TBG 51 : End of their secret relationship
_______________________________________________________
Krypton's POV
Masakit ang mga mata ko para bang namamaga sila? Bumangon na muna ako at nagpunta sa banyo. Napabuntong hininga naman ako nang makita ko ang itsura ko. Para akong zombie kulang nalang dugo at mga galos. Okay na kasi yung magulong buhok tapos yung namamagang mata. Aish! Binuksan ko nalang ang gripo saka naghilamos. Umiyak nga pala ako kagabi dahil sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Lagot! Hindi pwedeng makita ni mommy ang mata ko kundi baka magtaka iyon at magtanong-tanong ng kung ano-ano. Mas lalo lang kami mapapalapit sa katotohanan.
Bumalik na uli ako sa kwarto ko at inayos ang sarili ko. Nagtungo naman ako sa bintana at gano'n nalang ang pagkagulat ko nang makita ko si grey. Mabilis akong tumago nang makita kong papatingin siya sa bintana. Dali ko namang kinuha ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. 10:30AM na pala? Bigla namang um-appear yung number niya sa screen ng phone ko.
From: Grey
Please! Let me explain.
-Napabuntong hininga naman ako at nilapag sa kama ang cellphone ko. Kaya ko ba siyang harapin ngayon? Parang nasasaktan kasi ako sa tuwing nakikita siya. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob at napagpasiyahang harapin na siya. Binuksan ko ang mini gate namin at nakita ko siya. Mabuti nalang umalis ata si mommy kundi baka magtaka yun kung bakit nagpunta dito si grey.
"Sumunod ka...." I coldly said. Hindi naman pwede papasukin ko siya doon sa bahay at do'n kami mag-usap baka mamaya dumating si mommy kaya mabuti siguro kung sa playground na kami mag-usap. Tahimik kaming nakarating sa playground sabay kaming naupo sa bench na inupuan namin no'n ni lead.
"Marie....."
"Grey please, tell me the truth." Mahina kong sabi nang hindi man lang siya tinitignan. Parang ayoko dahil masasaktan lang ata ako. Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"P-papauwi na sana ako no'n pero pinigilan ako ni eric, kaklase ko nung una. He said na sabay nalang daw kaming uuwi pumayag ako sa kagustuhan niya. Naglabas si warren ng wine at nag-inuman sila, pinapainom ako ni eric but I rejected it dahil hindi ako nainom. Hindi na rin nila ako pinilit nun nang pagsabihan sila ni sophia. Ilang minuto akong nagstay do'n hanggang sa tinawagan kita. Bumalik ako doon at pinilit na naman akong uminom ni eric. Bawat pilit niya ay tumatanggi ako hanggang sa kinuha sa kanya ni sophia ang baso at she said that she will never bother us again, hindi na niya tayo guguluhing dalawa. I know na tutupad siya sa usapan kaya I decided na inumin nalang iyon para matigil nadin sila sa kapipilit sa akin....." Nakatingin ako sa malayo habang nakikinig sa kanya.
"Ilang minuto na naman ang lumipas nang makaramdam ako ng pagkaantok... A-and I don't know what happened next dahil n-nakatulog ako. W-when I woke up, I found out na hinahalikan na niya ako. M-marie, maniwala ka naman sa akin oh." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay pero mabilis ko iyong nabawi.
"I-I know you're telling the truth." Mahina kong sabi.
"I know we can fix this problem. Marie, I'm so sorry!" Umiling naman ako sa sinabi niya. Parang nawawala na ako sa mga pinagsasasabi ko. Masakit e, masakit yung mga nakita ko kagabi.
"No grey, I think we cannot fix this problem anymore. Aaminin ko, masakit. Nasaktan ako sa lahat ng mga nakita ko. Yung babaeng gusto ka hinahalikan ka na pala? Nakakatawa lang ata 'no?" Pinilit kong matawa pero luha na pa rin pala ang lumabas.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.