Waaahhh! Pasensya na talaga sa mga taong naghihintay ng UD ko. Btw, ito na po. Thank you!______________________________
TBG 9 : MOTTO'S
Krypton's POV
Pumasok ako sa bahay kasama si grey. Sinalubong kami ni mommy na kakatapos lang yatang magluto.
"Oh! Grey, Napadalaw ka?" Tanong ni mommy habang lumalapit sa amin.
"Wala lang po tita. I just to know if marie is fine." Sagot niya. Narinig namin ang mahinang pagtawa ni mommy.
"Don't worry! You're couzin is totally fine. You see, wala siyang galos." Natatawang wika ni mommy. Napatingin nalang kaming dalawa sa isa't-isa. Alam kong bakas sa mukha niya ang medyo pagkalungkot, dahil sa binanggit ni mommy na pinsan niya ako. Sa mga mata ng iba ay pinsan ko siya, pero para sa akin ay isa siyang espesyal na tao at mahal ko.
"Anyway! Tutal nandito ka na rin naman, kaya sabay ka na sa amin kumain. Marami akong inihanda. Hali kayo!" Sabay naman kami na sumunod kay mommy sa kusina. At nadatnan namin ang maraming pagkaing nakahanda sa mesa.
"Mom, ba't andami naman po yata? Ano po bang meron?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sa amin.
"Diba, as I told you in my letter before na babawi ako. Kaya here. I cooked some of your favorite foods." Napatango tango nalang ako at umupo. Umupo rin naman si grey sa tabi ko.
"Kain lang ng kain ha." Tumango nalang kami. At kumuha ng mga pagkain.
****
Natapos kaming kumain ng ilang minuto. Ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Hindi ko narin naman inabala si mommy. Alam kong pagod na siya. Nakatulog na nga yata e, kasi hindi na lumabas. Pinakain ko na din si chasey. Nang matapos ako sa ginawa ko sa kusina ay pumunta naman agad ako sa salas kung nasaan si grey. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Ang tahimik niya, parang may iniisip siya. Ewan ko nga kung nakita niya o naramdaman niya na nandito na ako sa tabi niya.
Dumaan ang ilang minuto na tahimik parin siya. Parang palalim ng palalim ang iniisip niya. Kung ano man 'yun sana hindi itong sitwasyon namin ang iniisip niya. Alam kong nahihirapan na siya na patago lang ang aming relasyon, pati rin naman ako e, nahihirapan din ako sa ganitong uring sitwasyon. Kailangan lang talaga ng konting tyaga, pagtiis at paghintay sa tamang panahon. Kung kelan namin sasabihin sa kanila ang totoo. Mahirap man, pero kelangan lang naming maghintay ng tamang tyempo at oras. Marami pang araw at panahon ang dadating at marami pa ring pagsubok ang dadating sa amin, pero sana man lang walang makahadlang sa sitwasyong kinalalagyan namin ngayon.
"Mahal mo pa ba talaga ako?" Napatingin ako sa biglaan niyang pagtanong. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba niyang tinatanong kung mahal ko pa talaga siya. Alam niya naman talaga ang sagot e, pero bakit inuulit pa niya. Porket ba minsan magkalayo kami, pinsan ang tingin sa amin ng iba ay aakalain na niyang ayaw ko na sa kanya? Hindi naman ako ganung klaseng tao. Mahal ko siya, pero minsan hindi ko lang talaga naipaparamdam sa kanya, dahil gustuhin ko mang sabihin sa harap ng mga magulang ko na mahal ko siya, pero hindi ko magawa, dahil nga baka kamuhian kami nila. Kahit ilang beses ko pang ipagsigawan na hindi ko nga talaga siya pinsan. Alam kong hindi parin nila kami papakinggan, dahil ibang iba kami sa mga mata nila. May mga bagay talaga na minsan magulo sa umpisa, pero hindi rin naman magtatagal ay maiintindihan mo na. Hindi man kadali ang sitwasyon, pero alam kong balang araw ay magiging maayos rin ito.
"Mahal mo pa ba talaga ako?" Pag-uulit niya. "Oo!" Mahina kong sagot. Ramdam ko naman ang bigla niyang pagbuntong hininga.
"Mahal rin kita, pero sana man lang kahit kaunti lang ay iparamdam natin sa isa't-isa na nagmamahalan talaga tayo. Alam kong pareho tayong nahihirapan sa ganitong sitwasyon, pero alam ko ring may tamang panahon para malaman ng mga magulang natin kung ano ba talaga tayo." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Marie, Mahal na mahal kita...."
"I love you too." I said. Then, he hugged me tight. Mga ilang minuto lang ay kumalas na kami sa isa't isa.
"Btw, I have to go. Bye!" Sabi niya at niyakap ulit ako. "Bye!" Pagpapaalam ko at tuluyan na siyang umalis.
*********************
MAAGA ulit akong nakarating sa classroom. Nakita ko si lead na nakapangalumbaba, katabi niya si zinc na nagbabasa ng libro. Lumapit ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin. Nginitian ako ni zinc, kaya nginitian ko rin siya pabalik. At umupo na sa upuan ko. Kinuha ko ang notebook ko sa Filipino, dahil baka kami magkaroon ng maikling pagsusulit mamaya. Uso rin kasi sa amin ang salitang surprise which is bigla bigla nalang kaming i-susurprise ng iba naming guro at sasabihing may quiz agad-agad. Ibinuklat ko nalang ang notebook ko at tinignan ang mga ni-lessons namin noong isang araw. Mga ilang minuto lang ay biglang pumasok ang teacher namin sa unang subject, kaya agad kung isinara ang notebook ko at sabay sabay kaming lahat na bumati.
"Now, before we start our lesson. I want to know the motto of your life. Iisa-isahin ko kayo. Okay! Let's start with you.....Mr. Fred. Go!" Napakamot naman siya sa kanyang ulo at medyo natahimik.
"Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin!" Napapakamot ulo nitong sabi. Tumawa naman ang iba naming mga kaklase. "Next!" Tumayo naman ang katabi niya na si sassy.
"Think before you click!" Sabi nito at mabilis na umupo.
"Tama rin 'yun ah! Mag-isip isip muna tayo, bago pumindot ng kung ano ano. Kagaya rin 'yan sa ginagamit natin ngayon na mga gadgets. Like cellphone for example. Pumunta ka sa isang social media site, at gusto mong magkumento. Kailangan mong mag-isip muna. Kung okay ba 'yang sasabihin mo o hindi. Huwag tayong magpadalos dalos, dahil hindi nakakabuti ang pagiging padalos - dalos na tao. Btw, next!" Sabi ni ma'am. Hindi naman tumayo ang kasunod, kaya tinanong ito ni ma'am. Sinabi niyang wala daw siyang motto. Kaya sumunod nalang yung isa. Nagpatuloy lang sa pagsabi ng kanya kanyang motto ang iba, hanggang sa mapunta na kay Ahm! Si jenny yata 'to.
"Bawasan ang kaartehan kung 'di naman sagad ang kagandahan. Madaling sabihin na maganda ka, mahirap naman hanapin kung saan banda." Normal nitong sabi. Napa 'ohww' naman ang iba naming kaklase.
"Are you okay Ms. Krue?" Tanong ni ma'am.
"Yes! Teacher."
"I see. Pero para naman yatang naglalabas ka ng sama ng loob." Umiling nalang si jenny at nakinig ulit kami sa iba pang nagsasabi ng kanila motto. Patuloy lang ito hanggang sa mapunta sa akin. Kaya tumayo nalang ako.
"True love never surrender and always find a way to understand pain."
"Charrrr!!!" Sabi ng iba kung mga kaklase. Napatango nalang ako at sabay na umupo. 'Yun lang kasi ang pumasok sa utak ko, kaya iyon nalang ang sinabi ko.
"It's true. Anyway! Next" Tumayo ang katabi kong babae.
"If there's no god. There's no world." Mabilis nitong sabi at mabilis ring umupo. Nagpatuloy ulit hanggang sa mapunta na ito kina lead.
"Mr. Tyson, do you have any motto in your life?" Ma'am asked. Walang gana siyang tumayo at kumamot sa kanyang ulo.
"Knowledge is power!"
Sabi niya at agad na umupo. Sumunod naman si antimony at neon. Kung ano ano lang motto at kalokohan ang pinagsasasabi nila. At napunta naman ito kay copper. Tumayo siya at nagsalita.
"Guys listen. Love is danger, Crush is better, but always remember. Walang forever kung ang syota niyo ay TIMER."
"Are you okay too Mr. Copper tyson?" - teacher.
"Ma'am, NASAKTAN LANG 'YAN, KAYA GANYAN." Sigaw ni neon. Binatukan naman siya ni copper.
"Ulol! Anong nasaktan e, wala pa nga akong sineseryoso. Tanga!" Natawa nalang ang mga kaklase namin. At napunta naman kay zinc.
"If you want to be strong, learn to fight alone."
Nagpatuloy ang pagsasabi ng kani-kanilang motto, hanggang sa matapos ang oras. At sumunod naman ang iba pa naming subjects.
________________________________✒
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
PertualanganHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.