TBG 14 : Be my slave for the whole year

1K 32 2
                                        

TBG 14 : Be my slave for the whole year

____________________________________________________

Lead's POV

Nakarating ako sa likod ng canteen namin at nakita ko nga yung apat na nakatambay doon. Mukhang nagsasaya pa ata 'tong mga 'to.


"Wut! Anong meron?" Tanong ko habang papalapit sa kanila. Tumingin naman silang lahat sa akin nang maramdaman nila ang presensya ko.


"Hala! Himala may nagsalita. Sino kaya?" Napapaisip na tanong ni Neon. At dahil sa loloko luko 'to kaya nakatikim agad siya ng isang malutong na pagbatok galing sa kamay ko.

"Ayan!" Antimony.

"Saan ka ba nagpunta p're? Akala namin umuwi ka ng maaga." Copper. At kasabay nito ang pagkuha ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa nito at kaagad na sinindihan.

"Hoy! Meron ka pala nyan. Penge ako." Neon.


"Isa lang 'to. May pera ka naman diba? E di bumili ka.." Sabi nito at saka nagpabuga ng usok. Bumaling ulit ito ng tingin sa akin.

"So, ano na?"

"Pumunta ako ng library kanina." At alam kong pangungunutan lang ako ng noo ng mga 'to kaya inunahan ko na ang pagsagot kahit hindi pa sila nagtatanong.


"At gumawa lang ako ng assignments. Period! No more follow ups." I said. Ngumisi nalang sila at ito namang si copper nagpabuga ulit ng usok.

"Second Hand Smoke..." Bulong nitong si zinc.

"Yah Right!" Mahinang sabi ni Antimony. At feeling ko naman hindi iyon narinig ni copper. I look in my wrist watch.

"May lakad ka p're??" Antimony.

"Nah! Pero may kailangan pa akong gawin. Anyway, una na ako." Paalam ko saka naglakad na palayo.

Nakarating ako sa bahay at may nakita akong isang panget na pusa na nakahiga sa harap ng gate namin.

"Hoy! Alis jan." Sabi ko. At alam ko namang hindi ako maiintindihan ng pusang ito.

"Meow! Meow!"

"Hindi kita maintindihan. Amo mo lang yata ang makakaintindi sa'yo. Kaya umalis ka na jan kung ayaw mong itapon kita." Pagtataboy ko. At bago ko pa man mapaalis ang pusang ito ay biglang may tumulak sa akin.


"Chasey! Ba't  ka na naman ba nagpunta dito." Sabi nito at binuhat pa ang kanyang pusa na parang bata.


Hindi ba napapansin ng babaeng ito na may tao pang nakikinig sa kanila?

"Meow! Meow!"

"Oo! Alam kong ang panget ng lalakeng tumataboy sa'yo. 'Wag kang mag-alala insecure lang yun sa'yo. Ang ganda ganda mo kasi." Hinaplos haplos pa nito ang ulo ng pusa niya. WHAT!!??? Ako ba ang pinariringgan na paget na tumataboy sa pusa niya? AND HELL! I'm not insecure with her cat. Lalakad na sana siya nang bigla akong magsalita.


"Nagpaparinig ka ba?" Seryoso kong tanong. Nakatingin siya sa pusa niya pero tumingin rin naman siya ng ako'y magsalita. At ang nakakaasar lang ay inosente siyang tumingin sa akin. She is like a innocent child. NOOOO!!!


"Ay! Nanjan ka pala. Anyway, natamaan ka?" Wari'y nilakihan pa nito ang mata niya.

TAEE!! Inaasar talaga ako ng babaeng 'to ah! Paano nga ba kaya kung ako ang gumanti sa pang-aasar sa kanya. Kakayanin rin ba niya? Makaganti nga...


The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon