TBG 17 : Trying to escape

773 29 5
                                        


TBG 17: Trying to escape

_______________________________________________

Krypton's POV

Late na akong nakapasok sa school. Actually, sinadya ko talaga iyon dahil ayokong simulan na ng mokong na 'yon ang pagiging slave ko sa kanya.

Napagalitan pa nga ako ng guro namin dahil hindi man lang ako nakapagbigay ng rason kung bakit ako na late sa klase. E, sa wala talaga akong mairason e, kaya ayon. Pero okay lang atleast iwas ako kay lead. Bwahahaha!!

Nagsulat nalang muna ako ng notes. Hanggang sa dumating ang oras na lunch break na namin. Kaya bago pa ako matawag o makita ni lead ay kaagad na akong nagtungo sa canteen. Nagmadali akong pumila at bumili ng pagkain.

Nang matapos akong magbayad ay kaagad rin naman akong lumabas. Nakita ko naman silang lima na papunta rin sa canteen, kaya tumakbo naman ako papunta sa likod nang canteen. May narinig pa nga akong tumawag sa pangalan ko. Boses iyon ng babae pero hindi ko nalang pinansin, baka kasi sila lead yun. Na nantritrip lang at gaya gaya sa boses ng babae. Lam niyo naman!!

Inilapag ko naman ang pagkain na binili ko sa gilid ng pader kung saan may maliit pala na lamesa at upuan.

"Siguro naman maaayos ako sa pagkain dito." I said. At inayos ko muna ang sarili ko bago umupo sa upuan.

I unwrapped my food, then I started to eat. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Binuksan ko ang tropicana'ng binili ko at iinumin ko na sana 'to nang bigla akong nakarinig ng isang boses na nanggagaling sa gilid ko.

"Nandito ka lang pala ha!" Dahan dahan naman akong napatingin. At nang makita ko ang mukha niya ay parang gusto ko ng tumakas.

Panira kang lead ka. Bakit nga ba niya nalaman na nandito ako? Malakas pa ang pang-amoy ng taong 'to? Tinakpan ko nalang ako juice ko at saka ako tumayo. Bahala na basta magpapalusot ako.

"Ah! Teka lang. Naiihi pala ako." Pagpapalusot ko. At umaktong parang naiihi. Hawak hawak ko parin ang tropicana ko habang naglalakad palayo sa kanya.

"Hoy! Bumalik ka." Sigaw pa niya. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtuloy tuloy nalang ulit ako sa paglalakad na parang naiihi.

*****

Lead's POV

Pambihirang babaeng 'yon. Hindi pa nga yata umiinom. Naiihi na kaagad? Ano 'yon? Lul!! Napatingin nalang ako sa kinaupuan niya kanina.

Pambihira talaga! Ni hindi man lang itinapon sa basurahan ang mga pinagkainan niya? Hindi rin niya inubos ang iba. Nagsasayang ba siya ng pera? Tsk!!

Umupo nalang tuloy ako at hinintay ko na babalik siya dito. May kailangan pa akong ipagawa sa kanya. At huwag lang sana niyang subukang takasan ako dahil magsisisi talaga siya.

Dumaan pa ang ilang minuto. At ngayon ay wala parin siya. What the?? Magsisimula na naman ang klase pero hindi parin siya bumabalik dito? Hindi kaya tumatae na yung babaeng 'yon? Bakit nga ba ang tagal nu'n? Ughh!!

Dahil sa tagal niya ay napag-isipan kong pumunta sa girl's room. May mga babaeng napapatingin sa akin. At yung mukha niya ay hindi ko maintindihan dahil parang nagtataka sila, na naguguluha na ewan. Ano bang mga problema nito? Bawal na ba maglakad ang isang gwapo sa Comfort room ng mga babae.

'Oh no!  S-si lead 'tan diba? H-hindi kaya gay siya? Ohmy! Pe---"

Napatingin ako sa dalawang babaeng nagbubulungan sa gilid ng pader. Wait... Hindi na pala yun bulong. I think nagpaparinig na sila?

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon