______________________________________________________

TBG 30: Search for the Campus Couple

Krypton's POV

Maaga akong gumising para makapagprepare narin sa gaganaping 'search for the campus couple'. Hindi ko alam pero masyado akong kinakabahan.

"Anak, galingan mo ha. Sayang bakit ba kasi hindi si lead ang kapartner mo?" Aba! Malay ko ba ma. Si mommy naman kasi feeling teenager.

"Hindi ko alam. Sige na mi, mauna na ako." Sabi ko at bumeso sa kanya.

"Mag-ingat ka."

"Opo." Nagtungo ako sa labas ng bahay at bigla ko namang nakita ang pagmumukha ni lead.

"Hoy! Bilisan mo nga. Malelate na tayo." Pambihira. Ang aga-aga pa nga. Male-late na kaagad?

"Alam mo, masyado kang excited kita mong maaga pa tapos sasabihin mong malelate na tayo?" Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ko kaya naman sumakay nalang ako sa motor niya at nagtungo na kami sa school.

***********

Walang mga gurong nagtuturo ngayon dahil sabi ko nga ay may gaganaping event ngayon. At ngayon na din maglalaban laban ang by sections and grade levels. Naunang pumasok si lead sa classrooms. Samantalang ako ay napahinto dahil biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'to sa loob ng bag ko. At sinagot ang tawag ni grey.

"Hello."- Ako

"Thanks." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawa ah. Bakit nagpasalamat siya?

"Thanks for what?" Tanong ko.

"Thanks dahil narinig ko ulit ang boses mo. Hindi man sa personal atleast narinig ko pa rin. Alam kong ilang araw tayong hindi nagkita at nagkausap. I know naman na busy ka diyan. Hindi ko man makikita ang maganda mong mukha atleast alam kong akin ka. At magkikita parin naman tayo. Don't worry marie, pupunta ako bukas sa bahay niyo at sabay na rin tayong pumasok. Babawi ako, babawi ako sa mga pagkukulang ko." Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya. Oo nga anoh? Matagal-tagal din pala kaming hindi nagkausap at nagkita. Minsan nalang din siya magtext sa akin. Parang napapalayo na kami sa isa't-isa, hindi man kami nagkikita araw-araw atleast alam namin na mahal namin ang isa't-isa.

"Thanks. Pasensya na din kong hindi rin ako makapagreply sa text mo. Masyado lang talaga akong nabusy dito... Hope you'll understand." Medyo malungkot kong pagpapaliwanag.

"Don't worry. I understand. Pareho rin naman tayong nabubusy. Nabusy din ako sa mga schoolworks na ginagawa namin." Natawa nalang ako. Hindi naman kasi maiwasan 'yon eh.

"Oh! Krypton, ba't andiyan ka pa?" Napatingin ako sa president namin.

"A-ah! I think I need to hang up this. Bye!" Sabi ko.

"Bye. I love you!" Sabi niya.

"Yeah! I love you too." I said and then I ended the call. Napatango naman ako at pumasok na sa loob ng classroom. Walang masyadong ginagawa ang mga kaklase ko. Yung iba nag-iingay, nagtatawanan at kung ano-ano pa. Sinusulit ata nila dahil alam nilang busy rin yung ibang teachers namin. Napag-isipan kong lumabas lang muna nang maisip ko na hindi naman yata pupunta ang ibang guro namin dito. Nagpunta ako sa canteen para bumili ng juice, nasa tapat na ako ngayon ng tindera at kukuhanin ko na sana ang juice na in-order ko nang biglang may kumalabit sa akin.

"Shine?" Nginitian naman niya ako.

"Akala ko nakalimutan mo na ang pangalan ko." Natatawa niyang sabi.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon