TBG 35 : Pagkikita ni sophia at krypton

617 28 4
                                        

Please do vote, comment and share po... :) Maraming thanks :D

___________________________________________________________________

TBG 35 : Pagkikita ni Sophia at Krypton

Sophia's POV

Nakakalungkot ang araw na'to kasi hindi ko makikita ang mylabs ko. Don't dare to ask! Isa lang naman ang love love ko. Hehehe! Hindi ko siya makikita kasi we don't have a class. Our teacher said that they have a meeting. So, sa madaling salita. Wala talagang pasok.



Dumapa ako mula sa pagkakahiga tapos kinuha ko ang laptop ko na nasa gilid ng kama ko. I opened it and see the notification of my account. Tss!  Wala namang pinagbago. Sinarado ko nalang ito at itinabi. Sunod kong kinuha ang aking cutie phone at tinignan ang ni-reply kahapon ni... Ano nga ba ang pangalan no'n? Leo? Lea? Baliw! Pambabae 'yon. Tss! Ano bang pake ng konsensya ko? I rolled my eyes and tried to think the name of that boy na paepal minsan. Basta "L" 'yon e! Tumingin ako sa kisame and----ahuh! Alam ko na ang pangalan niya. Lead.... Right! His name is Lead. Tinignan ko ang binigay niyang address sa akin at bigla nalang akong napatayo nang may maisip ako.

"I think. This is the time!"

*****

Krypton's POV

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong nasa dibdib ko na pala si chasey. Kinuha ko nalang siya sabay upo sa kama.

"Gutom na ba ang baby ko?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Meow! Meow!" Mahina niyang sabi. Kaya hinagod hagod ko nalang ang ulo niya. Maya maya pa'y bigla siyang lumundag sa baba at lumabas sa kwarto ko. Ngumiti nalang ako at nagpunta sa C.R.

***

Katatapos ko palang maligo nang bigla may kumatok sa kwarto ko. Alam ko namang si mommy na'to dahil siya lang ang kasama ko sa bahay. Madalas nalang makauwi dito si daddy dahil busy sa trabaho. Minsan, pumupunta pa sa ibang bansa.

"Teka lang...." Sabi ko at inayos ko muna ang buhok ko pagkatapos ay nagtungo na ako sa tapat ng pinto at pinagbuksan si mommy.

"Mi, bakit?" Tanong ko. Ala dies palang kasi ng umaga. Kumakatok na siya. Wala naman kaming pasok ngayon dahil may celebration ng mga teacher ngayon. Hindi ko nga lang alam kung saan. Malay ko ba! Hindi naman kasi ako teacher.

"Ikaw bata ka, hindi mo man lang naikukuwento sa akin na madami ka na palang mga kaibigan.." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.

"Sa pagkakaalam ko si lead at shine palang ang kaibigan mo pero meron pa pala. Si sophia!" Nakabusangot na sabi ni mommy. Nagfefeeling teenager na naman ang mommy ko. Hahaha! Wala ako sa mood na ngumiti dahil nakakapagtaka ang mga pinagsasasabi ni mommy. Sophia? Wala naman akong kilalang sophia at lalong lalo na. Wala akong kaibigang sophia.



"Mi,W-wala akong kaibigang sophia ang pangalan." Sagot ko. Wala naman kasi talaga akong kilalang gano'n ang pangalan. 'Di kaya may nakausap si mommy na multo? WAAAAHHHHHHH!!! Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.


"P-pero, sabi niya kaibigan mo raw siya?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. Mas lalo na ako naguguluhan din ako. Hindi ko naman kasi 'yon kilala. Sino ba 'yon?

"Hala! Baka may multo kayong nakausap?" Natatakot kong tanong sa kanya. Napasapo nalang siya sa kanyang noo.

"Naku! Huwag mo nga akong pinaglololoko. Puntahan mo nalang kaya sa labas nang malaman mo. Papasukin mo na rin nang hindi kayo mabilad sa araw." Kahit naguguluhan pa ako ay napatango nalang ako at hinayaan ang sarili ko na pumunta sa labas ng bahay. Pagkabukas ko palang ng gate ay may nakita na kaagad akong isang babae, palinga-linga siya at nang magsalubong ang mga mata namin ay nginitian niya ako ng malapad. Napakunot noo ako dahil hindi ko talaga ito kilala. Wala akong naaalala na nagkaroon ako ng kaibigang tulad niya. Teka? May amnesia ba ako? Psh! Napatingin ako sa kanya from head to toe. Nakadress siya at may malaking sombrero na nakapatong sa ulo niya. Wala pa ngang valentines. Summer na agad sa itsura niya?



The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon