TBG 52 : Conflict

683 31 7
                                    


TBG 52 : Conflict

_____________________________________________________________

Krypton's POV




Mag-isa akong nakatambay sa mini park ng campus. Nakaupo ako ngayon sa damuhan, hindi masyadong mainit dahil nandito ako sa ilalim ng puno. Tulala akong nakatingin sa malayo nang maramdaman kong may tumabi sa akin.





"Ano ba ang meron sa malayo na wala sa akin?" Tumingin naman ako sa kanya at nandito na naman siya?





"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi naman niya ako tinignan dahil nakatingin siya sa damuhan habang nilalaro-laro ito. Pati ba naman damo pinaglalaruan wala na ba siyang magawa?




"Nothing! Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Aba't ang lakas niyang magbalik ng tanong sa akin. Tss!




"W-wala! Nag-iisip." Sagot ko. Tinapon niya naman sa kung saan ang damong nabunot niya. Grabe 'to hindi na naawa.





"Hindi ba pwedeng sa classroom ka mag-isip isip?" Umiling naman ako.



"Hindi. Gusto ko ring mapag-isa." Sagot ko. Sariwang-sariwa pa sa akin lahat ng pangyayari. Hindi ko inaakalang aabot kami sa puntong 'yun. Hays!



"Ang drama mo na naman." Tila nawawalan siya ng gana habang sinasabi iyon.



"Kung ayaw mo akong makitang nagdadrama. Pwede ka namang umalis. Hindi kita pipigilan. Go shupe!" Pagtataboy ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin e, panira talaga siya oh. Nagmomoment na kasi ako pero bigla siyang dumating. Alam niyang broken yung tao tapos nagagawa pa niyang mang-asar. Tch! Tumayo naman siya kaagad at walangya dahil seneryoso talaga ang sinabi ko. Umalis po talaga siya. Napatingin naman uli ako sa malayo.

~~****



Nandito na muli ako sa classroom at habang abala ang guro namin sa pagtuturo ng kung ano-anong lessons. Lutang naman ang isip ko at nakatingin lang ako sa blackboard. Naririnig ko naman ang mga sinasabi ng aming guro pero hindi talaga ito pumapasok sa utak ko dahil bawat salita niya ay pumapasok sa isa kong tenga at kaagad na lumalabas sa kabila kumbaga, kakaenter pa nga lang um-exit na kaagad. Tulala akong nakatingin sa harapan nang biglang may bumagsak sa ulo ko na papel.


"Aray!" Sabi ko at tinignan ang crumpled paper na ngayo'y nasa mesa ko na.



"Ms. Portejo, is there a problem?" Tanong ng aming guro. Nailing naman ako, sorry masyado atang napalakas ang pag-aray ko. Kinuha ko ang papel at tinignan kung ano ang nakasulat dito.




I HAVE 3 JOKES. JOKE! JOKE! JOKE! :P



Napasapo naman ako sa aking noo dahil nakakatanga yung nakasulat dito. Ewan ko ba kung matatawa ako o maiinis dahil nilagyan pa niya ng bhelat emoji. May kutob ako na si lead na naman ang gumawa nito. Naalala ko kasi nung binigyan kami ng punishment no'ng teacher namin dahil sekreto kaming nagpabato bato ng papel. Siya naman talaga ang unang nambato sa akin kaya dapat siya lang yung may punishment no'n, nadamay lang ako.




Tumingin naman ako kung saan nakaupo si lead at nakikita ko pa ang loko na tatawa-tawa. Halatang masaya. Kainis! Nagsisimula na naman siya pasalamat siya mahaba-haba pa ang konsensya ko kaya binalik ko na uli ang atensyon ko sa harapan.




NATAPOS na naman ang lunes at wala namang masyadong nangyaring kakaiba. Normal pa rin naman ang mga estudyante dito, saka na'ko magtataka kapag makita ko ang iba na mga zombie na. Charot! Tama na! Broken talaga ako. Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng campus nang bigla akong sinabayan ni shine sa paglalakad.



The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon