Omo! Ilang araw na ding umuulan dito sa amin. Hahaha!! Walang konek 'to sa story nagsheshare lang ako. Geh! 'lam ko 'la me pake. Huhu :)
___________________________________________________________
TBG 31: The Campus Couple
Krypton's POV
4o'clock na ng hapon at ngayon ay pinapunta na ulit nila kami sa stage. Napapatingin ako minsan sa may paanan ko. Huwag ano ha! Nagiging aware lang ako, baka kasi mamaya yung isa diyan e, patirin na naman ako. Mahirap na baka dumoble pa ang kahihiyan ko sa mga taong nanunuod sa amin ngayon. Tss!
"GUYS, ARE YOU READY FOR OUR TOP 3 CAMPUS COUPLE?" Sigaw ni ate simmy na hiniyawan, sinigawan at tinilian ng mga estudyante dito.
"WOW! EXCITED NA SILA BESHIE, NAEEXCITE NA RIN TULOY AKO." Mukhang excited na excited nga silang dalawa. Kung ako ang tatanungin niyo kung excited na ba ako sa magiging resulta. Well, hindi. Gusto ko ngang huwag nalang nila i-announce kung sino ang top 3. Ehh?? Alam niyo yung feeling na nakakakaba pala kapag sumali sa mga ganitong patimpalak? Haist!!
"WELL, BEFORE NATIN I-REVEAL KUNG SINO ANG TOP 3 SA CAMPUS COUPLE. PARAMPAHIN ULIT NATIN SILA SA HULI NILANG PAGKAKATAON. MALAY NIYO IBA NA PALA ANG MAGKAKAPARTNER SA TOP 3.." - Ate simmy.
"KOREK! SO STUDENTS, HERE THEY ARE OUR CONTESTANT FOR SEARCH FOR THE CAMPUS COUPLE..." Sabi ni ate daniella. Napuno na naman ng mga sigawan at tilian ang buong gymnasium. Masyadong hyper talaga ang mga estudyante dito. Hahaha!! Nagsimula na ulit kaming rumampa kasama ang mga kapartner namin. Tahimik lang kami ni zinc sa paglakad hindi kagaya sa ibang contestant dito na natatawa at nag-uusap pa. Wala naman kasi akong interes na magsalita. Ilang minuto din kaming rumampa at saglit pa'y bumalik na ulit kami sa aming mga pwesto. Nagsipalakpakan naman ang ibang tao.
"ALRIGHT! NAKITA NA NATIN ANG HULI NILANG RAMPA. KAYA ANO PA BA ANG HINIHINTAY NATIN? ALAMIN NA NATIN MGA KABAKLA KUNG SINO ANG TOP 3 COUPLES NATIN.." Sabi ni ate daniella.
"Megesh bakla, parang ako yata ang kinakabahan." Sabi ni ate simmy na napapapaypay pa gamit ang kanyang isang kamay.
"Gaga! Hindi ka naman kasali." Narinig ko naman ang ibang tawanan ng estudyante. Lumapit si ate dia sa kanila at may iniabot siyang card kina ate daniella at ate simmy. Naku! Baka yung result na 'yon. Goshh!!
"Okay! Nandito na sa amin ang resulta ng pinaghalong votes ng audience and teachers. So, students na mga nanunuod. Paalala lang po na kapag hindi man manalo ang mga bias niyo, huwag kayong maangry mga bebeh kush. Binase ito sa beauty and brain and ofcourse sa chemistry ng magpartner at hindi magpartner and isa pa sa ganda ng naging performance and own strategy ng magcouple. Well, lahat naman ng mga contestant natin ay magagaling. Kaya bago tayo mag-announce ng top 3 couples, bigyan ulit natin sila ng masigabong palakpakan." Nagsipalakpakan naman ulit ang iba at hindi yata makasunod yung iba dahil halos tumili pa sila. Hue!
"Bess, huwag na nga nating patagalin 'to. I-announce na kaya natin. Kita mo oh! Kinakabahan na yung iba nating contestant. Naku! Em bery su excited ne keye sa top 3.." Napapatalon pang sabi ni ate simmy. Tumango nalang si ate daniella at unti nilang tinignan ang resulta. Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa kaba.
"OKAY! ANG KASAMA SA TOP 3'NG COUPLES AY NAGMULA SA GRADE......." Bago paman makapagsalita si ate daniella ay maraming estudyante ang sumisigaw kung sino ang gusto nilang makasama sa top 3. Naku! Wala na akong pakealam jan. Gusto ko nang umuwi sa bahay.
"FROM GRADE 10-SPJ SHERAIN ANN RAMOS AND HER PARTNER IS FROM GRADE 10-QUEZON. MANUEL ALIVAR...." Todo hiyawan naman yung section nila at kabatch nila. Okay! Happy na?
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
