UNEDITED CHAPTER....
_____________________________________________________
TBG 42 : Ignoring her (pt.2)
Neon's POV
Malaki ang pasasalamat ko dahil sa hinaba-haba na ng storya na ito ay ngayon lang ako nabigyan ng point of view. Hahaha!!
Naguguluhan na rin talaga ako kay lead amper tyson. Bakit ang layo layo nilang magpinsan? Hindi namin alam hanggang ngayon kung bakit nagkaeyebags 'yan. Tawang-tawa nga ako dahil sa buong buhay niya ngayon lang yan nagkaeyebags ng malaki. Hahaha!! Sino nga ba kasi ang pinagpuyatan niya? Baka may girlfriend na ang loko at palihim lang tinatago? Paano kaya kung magstalk kami sa kanya? Hindi naman ata niya yun mahahalata. Hahaha!
"Hoy! Hanggang ngayon hanggang tenga pa rin ang ngiti mo." Inilingan ko nalang si antimony.
"Ano naman ngayon e, masaya ako. Baliw ka talaga!" Napapailing kong sagot.
"Loko! Sumbong kita jan kay lead. Ano gusto mo?" Siraulo! Pagbantaan daw ba naman ako. Bata talaga! Tss.
"Bakit si lead pa rin ba ang dahilan kung bakit ganito ang ngiti ko ha?" Pangangatuwiran ko.
"Bakit hindi ba?" Tanong niya.
"Hindi." Simple kong sagot at bigla nalang akong siniko.
"Aray! Pucha! Ano ba?" Pagmumuktol ko.
"Sabihin mo nga sa akin may girlfriend ka na ba? Ha?" Bigla nalang akong napangiti sa sinabi niya. Maasar nga para naman makabawi ako sa gagung 'to.
"Bakit selos ka? Babe, sorry na!" Paglalambing ko sa kanya at pwe lang dahil nagawa ko bang yumakap sa kanya. Sa totoo lang sukang suka ako sa ginagawa ko dahil bro ko 'to. Eww!
"Hoy! Baliw. Bitawan mo nga ako. Ano ba neon, yuck! Pare, maghulos dili ka sa ginagawa mo. Kasalanan 'to! Pwe! Kadire ka pare." Sabi niya habang pinipilit tanggalin ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Akala niya naman hindi rin ako diring diri sa ginagawa ko. Pwe lang! Gusto ko lang naman siyang asarin. Loko! Maya maya lang ay bumitaw na ako sa kanya.
"Babe, sorry na kasi." Nagmukha tuloy akong bakla sa ginagaws ko. Tangna! Straight 'to mga tol.
"Takte! Sipain kita jan. Hindi tayo talo p're. Huwag ako!" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya.
"Siraulo! Sa tingin mo ba papatol ako sayo? Pwe! Pare, diring diri kaya ako sa ginagawa ko. Pwe! Babae rin ang gusto ko pre. Huwag kang ano." Nandidiri kong sagot sa kanya. Binatukan rin naman niya ako. It's a tie! Tsk!
"Hoy! Ano bang ginagawa niyo? Parang nagtatalo kayo?" Napatingin kami sa paparating sina lead, copper at zinc. Nandito kasi kami ngayon sa likod ng canteen at kami lang kanina ang nandito ni antimony at buti naman dahil dumating rin ang mga loko.
"Walang'ya mga pare, may lihim na pagtingin sa akin si neon. Sabi ko hindi kami talo." Pagsusumbong sa kanila ni antimony. Binatukan ko ulit siya. Gag*! Sineryoso ata ang mga pinagsasasabi ko kanina.
"Letse! Huwag kayong maniwala jan. Binibiro ko nga lang sineryoso ata." Pinagtawanan nalang nila kami at sabay sabay na silang umupo sa kanilang mga pwesto. Napatingin ako kay lead at halata sa kanyang mukha na wala na naman siyang gana.
"Lead, kamusta? Wala ka na bang eyebags? Patingin nga?" Pang-aasar ko. Bigla namang lumipad ang isang dyaryo patungo sa akin kaya mabilis ko itong nasalo.
"Salamat ha." Tumawa nalang ako nang sinamaa niya ako ng tingin. Mabuti naman at nawala na ang eyebags niya. Kahapon lang ata 'yun. Kung mangyari ulit yun baka mas lalo pa akong matawa pero sana mas malaki pa. Bwahahaha! Shatap tayo please. Ayoko pang mabaon sa lupa ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.