TBG 45 : Accepting the truth

617 35 0
                                    

Unedited Chapter. Please! Bear with my grammars, typographicals and other errors. Thank you! :D

_____________________________________________________

TBG 45 : Accepting the truth

Lead's POV

"Si krypton asan-----UY! KRYPTS." Tuwang tuwang tawag ni copper sa kanya. Akala mo naman close nila. Tss! Napansin kong tumingin naman sa amin sina krypton. Takte! Hindi na nahiya ang lalaking 'to. Kita niyang nasa public kami kaya malamang pinagtinginan kami nang tawagin niya ang babaeng 'yun.

"What a small world. Nandito rin pala sila?" Natatawang sabi ni antimony at sabay itong napailing-iling. Nakita ko naman ang pagkaway ni neon sa kanila. Oo! Kasama rin kasi ng babaeng 'yun si shine. Tss! Yung babaeng weirdo na nagbigay sa akin ng mga signs. Takte! Tsk! Pinagloloko ata ako nun ah. Tss! E, ano naman kasi kung may tugma sa mga sinulat niya sa nangyayari sa akin?

"Here's your order sir." Ang waitress na mismo ang naglagay ng mga pagkain dito sa lamesa namin. I thought isang tray lang ang pero pagtingin ko meron pa palang dalawang tray na nasa likod niya.

"Whoa! Ang dami nito ah!" Manghang sabi ni copper.

"Mga loko kayo, sabi niyo kung ano ang i-oorder ko yun din ang sa inyo kaya ayan magsawa kayo. Ubusin niyo lahat 'yan. Alam ko namang gutom yang pagmumukha niyo." Bulyaw nito sa amin. Aba't loko 'to dinamay damay pa ako? Nanahimik ako dito tapos tsk tsk!

"Kung makapagsalita 'to. Palibhasa sinulit mo dahil hindi naman ikaw ang magbabayad. Tss!" Hanggang ngayon ba badtrip pa rin 'tong si neon sa pagkatalo niya? Bakit kaya hindi niya sisihin ang sarili niya sa pagsang-ayon sa larong 'yun? Tss!

"Hep! Hep! Hep! Ang dami niyong says. Kumain na nga lang tayo." Saway sa kanila ni copper kaya naman kumuha nalang ako ng pagkain.

~~**

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang magsalita si antimony. "Why don't we just invite them to join here? Para naman hindi boring." Suhestiyon niya kaya naman agad akong tumigil sa pagkain.

"Huwag!" Napunta naman sa akin ang center of attraction. Tungunu! Ayoko lang namang sumali si dito. Babae sila syempre maaawkward 'yun. Tss!

"Bakit naman? Siguro naman masaya silang kausap." Natutuwang sagot nito. Tinignan ko naman siya ng seryoso kaya nginisian niya lang ako.

"Huwag na nga, ayaw nitong si lead." Matapos niyang sabihin iyon ay kumain na ulit ako. Loko talaga! Hindi sa ayaw ko, e ano kasi. Fvck! Ewan parang ayoko lang talaga. Tss! Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang hindi sulyapan ang direksyon nila. Naloloko na ata 'tong puso ko dahil nakaramdam ako na parang may lumundag dito. Ano na nga ba ang ibig sabihin nito? Shet!

"Hoy! Lead, ayos ka lang?" Nagtatakang tanong sa akin ni neon.

"Yeah! I'm okay. Don't mind me." Sabi ko at inubos ko na ang pagkain ko saka uminom ako ng tubig. Maya maya pa'y naubos na lahat ang pagkaing in-order namin. See, gutom din pala ang mga 'to. Saglitan lang muna kaming nagpahinga. Hindi rin nagtagal ay may binigay na yung waitress na bill kay neon. Tinignan naman niya ito at labis nalang ang pagkamot niya sa ulo niya.

"Ano malaki ba ang babarayan?" Pang-aasar ni copper sa kanya.

"Shut up bro." Dumukot naman ng si neon ng pera mula sa wallet niya at nilagay niya ito sa lamesang pinagkainan namin.

"2000 pesos lahat? Whoa! Ang dami rin palang nakain natin 'no? Hahaha!" Natatawang sabi ni copper.

"Tumahimik kang baliw ka. Kasalanan mo 'to hindi ka kasi nagpatalo." Badtrip nitong sagot kay copper. 'Langya! Nanisi pa yung loko.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon