TBG 63 : Farewell Party [pt.2/Games]

167 8 3
                                    

TBG 63: Farewell Party [Pt.2/Games]


Krypton's POV


Saturday...


5:25AM palang ay nagising na ako. Yung apat na kasama ko dito sa kwarto ay mahimbing parin ang tulog hanggang ngayon. Katatapos ko lang ding maligo. Siguro sa aming magkakaklase ako palang ang gising ngayon dahil paglabas ko kanina, wala akong ingay na narinig mula sa mga kaklase ko. Nagpunta din ako kanina sa kusina para mag-almusal at nadatnan ko naman sila teacher at ang asawa't anak niya kasama din nila si teacher felly. Sabay sabay silang nag-almusal at saktong sakto nakita nila ako kaya pinasabay na nila akong kumain. Ayoko sanang sumabay dahil nakakahiya, pero pinilit ako ni teacher felly, hindi naman ako ang estudyanteng malapit sa kanya pero ambait niya sakin. Mabait naman talaga siya, minsan nga napapaisip din ako na bakit wala pa siyang nagiging jowa e, maganda naman at mabait siya. Siguro may reasons din yun kung bakit hindi pa dumarating yung para sa kanya o baka ayaw niya lang talaga.


Kinuha ko na muna ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa tabing dagat upang maglakad lakad at pagmasdan uli ang magandang view. Nang makarating ako dito ay agad kong kinuha ang cellphone ko at kinunan ang dagat ng magandang litrato. Ang ganda lang kunan ng picture dahil wala pang tao maliban sa nakita kong namamangkang nandoon na sa malayo. Binalik ko naman ulit ang cellphone ko sa bulsa at naglakad lakad na muna. Kahit papa'ano naman ay nakakapag-exercise ako sa ginagawa kong paglalakad. This time hindi na ako nakatingin sa buhangin, wala namang naglalaro pero parang natrauma na ako sa nangyari.


Umupo na muna ako sa buhangin dahil nakakapagod din pala ang maglakad lakad mag-isa. Amboring kasi ng walang kasama, wala kang makakausap. Kaya naupo na muna ako. Hindi pa naman mainit kaya dito na muna ako tatambay. May nakita akong stick sa tabi ko kaya kinuha ko ito at tamang tama dahil sa wala akong magawa kaya maglalaro lang muna ako. Hahaha! Sinulat ko nalang muna ang pangalan ko at sa ibaba nito sinulat ko ang apelyido ko. Gumuhit ako ng isang heart sa ibaba nito at wala sa isip na naglagay ng kung anong letra. Napatingin ako sa sinulat ko at may nakalagay sa ibaba ng heart na letter L. Napakunot noo naman ako at napaisip kung bakit ko ba sinulat 'to? Pagkabura ko sa letrang iyon ay bigla ko namang naihagis sa kung saan ang hawak kong stick dahil sa biglang may nagsalita.


"Ang aga mo atang nagising ah." Tumingin ako sa tabi ko at doon ko napagtanto na si zinc lang pala. Akala ko kung sino na. Hays! Ngumiti nalang ako at tumango tango.


"What are you doing here?" Tanong niya habang nakatingin sa tabi ko kung saan ako nagsulat. "Wala lang!" Sagot ko. Sisilip pa sana siya doon sa pinagsulatan ko pero agad ko itong binura gamit ang kamay ko, buhangin lang naman 'to kaya agad na nabura pagkatapos ay pinagpag ko ang magkabila kong kamay. Natawa nalang siya. "Bakit mo binura? Pangalan mo lang naman ang nakasulat do'n 'diba?" Natatawa niyang tanong. Tiningnan ko siya at alam na niya siguro kung anong pinapahiwatig na tanong ng mata ko kaya tumango nalang siya saka ako nginitian. Bakit ko pa nga ba binura kung nakita naman pala niya? At wala namang problema sa sinulat ko ah. Bakit nga ba? Natahimik na muna kami sandali pero maya't maya pa'y siya na ang unang nagsalita.


"Uhm! K-krypton?" Siya

"Hmm?" -Ako.

"I-i have something to tell you." Nag-aalangan niyang sabi. Kinabahan naman ako ng kaunti dahil sa kuryusidad kung ano ba ang sasabihin niya. May aaminin ba siya? May ibubulgar ba siya? Naku po!


"Ano 'yun?" Seryoso kong tanong.



"Namumukhaan mo pa ba si kyle?" Si kyle? Yung naging temporary friend ko no'ng bata pa ako? Bakit naman niya naitanong 'to?


The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon