TBG 19 : Sophia

747 24 2
                                        

Exposure para kay grey and sophia. HAHAHA!! Enjoy..

________________________________________________________________________

Grey's POV

Labasan na. At papalabas na sana ako ng classroom nang bigla na namang may humarang sa pinto. Araw-araw nalang ba magiging ganito? Bakit kasing tigas ng malaking bato ang ulo ng babaeng 'to? Hindi ba siya nakakaintindi sa 'HINDI PWEDE!'?

"Sophia, Can you please stop this? Hindi ka ba napapagod?" Walang gana kong tanong. Imbes na sumimangot ay ngumiti lang siya.

"No.. I won't stop unless you become mine." Matigas nitong sagot. Umiling iling naman ako sa sinabi niya.

"Hinding hindi ako mapapasa'yo sophia, alam mo namang may mahal na ako diba?" Pilit kong pagpapaintindi sa kanya, pero parang hindi na yata niya maiintindihan ang mga pinagsasasabi ko. Tsk!

"If you have someone. So bakit hindi mo siya pinapakilala sa akin?" Tanong niya.

"Dahil hindi naman kita ka ano-ano na dapat ipakilala sa kanya." I answered. She just close her arms and seriously faced at me.

"So, wala lang pala ako sayo?" Tumango naman ako bilang sagot. At lalabas na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. D*mn it!

"Grey, matagal na akong may gusto sayo. Hanggang ngayon ba naman iba pa rin ang nilalaman ng puso mo? Pwede naman ako diba? Maganda naman ako, matalino, sexy, mayaman. Halos lahat nasa akin na. Pero bakit parang wala ka pang makita sa akin." She desperately said. Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Are you desperate? Ghad sophia, hindi mo ba naiisip na baka 'yang mga nakikita ng ibang tao sayo ay hindi ko gusto? Lalong lalo na yang ugali mo?" Medyo may kataasang boses kong sabi. Ayokong mas lalo pa akong mainis kaya hindi ko na hinintay na magsalita pa siya basta bigla bigla nalang akong naglakad palabas sa classroom.

****

Sophia's POV

Padabog akong umupo sa upuan ko. My god! Ano pa ba ang dapat kong gawin para magustuhan ako ni grey? Ano pa ba ang kulang sa akin? Ugh!!

Gosh! Sino ba kasing bruhang babae ang mahal niya at bakit ayaw niyang ipakilala sa akin? Is there something wrong? Or baka nag-iilusyon lang siya na may mahal siya?

MGG! Hanggang saan ko pa ba ipaparamdam sa iyo na gusto kita? Tch!

Makita ko lang talaga kung sinong babae ang tinatago mo baka masabunutan ko ng wala sa oras iyon.

I flipped my hair at ipi-nang paypay ko ang palad ko. Masyadong na i-stress ang beauty ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Psh!

"Sophia, hindi ka pa ba aalis? Ikaw nalang ang naiiwan dito." Napatingin naman ako sa kaklase ko na nasa bandang pintuan.

"Sa tingin mo ba aalis ako sa kalagayan kong ito?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Nagtatanong lang naman e, bahala ka! Ikaw na ang maglock ng classroom dito. Tutal mamaya ka pa naman ata uuwi diba?" She said. Iniinis ba ako ng babaeng 'to?

"Anong tingin mo sa akin? Taga sarado ng classroom? Lumayas ka na nga. Shoppeee!!" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Oh! Edi ikaw nga talaga ang maglolock sa classroom na 'to." Bwiset! Ang lakas sumagot ng babaeng 'to ah. Sabunutan ko kaya 'to? Pero bago pa maubos ang pasensya ko sa shey na 'to ay padabog nalang akong lumabas. Nakakainis. Argh! Mas lalo lang tuloy akong naiinis. Tchhh!!

*****

Krypton's POV

Kalalabas ko lang sa classroom. I'm currently walking in the hallway. At bigla biglang may humarang sa dinadaanan ko. Akala ko si lead na naman, pero hindi pala. Si shine lang pala.

"Uuwi ka na?" Masaya niyang tanong. Tumango naman ako biglang sagot.

"Ah! Sabay na tayo. Mag-isa lang din kasi akong uuwi. Nauna na kasi yung ibang kaibigan ko kaya ako nalang mag-isa ngayon.Wait...Kasama na pala kita. Hehe!" Pagkwekwento niya. Buti pa siya ang hyper. Musta naman ako? Madalas na sumimangot. E, sino ba namang tao ang hindi sisimangot kapag blinackmail ng isang katulad ni lead. Leche oh! Napatango tango nalang ako sa mga kinukuwento niya. Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa maghiwalay na kami ng daan. Magkaiba kasi ang bahay namin kaya ganun.

Naglakad lang ako nang naglakad. Umaasa ako na sana makita ko ulit si grey ngayong labasan. Pero hindi ko alam kung posible pa ito. Kaunti nalang ang oras niya sa akin, pero okay lang sa akin. Atleast may time pa rin kesa sa iba jan na halos mawalan na ng time sa isa't-isa.

"Mahirap umasa." Napatingin naman ako sa taong nasa tabi ko.





Zinc??

Himala yata 'to ah! Parang nawala ako sa sasabihin ko. Hindi kasi ako makapaniwala na ang isa sa mga kagrupo ni lead ay makakasabay ko? Weird! I mean. Minsan ko lang kasi makita si zinc na umiimik. Tumatawa naman siya kaso minsan ang seryoso niya. Ehhhh???

"Hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin na dadating pa siya? Move on na!" Parang naalog yata ako sa sinabi niya kaya bigla namang nangunot ang noo ko. What does he mean?

"Gumising ka na nga sa katotohanan. At iwanan mo na ang kasinungalingan." Sabi na naman niya. Teka nga! Masyado na talaga akong naguguluhan sa lalaking 'to ah. Ano nga ba ang pinagsasasabi nito?

"Teka nga, ano ba ang mga pinagsasasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

"A-ah! N-nothing. I'm just memorizing my lines." Napatango tango naman ako sa sagot niya. Yun naman pala e, may mini-memorize na lines sa role niya kaya todo salita. E, teka nga ano pala ang role niya. Sinong character ang ginagaya niya? May ginagaya nga ba?

Napahinto naman ako sa paglalakad at sakto ring napahinto siya.

"Sino bang character ang ginayaga mo? At may pamemorize memorize ka pa ng lines?" Tanong ko. Bigla namang lumikot ang mga mata niya sa naging tanong ko. Hala! May problema ba?

"A-ah! S-si romeo." Promise! Kung may iniinom ako baka ngayon namasid na ako sa sinabi niya. Tagalog ang mga lines na menimorize niya at ang role daw niya dun ay si romeo? Nagpapatawa ba siya? Kelan pa nagkaroon ng ganung line si romeo? Bago yun ah!

"Pinagbibiro mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. Baka akala ni zinc na maloloko niya ako. Umiling iling naman siya.

"H-hindi. Hindi ako nagbibiro. Ibang romeo ang sinasabi ko. Hindi itong romeo na sikat. Ang romeo'ng ito ay isa sa mga character na nabasa ko sa internet." Sagot niya. Oh edi ako na ang mali. Magdiwang tayo. Jwk!! Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi niya. Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad hanggang sa maghiwalay na kami ng direksyon. Iba rin yata kasi ang bahay namin. At ang alam ko lang na kapareho ko ng address ay ang lalaking mahilig mangblackmail. Tsk! Ayan ka na naman krypton. Si lead na naman ang pinasok ng utak ko. Nailing-iling nalang ako sa sinabi ng konsensya ko.

Nang makarating ako sa sakayan ay kaagad akong pumara ng tricycle at saka sumakay hanggang sa makarating ako sa bahay.

__________________________________________________________

(A/N: Ang ikli ng update. Sorna! Hahaha :D)

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon