TBG 64 : Extend Day
Krypton's POV
Monday...
Nagising ako nang walang ingay na naririnig. Napahikab pa ako't unti-unting minulat ang mata habang nakahawak sa sentido ko. Kinapa ko naman ang cellphone ko at nang makuha ko ito ay agad kong tiningnan ang oras. Napabalikwas naman ako nang makita kong 12:50PM na pala pero napahawak ako sa ulo ko nang may mainda akong sakit. Tumingin tingin ako sa paligid at ako lang pala ang nandito kaya hindi maingay. Nagulat naman ako nong maisip ko na ngayon pala ang alis namin pabalik saaming kanya kanyang lugar.
"Shemay! Hindi kaya iniwanan na nila ako?" Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo na ako't lumabas ng kwarto. Nakakahiya man ang itsura ko ngayon dahil maliban sa hindi pa ako naligo ay magulo pa ang buhok ko. Mukha akong narape sa kalagayan kong 'to. Tumakbo naman ako patungo sa baba, wala na akong naririnig na ingay. Hindi kaya tuluyan na talaga silang umalis? Pati si shine? Pero bakit hindi man lang nila ako nagawang gisingin? Pagkalabas ko ng rest house ay kung saan saan ako nagpunta para tingnan kung nakaalis na ba talaga sila ng tuluyan. Nagpunta narin ako sa garden at doon sa pinagparkingan ng bus at van pero nadismaya ako nang makita kong wala na ang mga sasakyan doon.
Nanlulumo ang mga mata ko't bumalik nalang sa rest house. Pinagtinginan pa ako ng ilang trabahador dito dahil sa itsura ko. Wala na akong pake do'n kung ano man ang isipin nila. Wala ako sa mood. Iniwan na yata talaga nila ako. Nakakabadtrip! Tss.
Naisipan ko nalang magpunta muna sa kusina para uminom ng malamig na tubig para naman maibsan ang sakit ng ulo ko. Habang papalakad ako ay may narinig naman akong boses na nanggagaling sa kusina. Pamilyar sa akin ang mga boses nila hindi kaya nandito pa sila?
Mabilis naman akong naglakad kahit masakit ang ulo ko at pagkarating ko dito ay nakita ko naman sila shine, lead, zinc, antimony, neon, copper at krystal. Bakit nandito pa sila?
"Krypton, gising kana pala. Halika dito!" Napatingin sila sa direksiyon ko nang sabihin iyon ni shine. Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa tabi ni shine.
"Kamusta ang tulog krypton?" Bungad na tanong sa akin ni neon. "Okay naman!" Sagot ko at napahawak ulit sa sentido ko.
"Krypton, take this." Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si lead na nakatayo at iniabot sa akin ang isang gamot at tubig. Tiningnan ko naman ang gamot na hawak hawak niya, para saan 'to?
"Gamot sa sakit ng ulo 'yan. Kaya inumin mo na." Seryoso niyang sagot. Kinuha ko naman ito at agad na ininom.
"Salamat!" Tumango nalang siya't bumalik na sa kanyang upuan.
"Nice! Caring ka naman pala lead ba't ngayon mo lang pinahalata?" Pang-aasar sa kanya ni neon. Tinawanan nalang iyon ng tatlo kasama si shine. Tumingin naman ako kay krystal at masama ang tingin niya sa akin ngayon. Katapat ko si lead at katabi naman niya si krystal. Katabi ni shine si zinc at katapat naman ni zinc si antimony na katabi ni krystal at sa magkabilang upuan ay magkatapat sina neon at copper.
Umiwas nalang ako ng tingin at nang pinagpatuloy nila ang pagkain ay kumain nalang din ako. Mabuti nalang at hindi pa nila nauubos ang pagkain. Habang nasa kalagitnaan ako sa pagkain ay bigla akong natigil at pinakiramdaman ang paligid.
"S'ya nga pala, bakit tayo nalang ang nandito?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan naman silang mga lalaki at parang nagbabatuhan ng tingin kung sino ang magpapaliwanag.
"Lead ikaw na." Sagot ni neon.
"Ikaw nakaisip nito kaya ikaw magpaliwanag." Seryosong sagot ni lead at pinagpatuloy ang pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/72013738-288-k277051.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.