TBG 37 : Her Dad
___________________________________________________________________
Krypton's POV
Kabababa ko palang nang bigla na akong tawagin ni mommy. Sumunod ako sa kanya patungo sa labas at eksakto namang may taxi nang nakapara sa tapat namin. Nauna akong pumasok sa passenger's seat at katabi ko naman ngayon si mommy.
Tahimik lang kaming nasa biyahe at kalahating oras ang inabot namin bago makarating sa opisina ni daddy. Traffic kasi ang dinaanan naming way dahil may nagbungguan daw. Malay ko naman kung ano ang dahilan.
Sabay kaming naglakad ni mommy sa loob ng opisina ni daddy. Nang makapasok kami ay kaagad kong nakita si daddy na may katext sa cellphone niya. Nang maramdaman niya ang presensya namin ay dali niya itong pinasok sa bulsa niya at tumayo saka niyakap kaming pareho ni mommy.
"I'm glad to see my daughter again." Natutuwa niyang sabi kay mommy at saka tinignan niya uli ako.
"Naku! Mabut nga wala siyang ginagawa ngayon kasi kung nagkataon baka hindi ko mapilit ang anak mo." Natatawang sagot ni mommy.
"Anyway, how's your school days marie?" Tanong ni dad sa akin.
"Better." Matipid kong sagot.
"Hon, for the first time in her history nagkaroon siya ng close friend na lalaki." Natatawang kuwento ni mommy. TF! Anong pinagsasasabi mo ma? Napatango nalang ako nang tignan ako ni daddy baka mamaya magalit pa siya sa akin. Huhuhu!
"Really?" Nakita ko naman ang pagtango-tango ni mommy na halatang natutuwa talaga.
"And guess what hon, kapit-bahay lang natin. Well, for me bagay silang dalawa. Sana nga siya na yung makatuluyan ng anak natin 'no? For sure, we'll be so proud of it." Napapapalakpak pang sagot ni mom. Ano ba 'yan? Ugh!
"Mih!" Saway ko kay mom. Syempre awkward sa feeling ko 'yun. Si lead ba naman ang tinutukoy niya and for sure, masasaktan si grey kapag malaman niyang gusto ni mommy na kami ni lead ang magkatuluyan. E, ang gusto naman namin ni grey ay pa ring dalawa. Sino kaya ang kakampihan ng tadhana? Si mommy kaya o kami?
"I see. Pero kailangan munang makapagtapos bago makatuluyan ang lalaking iyon. Wait.... who's that guy?" Tinignan muna ako ni mommy bago siya sumagot sa tanong ni daddy.
"Lead.." Mommy.
"Lead?" Daddy.
"Lead...Ano nga ba'ng apelyido no'n?-----Ah! Yeah. Tyson." Tumango-tango nalang si daddy at muli ay tinignan ako. Maya maya lang ay nag-usap pa sila ng kung ano-ano. Out of place naman daw kuno ako dahil hindi ako related sa topic nila. Ewan ko nga kung ano 'yun. Pero hindi rin naman nagtagal ay napag-isipan na naming magpaalam kay daddy. May flight pa kasi siya mamayang hapon kaya magliligpit lang muna daw siya ng mga gamit. Sinabi na rin ni mommy na hindi na namin siya maihahatid sa airport dahil may lalakarin pa pala si mommy. Tutal ayaw rin naman ni dad na kami pa ang maghatid sa kanya. Kaya na daw niya ang sarili niya kaya ano pa'ng magagawa namin?
********
ISANG araw na din ang nakalipas nang pumunta kami sa opisina ni daddy. Malamang ngayon nasa california na siya. Dalawang araw naman ang lumipas nang magsalita si lead ng kung ano-anong weird na salita. Ang gulo lang sa utak ng mga pinagsasasabi niya. Hindi ko naman kasi alam kung ano nga ba ang ibig niyang sabihin sa salitang. "....Kung tutuusin nga ako dapat ang kasama mo."
Kasalukuyan kaming nakaupo ni shane sa canteen. Balik pasok na uli kasi kami dahil katatapos pa lang ng weekend kahapon. Masyado na namang obvious 'yun. Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.