TBG 62 : Preparation

607 25 5
                                    

_____________________________________________________________________

TBG 62 : Preparation

Krypton's POV

Dalawang araw na ang nakalipas no'ng nagplano si teacher sa gaganaping farewell party namin. Kanina lang in-announce na sa KMadrigal's Resort na talaga kami pupunta. According to copper may isang bahay daw 'yun. I mean para din siyang hotel pero hindi talaga. Ang gulo! Hahaha! Let's say! Parang normal lang daw na bahay tignan. Malaki laki din 'yun pero nasa mga 10-15 ang rooms. Mayroon sa baba at sa taas. Madami kaming sasama. Oo! Sasama na din ako dahil kasama ko naman si shine. Inaya ko kaya siya at mabuti na nga lang dahil pumayag naman. Hahaha! Pagkakasyahan nalang daw namin ang mga rooms pero hindi pa pinagplanuhan saka na daw kapag nandoon na kami. At bukas na din 'yun. Ngayon lang din kami nabigyan ng permission letter. I hope this coming farewell party will be so memorable.



Kasalukuyan akong nakatambay ngayon dito sa school garden. Walang tao! Walang masyadong dumadaan at wala naman akong nakikitang nagsisita dito kaya dumito lang muna ako. Hindi ko kasama si shine dahil may class pa sila. Actually, vacant namin ngayon at dahil boring nga sa classroom namin kaya dumito na muna ako. Okay na rin siguro 'to dahil wala akong maririnig na ingay nung lima.


Kinuha ko lang muna ang notebook at ballpen ko. Wala akong magawa kaya siguro magsusulat lang muna ako ng kung ano-ano. Binuklat ko ito at magsusulat na sana ako nang may marinig ako na isang pamilyar sa akin na boses.



"Busy doing nothing?" Tumingala  ako para tignan siya at nakita ko naman ang mukha ni...... zinc? Hindi ko na pinagpatuloy kung ano man ang susulatin o iguguhit ko.



"Ikaw pala!" Nakangiti kong sabi. Ngumiti din naman siya saka tumango tapos ay umupo siya sa tabi ko.



"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko.




"Wala lang!" Halata pa din ang pagngiti niya sa akin ngayon. Tumango nalang ako at pakiramdam ko nakatingin pa din siya sa akin. Ehhh??? Masyado naman atang awkward ang situation na 'to?





"Anyway, hindi ka pa ba pupunta sa classroom?" Tanong niya.

"Hindi! Mamaya nalang siguro. Baka kasi masyado lang akong maboring do'n." I said then I heard him chuckled.

"Sabagay!" Sagot niya.

"Ikaw?"

"What about me?" He asked.


"Hindi ka ba pupunta sa mga kaibigan mo?" Tanong ko.


"Nah! Mamaya nalang din siguro. Baka maboring lang ako sa kanila. Hahaha!" Tatawa-tawa pa siya habang sinasabi iyon. Ano 'yun? Gaya gaya din pagmay time? Edi wow! Hahaha!



"Ah okay!" Nasabi ko nalang.


"Kamusta kana pala?" Gusto kong matawa dahil kanina pa kami nandito at ngayon lang siya nangumusta. Hahaha!



"Okay lang naman. Ikaw ba?" Sabi ko.

"I'm doing great!" Ngumiti nalang ako sa sagot niya. Pagkatapos nun ay nagkaroon na naman kami ng saglitang katahimikan.

"Krypton...." Mahina lang ang pagkakatawag niya sa pangalan ko pero sapat na 'yun para marinig ko dahil magkatabi lang naman kami at hindi naman ako bingi.

"Hmmm..." Ako.

"D-do you have a childhood friend?" Tanong niya.


The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon