Krypton's POV
Kakatapos ko palang maghanda papunta sa school. Papunta na ako ngayon sa kusina kung nasa'n si mommy, bago paman ako makarating dun ay bigla nang may tumawag sa pangalan ko.
"Marie." Napaharap naman ako sa kanya.
"Grey? B-ba't nandito ka?" Tanong ko. E, sa bihira nalang kasi siyang makapunta dito.
"Sabay na tayo." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay.
"Marie, nagpaalam na ako kay tita kung pwede ba na sabay nalang tayo ngayon at pumayag naman siya kaya please, 'wag ka ng mag-alangan." Yun naman pala e, kaya tumango nalang ako kasabay nun ang pagbitaw niya sa kamay ko.
"Tara na!" Tumango tango ulit ako at sabay na kaming umalis. Nakasalubong naman namin si mommy sa labas. Ngumiti kaming dalawa ni grey at ngumiti rin naman siya tsaka nagpaalam.
Hindi pa man kami nakakalayo sa bahay ay nakita ko na agad si lead. Nakahelmet na siya habang tinutulak yung motor niya. Napahinto naman siya at tumingin sa direksyon namin. Ibang tingin ang nakikita ko sa mga mata niya, yun bang parang nag-aapoy. Pero joke lang!
"Tsk! Nanjan na naman 'yan." Napatingin naman ako sa tabi ko na nahinto na rin at mukhang badtrip sa kanyang nakita. Hindi ba sila pwedeng magkasundo ng mokong? Pwede naman silang magfriends diba? Bago pa mag-apoy ang mga mata nila ay hinatak ko nalang si grey.
"Halika na, baka malate pa tayo." Sumang-ayon rin naman siya kaya naglakad na ulit kami.
*****
Sophia's POV
Maaga akong umalis sa bahay para mastalk si grey. Wait... Hindi pala ako stalker. Ghad! Sa ganda kong ito, sino ang magsasabing stalker ako?
Nagpahatid ako kay sa driver namin papunta sa bahay nila grey.
"Manong, ikaw na nga ang magtanong kung nandyan pa ba si grey." Tumango naman siya tsaka bumaba sa kotse. Ohmy! Em so excited na talaga. Bubungad agad sa kanya ang beauty ko.
"Ma'am sophia, nakaalis na raw po si sir. Grey" WTH? Hindi man lang ako hinintay? Pero teka nga? Diba maaga pa para pumunta siya sa aming paaralan?
"Manong, pakiklaro nga po kung saan po nagpunta si grey, ang aga pa kasi para pumunta siya sa paaralan?" Nagtataka kong tanong. Tumango nalang siya at nagpunta ulit sa bahay nila. Naghintay ako ng ilang segundo bago bumalik si manong.
"Ma'am, baka nagpunta daw po yun sa bahay ng pinsan niya." At saan ko naman makikita 'yang bahay ng pinsan niya ha?
"Ma'am, hindi pa po ba tayo aalis, baka malate na po kayo."
"Sige, alis na tayo." Habang papunta kami sa school ay hindi ko inaasahan na makikita ko si grey. Meghed! Is that he? Pero bakit siya may kasamang babae? Gosh! Don't tell me na 'yan yung sinasabi niyang 'mahal niya'?
"Wait wait wait.. manong, pakihinto na nga." Utos ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko. I grab my bag at bumaba kaagad sa kotse.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?"-Manong
"Mauna ka na manong, dito nalang ako." Tumakbo kaagad ako para maabutan ko sila grey.
Medyo malapit lapit na ako sa kanila nang makita kong magkaholding hands pala sila. WHAT?! What's the meaning of this? Talaga bang may girlfriend na si grey? Pero---AHHHH!! I can't believed this. Ako dapat. Ako dapat ang nanjan. Ako dapat ang nakahawak sa kamay niya. Ugh!! This is sh!t.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
