TBG 4 : Cleaning

1.4K 64 1
                                    


TBG 4 : Cleaning

___________________

Krypton's POV

KAMI nalang ni lead ang nandito ngayon sa classroom. Papalubog na ang araw, hindi parin namin nasisimulan ang paglilinis. Hindi ko alam kung maaawkward ba ako sa kalagayan namin ngayon o hindi. Kumuha nalang ako ng walis tambo at dustpan. Kailangan ko nang simulan ang paglilinis. Ayoko namang magtagal pa ako dito 'noh.

Naglakad ako papunta sa harap para simulan ang pagwawalis. Nagwalis lang ako ng nagwalis hanggang sa makita kong nakatingin lang siya sa akin.

"Alam mo kung tutulungan mo ako dito, baka makauwi tayo agad" Sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko sa noo. Hindi naman siya nagsalita.

"Bingi yata" bulong ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Hoy! Hindi ako bingi" - siya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy nalang ako sa pagwawalis.

Mga ilang minuto lang ay natapos na akong magwalis habang siya ay nakatingin parin sa kawalan. Magsasalita na sana ako nang biglang nagbeep ang cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagtext.

From : Grey

'Sorry, kung hindi ako makakapunta ngayon sa bahay niyo. May project pa kasi kaming gagawin. Hope you'll understand... TCA I love you ❤'

Nagreply naman agad ako sa text niya.

To: Grey

'Don't worry, I understand . Love you too.'

Nakangiti naman ako habang tinatype ang word na 'I love you' at ipinasok ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Boyfriend ?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi pala pwedeng malaman ng kahit na sino na may boyfriend ako.

"A-ah a-ano. W-wala pinsan ko 'yun" medyo nauutal kong sabi. Napakibit balikat nalang siya, habang lumalapit sa akin. Umiwas naman ako at naglakad papunta sa harapan, para ayusin na ang mga upuan. Nakita kong nakasunod siya sa akin. Papalapit na siya ng papalapit sa akin ngayon habang ako paatras ng paatras at paiwas ng paiwas. Hanggang sa makarating ako sa last line ng mga upuan.

"Uy! Anong gagawin mo ha? May binabalak ka 'no ?" Tanong ko.

"'Wag kang assuming. Mag-aayos lang ako ng mga upuan tabi ng dyan sagabal ka" - siya

"A-ay Ang kapal" Bulong ko habang umaalis. Hindi nalang niya ako pinansin at nagpatuloy na siya sa pag-aayos ng mga upuan. Pumunta naman ako sa isang row at nag-ayos narin. Ang bagal kasing kumilos ng lalaking 'to, kaya mas mabuti na kung tutulungan ko nalang. Mga ilang minuto rin ang lumipas nang matapos naming linisin ang buong classroom. Nakakapagod palang maglinis ng classroom lalo na kung dalawa lang kayo.

********************

WALANG gana akong umuwi sa bahay. Sino ba naman kasi ang uuwi ng may gana, kung hindi nakakain ng kanyang lunch at pinaglinis pa sa buong classroom. Pagkaupo ko sa single sofa, tumalon naman sa akin si chasey.

"Mabuti nalang talaga nandito ka chasey" Sabi ko habang hinahaplos haplos ang ulo niya.

"Oh! Anak, kumain ka na ba?" Napatingin naman ako kay mommy na kabababa palang.

"Hindi pa po, kakauwi ko lang po kasi" - ako

"A-ah ! Teka, ipaghahanda kita ng pagkain dyan ka lang" sabi niya at Pumunta naman siya sa kusina. Ibinaba ko muna si chasey tapos tinanggal ko ang bag kong nakasaklay pa sa akin.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon