Lead's POV
Late na akong nakarating sa paaralan dahil late na ring tumunog ang alarm clock ko. Leche!! Sino ba kasi ang nagpalit ng oras? Tss!! Pagkarating ko sa classroom. Isang boses kaagad ang bumungad sa akin.
"Mr. Tyson, why are you late?" Galit na tanong ng guro namin.
"Sumakit ulo ko." Tipid at walang gana kong sagot. Nang wala na akong narinig na follow up niya ay naglakad nalang ulit ako patungo sa upuan ko. Hindi ko nalang din pinansin ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. Masyado yatang halata sa kanila ang ibang pasa ko. Pake ko!! Tsk!!
**
Ang dali dali lang pala talaga ng oras dahil ngayon lunch break na naman. Hindi ko pinansin ang apat na tao na naghihintay na magsalita ako. Kaagad akong nagpunta sa likod ng canteen. At doon na nagpahinga.
"Hoy! Sabi ko na nga ba e, nandito ka lang pala." Tumingin naman ako sa nagsalita.
"Malamang! Ano pa ang in-i-expect mo?" Tanong ko kay neon.
"Teka nga pareng lead, bakit may mga pasa ka sa mukha? Nakipag-awayan ka na naman 'noh? Takte! Ang daya nito. Hindi man lang kami sinama." Nagtatampong sabi ni antimony. Pucha! Hindi bagay sayo tol.
"Sinolo yata ang laban, kaya ayan may pasa." Nakangising sabi ni zinc. Ulol! Wala akong pake basta in the end ako pa rin ang nanalo.
"At halatang putok ang labi..." Natatawang dugtong ni copper.
"The hell I care.." Walang gana kong sabi sa kanila kaya nagsitawanan naman sila.
"Sino ba kasi ang nagtangka sayong lumaban?"-Neon.
"Sino-sino kamo pare."-Copper.
"I don't know. Basta isa sila sa mga nabugbog natin noon." Sagot ko.
"Ano daw pangalan?" Zinc.
"Jason... Tatlo silang nabugbog ko kahapon pero isa lang ang narinig kong pangalan na binanggit." I answered. Bigla namang tumawa itong si copper. Gagu talaga 'to!
"Hahahaha.. Takte! Si jason? Hahahaha.. E, gigil na gigil yun sa atin eh. Hindi makaganti noon, kaya naghanap ng pagkakataon kahapon. Hahaha... Pasalamat lang talaga siya dahil wala ako sa panonood kahapon dahil kung nagkataon, baka nabaon na 'yon sa lupa. Hahaha!!" Tawang tawang sabi ni copper. Lahat ng noo namin ay nangunot sa patuloy niyang pagtawa. Tumigil rin naman siya nang malaman niyang tahimik kaming lahat at nakikinig lang sa halakhak niyang panget.
"Why don't you guys join with me?" He said.
"Ulol! Hindi kami mga baliw para makisali sa pagtawa mo. E, ikaw nga lang 'tong nakakaintindi ee." Sagot ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. Loko loko talaga!!
"Oh! Teka, nasaan na nga ba si zinc? Diba nandito lang 'yun kanina sa tabi natin? Saan nagpunta 'yun?" Nagtatakang tanong ni antimony.
"Baka naman sinamahan na naman si krypton." Nakangising sagot ni neon. Kung nasa tabi ko lang talaga 'tong neon na 'to baka nabatukan ko na siya sa mga pinagsasasabi niya.
"Paano kaya kung mainlove si zinc kay krypton? Hahaha... post na 'to sa tweeter or fb mga tsong." Hinampas ko naman ang braso ng copper na 'to. Aba't! Gagawa gawa pa ng salita para may maipost. Tanga!
"Uy! Hindi ako nasaktan." Nakangisi niyang sabi.
"Tanga! Anong hindi nasaktan? Bakit nakahawak ka na ngayon sa braso mo?"-Antimony
Tama nga naman 'tong si antimony. Bakit nga ba nakahawak siya sa parteng hinampas ko kung hindi siya nasaktan. Tsk!!
"W-wala! Trip ko! Nagkataon. Pake mo?!" Hindi nalang siya pinansin ni antimony.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
