TBG 16: FRUSTRATED
_____________________________________________________
Krypton's POV
Nagising ako na wala paring text na natatanggap mula kay grey. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya? May sakit ba siya oh ano lang?
Haist! Huwag ka ngang magpaka O.A jan krypton.
Umiling iling nalang ako at tumingin sa cellphone ko. Nakakabigo lang na hindi man lang ako nakatanggap ng reply niya.
Bumangon akong nakasimangot. Paano ba ako sasaya kung hindi man lang nagparamdam ang taong mahal ko. Kahapon pa yun e. Wala naman siyang ibinilin o sinabi as akin na mabubusy siya.
Ayokong namang mag-isip isip pa ng ibang bagay. Dahil natatakot ako na baka mangyari ang rason na maiisip ko. Pumasok nalang ako sa banyo at naligo.
*****
Pumasok ako sa classroom na wala ni isang pinapansin. Kahit nga tinawag na ako ni antimony hindi ko pa rin siya tinignan. Ayoko nga! Dahil baka mas lalo lang sumimangot tong mukha ko kapag tumingin ako sa kanila. At lalong lalo na sa lead na yun.
Pakiramdam ko kasi para akong magiging dragon kapag makita ko siya na nakangisi. Parang mag-aapoy din ang mga mata ko kapag asarin niya ako sa pagiging slave ko sa kanya.
"Hoy!" Hindi nga ako tumingin. Malay ko ba! Hindi naman 'Hoy' ang pangalan ko diba? Si krypton ako as in K R Y P T O N.
"Krypton, meron ka--" Tanong ni neon. Hindi parin ako tumingin. Sige lang! Mang-asar lang sila.
"Seryoso pare, tinatanong mo yan sa kanya? Hindi ba 'yan maaawkward?" Alam kong boses 'to ni antimony.
"Ano ba pare, kung ano ano na naman ang pumapasok dyan sa utak mo. Hindi pa nga ako tapos. Magrereact ka na agad? Tinatanong ko lang naman kung meron siya----" Antimony cut him off. Bakit ba ang lalakas ng mga boses nila? Pasalamat na nga lang dahil sanay na ang mga kaklase ko sa kanila. Psshhh!!
"Oh kita mo! Paano ngang hindi ako magrereact ha kung-----" Naputol ang sinasabi ni antimony dahil nagsalita na naman si neon.
"Tangna naman pare, isa pa. Babatukan na talaga kita. Tinatanong ko lang naman kasi kung meron siyang naisulat na notes. Kukupya lang sana ako. Kung ano ano naman yang nasa utak mo." Narinig ko naman ang tawanan nilang magbabarkada. Hindi ko nalang sila pinansin dahil biglang pumasok ang teacher namin. At kasabay nun ang pagvibrate ng cellphone ko. Hindi ko nalang muna ito pinansin dahil baka mahuli pa ako.
*****
Grey's POV
Tinext ko si krypton dahil baka mamaya ay magtampo na naman yun. Ayoko ko pa naman na nagtatampo siya sa akin dahil baka mamaya ay sa pakikipaghiwalayan na ang kahihinatnan nito. Mahal ko siya kahit na ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa aming relasyon. Wala kaming pake dun basta ang alam lang namin ay mahal namin ang isa't isa.
Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon.
-FLASHBACKS-
Kararating ko palang sa classroom nang bigla akong harangin ni sophia. I looked directly to her. Ano na naman ba ang kailangan nito? Ilang beses na ba niya pinagsiksikan ang sarili niya sa akin?
"What?" I asked in a serious tone. Ngumisi naman siya and then he flipped her hair.
"Nothing! Gusto lang kita makita." He said with a sweet smile. Are she trying to tease me? Tsk! Kahit ano pa ang mangyari kay kryton lang ako.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
MaceraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
