Krypton's POV
Kapapasok ko pa nga lang nang bigla agad nag-announce yung adviser namin. Hays!! Hindi ko pa nga nailalapag yung bag ko. Makikinig na kaagad ako? Mabuti na nga lang talaga hindi ako late.
"Where are the 4 representative for 'search for the campus couple?" Tanong ni teacher. Walang kagana gana kong itinaas ang aking kamay. Tumingin ako kay krystal na mukhang hindi na yata makapaghintay sa gagawing 'pageant' tch!
"Okay! Whole day kayong excuse dahil kailangan niyong magrehears. Remember, next week na ito gaganapin at meron nalang kayong apat na araw para makapaghanda. Wait... Anim na araw pala dahil sa sabado at linggo ay kailangan niyo ding magrehears. I hope na kahit isang pair lang sa inyo ay makapasok sa top 3 campus couple. Anyway, you guys will proceed to the gymnasium now." Sabi ni teacher kaya nagsitayuan naman kaming mga representative. Lalabas na sana kami nang biglang nagsalita 'tong si krystal. Psh!
"Excuse me ma'am." Siya.
"What it is ms. Aifern?" Teacher.
"Pwede po bang by partners po ang pupunta sa gym I mean magkasabay palang pupunta dun. Para naman po malaman ng iba na isa kami sa mga representative at malay natin may kiligin na ibang studyante sa amin at iboto po nila kami." Nakangiti pang sabi nito.
"Well, that's good idea ms. Aifern. Okay! Go to your partner at sabay kayong maglakad papunta sa gym." Lumapad naman ang ngiti nito at walang pakundangang nilapitan si lead. Lakas mo 'teh!
"Tara na!" Napatingin naman ako kay zinc na nasa tabi ko na pala. Tumango nalang ako bilang sagot. At sabay na kaming nagpunta sa gym. Nauna kaming naglakad dahil pahard-to-get si lead kay krystal. Ewan ko nga kung napilitan lang siyang sumama kay krystal. Tss!!
"Okay lang ba na ako ang kapartner mo?" Pagbabasag niya ng katahimikan.
"Syempre naman. Mas mabuti ngang ikaw ang naging kapartner ko dahil hindi ako maiilang sa'yo kasi kaibigan kita. Kumportable naman ako sayo eh." Pagpapaliwanag ko. Totoo naman kasi. Tumango nalang naman siya.
"Pero kung sakaling si lead ang naging partner mo. Ayos lang ba sayo?" Jusko! Anong pumasok sa utak nito at bakit naging ganyan ang tanong niya? Napakibit balikat nalang tuloy ako. At narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya.
"M-may nakakatawa ba?" Tanong ko. Umiling-iling lang naman siya.
*****
Lead's POV
Habang naglalakad kami ay pinipilit niyang idikit ang kamay niya sa kamay ko. Pucha!! Matino pa ba 'tong babaeng 'toh? Dumistansya naman ako sa kanya at ang ginawa niya ay lumapit lang siya sa akin. Tsk!!
Napatingin naman ako sa dalawang nauuna sa amin na kung saan nakangiting nakatingin si zinc kay krypton. May pinag-uusapan yata sila at malamang hindi ko malalaman dahil medyo malayo kami sa kanila.
"They are sweet. Right?" Mapang-asar niyang sabi.
"Tsk! They are not sweet kamo. Mauna ka na nga. Panira ka!" Inis kong sabi sa kanya.
"Tsk! Tsk! Tsk! Paano nalang kaya kung pinagtataksilan ka na pala ng girlfriend at kaibigan mo? Tignan mo oh! Sa kilos palang nila parang may namamagitan na sa kanila? How sad 'noh? Girlfriend mo siya tapos nakikipagharutan sa iba? Hahaha..." Sabi nito at sabay na tumawa.
"Shut Up! I trust her. At kahit kailan walang mamamagitan sa kanila. Huwag kang bobo. Hindi siya nakikipagharutan. Magkasama sila dahil malamang magpartner sila sa competition. Tss!!" Sagot ko at iniwan siyang mag-isa sa daan. Mabilis naman akong naglakad papasok ng gymnasium. I saw zinc and krypton in the stage. May kausap silang dalawang bakla. Nagtungo naman ako palapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
