TBG 33 : Thinking

622 23 3
                                    

TBG 33 : THINKING

____________________________________________________

Lead's POV

Hanggang ngayon nasa isip ko pa din kung si krypton nga ba talaga ang hinahanap ng babaeng iyon. Kung siya nga, then what the fvcking hell she want to krypton? Tss!

"Goodbye class!" Napatingin ako sa harap ng blackboard at narinig ko nalang ang pagpapaalam ng mga kaklase ko sa guro namin.

"Hoy! Hindi ka pa ba tatayo jan?" Napatingin ako kay neon na nagawa pang tapikin ang balikat ko. Tsk! Hindi na ako sumagot sa sinabi niya basta bigla-bigla nalang akong tumayo at kinuha ang bag ko saka mabilis akong lumabas sa classroom.

"HOY! LEAD!!"  I didn't bothered myself when antimony's called my name. Tumakbo ako hanggang sa makita kong mag-isang naglalakad si krypton. A second passed and I found out na nasa harapan na niya pala ako. Kumunot ang noo niya at para bang naghihintay siya sa sasabihin ko. Wait! May sasabihin nga ba ako?

*****

Krypton's POV

Hindi ko alam kung pinatitripan na naman ba ako ng lalaking 'to o ano? Psh! Kanina pa ata kami nandito at wala man lang siyang sinasabi.

Bakit umaasa ka bang may sasabihin sa'yo si lead?

Napailing ako sa sinabi ng konsensya ko. Ofcourse not! Tsk! Napahawak ako sa bag ko at 'di halatang bumuntong-hininga.

"Kung wala kang kailangan, pwede bang tumabi ka jan sa dinaraanan ko?" Taas kilay kong sabi sa kanya. At himala dahil tumabi nga siya kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglakad. Nang makarating ako sa labas ng campus ay biglang natanaw ng mga mata ko si grey na mukhang naghihintay. Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit na ako sa kanya.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" Paninigurado kong tanong sa kanya. He suddenly turn his head to see my pretty face. Oh! Echoss..

"Yeah." He answered. Napatango naman ako.

"S-sorry!" Hinging paumanhin ko. Naramdaman ko naman ang paggulo niya ng buhok ko. Napasimangot nalang tuloy ako at langya rin talaga 'toh e dahil tinawanan lang ako.

"Let's go." Tumango nalang ako at kasabay no'n ang biglang paghawak niya sa kamay ko at sabay kaming naglakad somewhere. Nababalot ng katahimikan ang paligid namin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mapag-isipan kong basagin ang katahimikan.

"Grey..." Ako.

"Hmm..." Siya.

"Hanggang kelan ba tayo magtatago ng sekreto?" Hindi ko alam kung bakit ko naisipang itanong ang mga bagay na 'yon. Kuntento naman ako sa ganito ee. Pero hindi ko lang talaga maiwasan na isipin ang mga bagay na iyon. Maraming buwan na ang lumipas at hindi parin talaga namin maamin sa mga magulang namin ang relasyon naming dalawa. Alam ko namang mahirap dahil iba ang pagtingin ng iba sa amin. Pero-------Naudlot ang pag-iisip ko nang dalhin niya ako sa isang lote kung saan merong isang bench sa gilid ng isang malaking puno. Sabay kami na umupo dito. Napatango ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Marie, nagsasawa ka na ba sa sitwasyong ito?" Kahit hindi na ako tumingin sa mga mata niya, alam kong nalulungkot siya ngayon. Boses pa nga lang niya halata ko nang malungkot talaga.

"H-hindi sa gano'n. Gusto ko lang kasi maramdaman na legal tayo sa pamilya natin. Yung hindi nila ipamumukha sa atin na magpinsan tayo. Yung tanggap nila tayo. Alam naman kasi natin na hindi tayo magkadugo. Kung tutuusin hindi talaga tayo magpinsan, pero bakit gano'n? Bakit para sa iba at sa pamilya natin ay kadugo natin ang isa't-isa?" Gusto kong maiyak pero hindi pwede e. Kailangan kong pigilan ang emosyong namumuo sa aking mga mata. Mas naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at naramdaman ko din ang pagbuntong hininga niya.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon