Ako po'y humihingi ng paumanhin sa napakatagal na pag-update. :D
__________________________________________________________________
TBG 41 : Stage of denying
Krypton's POV
Katatapos ko pa lang mag-ayos at may balak sana akong pumunta sa bahay nila grey baka sakaling nando'n parents niya. Hindi pa naman kami aamin mangungumusta lang ako sa parents niya. Hindi ko na rin kasi nakikitang bumibisita sila tita dito sa bahay kaya maigi atang ako naman ang pumunta sa kanila.
"Oh! Tamang tama, hinihintay ka na ni lead sa labas." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Ano na naman bang trip ng bakulaw na 'to? May lakad ako kaya huwag niya akong maano-ano. Kainis! Panira na naman 'to ng araw. Psh!
"Mih, pakisabi nalang natutulog pa ako." Pakiusap ko kay mommy.
"Ah! Hindi pwede, sinabi ko na sa kanyang papalabas ka na kaya go na anak." Sabi niya sabay hatak sa akin patungo sa labas. Tinulak naman niya ako kay lead.
"Lead, ikaw nang bahala sa anak ko ha. Huwag mong pababayaan. May tiwala ako sayo. Sige na! Umalis na kayo. Ingat!" Sabi niya habang kumakaway-kaway pa. Ouch ha! Ang sakit sa feeling na parang pinagtulakan ako ng sarili kong ina sa iba. HANUBAYAN? Hays! Sa ginagawa ni mommy parang botong boto siya sa bakulaw na 'to. Psh! E, wala na nga 'tong ginawa kundi sirain ang araw ko.
"Let's go." Kahit na magreklamo pa ako e, wala na akong magagawa dahil parang pinamigay na ako ng mommy ko sa lalaking 'to. Sad! Tss! Kahit ayaw ko ay nagpahila nalang ako.
Ayaw mo nga ba?
Tumigil kang konsensya ka. Batukan kita jan e. Kainis! Sumakay nalang kami ng taxi at kahit gusto kong bumaba sa kabilang pintuan ay hindi ko magawa. Basta parang may nagpipigil sa akin. Nanatili nalang akong tahimik buong biyahe hanggang sa makarating kami sa..... simbahan? Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Magsisimba tayo?" Tanong ko. Bigla naman siyang tumango. So, magsisimba nga talaga kami. Ano naman kaya ang nakain ng lalaking 'to at bigla naging mabuting tao? Hinala na naman niya ako at hindi man lang ako nakapagreklamo hanggang sa makapasok kami sa loob ng simbahan. Nagpunta kami sa pangalawang upuan at una niya akong pinaupo do'n sa gilid at sumunod naman siya sa tabi ko. Eksakto namang tumunog na ang kampana hudyat para magsimula na ang misa. Nagsitayuan naman kaming lahat at nagsimula nang magsalita ang pari.
~~**
Labasan na kaya magsisimula na sana akong maglakad paalis ay bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at bigla bigla na naman niya akong hinatak patungo sa labas hanggang sa makarating kami tindahan ng mga cotton candy.
"Give me two cotton candy." Sabi niya kaya sinunod naman ng tindero at binigyan siya ng dalawang cotton candy. Bigla nalang lumiwanag ang mga mata ko nang ibigya niya sa akin ang isang cotton candy. Waaahhh! Yummy~~ Matapos niya itong bayaran ay kaagad kaming nagtungo sa parke. Sabay kaming naupo sa bench. Ilang minuto na rin kaming magkatabi at wala pa ring ni isa sa amin ang umiimik. Hindi naman kami ganito dati diba? Pero bakit ngayon parang may kakaiba?
Napakibit balikat nalang ako at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang cotton candy ko. Hindi nagtagal ay naubos ko na rin ito at bigla nalang nagring ang phone ko. Sekreto ko itong tinignan at nang makita kong si grey ang tumatawag ay bigla nalang akong tumayo hindi man lang niya iyon napansin ni hindi nga ako tinignan. Psh!
"Sandali lang sasagutin ko muna 'to." Paalam ko sa kanya nakita ko naman ang pagtango niya kaya naglakad muna ako palayo sa kanya. At sinagot ang tawag ni grey.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.