Dedicated sa lahat ng mga nagbabasa sa chapter na 'to :*
__________________________________________________________________
TBG 58: Game 2 (pt.1)
Krypton's POV
Halos ilang minuto na kaming naghihintay dito sa classroom at hindi pa rin dumadating ang aming guro. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, ewan ko kung ano ang ginagawa ng mga 'yon. Baka masyado lang nabored kaya lumabas na.
Kanina pa'ko nakaupo dito at kaunti nalang parang mababagot na ako, wala naman kasi akong makausap. May kaibigan naman ako dito sa classroom 'yun nga lang hindi ko masyadong close. Idunno!
Napatingin nalang ako doon sa classmate kong nasa teacher's table at parang may balak siyang sabihin. "Guys, sinong manunuod mamaya? Cheer natin sila ah?" Tanong nito. Karamihan naman sa mga kaklase ko ay nagtaas ng kanilang kamay.
"Good! Gawa na rin tayo ng banner. Hehehe!" Request pa niya, napatango nalang yung iba kong kaklase. Tinalo niya ang president namin sa pagrequest. Hahaha!
"HI GUYS!" Napatingin naman ako bigla sa pintuan kung saan pumasok doon ang lima. Natuwa naman ang ibang girls at yung mga boys ay sinalubong sila at may patapik tapik pa sa balikat na ginawa.
Wait! I thought hindi sila papasok?
"Goodluck guys mamaya."
"Galingan niyo!"
"Iche-cheer namin kayo!" Iyan ang mga narinig kong sinasabi ng mga kaklase ko sa kanila. Ako nga lang ata ang hindi naimik dito.
"Uy! Krypton, punta ka mamaya ah." Napatingin naman ako sa gilid ko at doon nakita ko si antimony na nakangiti.
"Hah? P-pero-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si lead sa likod ni antimony at seryoso akong tinignan.
"You have to be there." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Tumango nalang ako tapos ay naramdaman ko ang pananapik ng balikat sa akin ni antimony bago siya umalis. Makakatanggi pa ba ako e, pumayag na ako? Hays! Sige na nga pupunta ako sa laro nila sana sumama si shine para naman may kasama ako mamaya. Alam ko na rin kasi kung saan gaganapin ang laro. Sa Del valle Academy.
*****
Lead's POV
Masayang nag-uusap-usap sina antimony, neon at copper habang kami ni zinc ay hindi naimik. I hope she will be there later. It's kinda corny but she's my inspiration at parang naiinganyo pa akong galingan mamaya sa paglaro kapag nakikita ko siya. Wala akong magagawa, iba na talaga kapag tinamaan ka. Minsan kung ano-ano nalang mga cheesy'ng salita na pumapasok sa utak mo at parang wala kanang pake du'n dahil mahal mo naman ang dahilan kung bakit ka napapaisip ng mga gano'n.
"Mukhang hindi na dadating si Mrs. Vuendero." Napapakamot-ulo na sabi ni neon. Sang-ayon ako do'n dahil kalahating oras na at wala pa rin siya.
"Sana pala hindi na tayo nagpunta dito. Amboring gusto ko na maglaro." Masyado namang excited itong si copper. Magtatanghali palang at mamayang alas kwatro pa ang laro namin.
"Excited mo masyado." Sabi ni antimony.
"Don't be too much excited baka hindi tayo manalo." Wika ni zinc.
![](https://img.wattpad.com/cover/72013738-288-k277051.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.