TBG 12 : PRACTICE

999 30 3
                                        

TBG 12 : PRACTICE

___________________________________

Krypton's POV

Maaga akong nagising para makapaghanda na rin sa practice namin. Akala ko pa naman lalabas kami ni grey ngayon dahil nga walang pasok dahil seminar daw ng mga teachers sa school. Pero ang timing lang kasi ng practice na'to. Kaya ayan tuloy hindi nalang. Huhohoo!!!!

Kinuha ko nalang ang mini back pack ko at sinuot ko ito saka bumaba sa kwarto. Nakita ko si mommy na naghahanda ng pagkain ko. Lumapit naman ako sa kanya at saktong sakto dahil natapos agad niya ang ginagawa niya. Oh see!!!

"Oh! Dear, ito na yung baon mo. Ubusin mo lahat yan ha. Alam ko namang magugustuhan mo yan." Kinuha ko naman ang baon ko at nilagay ito sa mini back pack ko. Alam kong dalaga na ako, pero minsan hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan pa akong i-baby ni mommy.

"Thank you po! Btw, alis na po ako bye!" Paalam ko sabay yakap sa kanya at halik sa pisngi niya.

"Take care my dear. Bye!" Ngumiti naman ako kay mommy at lumabas na rin sa bahay.

Habang naglalakad ako palabas nang subdivision namin. Bigla naman akong napaisip about dun sa video presentation na gagawin namin. Okay lang naman kasi sa akin kung by pair na hindi ko kagrupo yung lead na yun, baka kasi i-pair siya sa akin ni shoyo. Ayokong mag-isip ng ganun. Pero hindi talaga maiwasan ng sarili ko na isipin yun. Nakakabwiset!

*PPPFFFFTTTTT* *PPPFFTTTTTTT*

Bigla akong napatili sa gulat at ang malas malas nga naman dahil bigla akong naout of balance kaya ngayon ang sarap ng pagkakalangoy ko sa lupa.

Sino ba kasi yung hinayupak na kumag o kung sino man yun na taong binuhay sa mundo ang muntikan ang sagasaan. Hmmm! Nanggigigil na ako sa inis ha! Tumayo ako at pinagpag ang damit at jeans ko. Pasalamat nalang dahil hindi ako naka puti ngayon kasi kung nagkataon baka makabalik na naman ako sa bahay nito.

"Next time! Huwag mo ng paliparin yang utak mo para hindi ka na mawala sa pag-iisip mo." Napatingin naman ako sa alien na nagsalita. Nakatingin rin siya sa akin pero agad rin siyang umalis. WHAT THE!!! Hindi man lang niya ako tinulungan. ARRGHHH! Hindi ko pa naman alam kung sino yung alien na yun dahil nakahelmet siya, but he's so familiar. Parang..... Ohmyghad!!! HINDI KAYA SI LEAD YUN?

Tumakbo kaagad ako at nakalabas rin naman ako sa subdivision namin. Saktong sakto lang dahil nakapara agad ako ng jeep papunta sa bahay nila shoyo khu.

Ilang minuto palang ay nakarating kaagad ako at nakita ko ang mga kagrupo ko sa labas ng bahay nila shoyo. Ako nalang yata yung kulang kaya agad naman akong bumaba at nagbayad sa driver. Nakita ko si lead na nakangisi sa akin. Now I know, siya nga talaga muntikan nang makasagasa sa akin. Nakakainis lang ha! Kasi kung may galit man siya sa akin, dapat sabihin niya hindi yung papatayin pa yata ako nito. Tsk!

Pag ako hindi makapagtimpi sa lead na 'to. Susmariyosep! Patawarin sana ako ng nanay niya. Pero syempre. Nagbibiro lang ako, wala naman ako balak na intensyon na gawan siya ng churva churvang kaekekan.

"Yhey! Complete na tayo. Oh! Pa'no ba tara pasok na tayo." Aiko.

Sumunod naman kami sa nauunang si aiko. Inirapan ko nalang ang bawat pagtingin ni lead sa akin. Pwe! Feeling namam siya. Tss! Nang makapasok kami sa loob. Bigla kong inilibot ang paligid ko sa buong bahay. Simple lang ang bahay nila shoyo. Pero ang ganda at ang linis.

Nakita namin siya na bumababa sa hagdaan. Halatang hindi ito kagigising lang dahil ang ayos ayos ng porma. Picture it na nakadress pa at may light make up lang naman. At alam kong pinaghandaan talaga. Well, i don't know kung may lakad siya o baka naman nagpapaganda lang....

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon