TBG 60 : Sama-sama
Krypton's POV
Ilang araw na naman ang nakalipas no'ng maganap ang game. Halos ata lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay kilala na sila. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lima este walo, isama na din yung tatlo na sina zirco, nickle at travis. Sabi sa inyo makikilala ko din sila. Hahaha! Sino ang hindi makakakilala sa kanila kung sila ang nanalo doon sa naganap na game at proud na proud ang mga teachers namin dahil naipanalo nila ang laro, syempre kaya proud sila dahil parang naipanalo na din nila ang pangalan ng paaralan namin. Kung hindi niyo lang alam may award din sila kaya gano'n nalang ang tuwa ng mga 'yon. Hindi naman ako chismosa, masyado lang ako nakakarinig sa mga bulong-bulungan at kung ano-anong papuring sinasabi ng mga teachers namin.
Ilang araw nalang din at magtatapos na ang school year at magpofourth year na naman kami. Feeling ko excited na ako sa pag end ng school year dahil magbabakasyon na naman. Gusto ko sulitin ang vacation ko sana magadventure kami nila mommy. Sana lang 'yun! Malay niyo. Magkatotoo. Hahaha! Wala naman masyadong naging pangyayari noong nakaraang araw. Yung pakikituring pa din sa akin ni lead gano'n lang din naman. Minsan, nagsusungit siya, nawawalan ng gana, tatawa at kung ano-ano pa minsan ang moody niya. Ewan ko ba kung alin ang totoo do'n. Itanong niyo nalang sa kanya.
Nandito kami ngayon sa library ni shine sabay na kaming nagpunta dito dahil pareho pala kaming may assignment na kailangang tapusin. Dito ko na napag-isipang gumawa ng gawaing-bahay dahil wala naman akong makuhang sagot sa internet. Sa mga naresearch ko kasi kagabi parang walang match na sagot doon sa tanong karamihan sa mga nakikitang kong sagot do'n ay puro katatawanan. Parang hindi seryoso? Gano'n! Siguro nga iyon na ang sinasabi ng isa naming guro na hindi lahat na makukuhang sagot sa google ay tama. Kaya minabuti ko nalang tignan ang libro na may kinalaman sa subject at assignment namin baka kasi nandito lang yung sagot at pinapahirapan lang kami ng guro namin. Kung kelan magtatapos na ang klase doon naman nagiging mahirap. Last assignment na ito. Actually, katatapos nga lang naming mag-exam noong nakaraang araw pero hindi ko alam kung bakit nagbigay pa ng assignment ang guro namin. E, wala na rin naman siya ituturong lessons. Ano 'yun? Dagdag sa grades? Kasi kung oo, sisiguraduhin kong tama lahat ng sagot ko para madagdagan ang grades ko. Aba! I want to make my parents proud of me. Kaisa-isang anak lang nila ako kaya gusto kong ipagmalaki nila ako. Alam ko namang proud na sa akin si mommy pero kahit na, gusto ko pa ring patunayan na kahit proud na siya sa akin ay mas magiging proud pa siya kapag makakuha ako ng magandang marka.
"Tapos na ako sa assignment ko. Ikaw ba?!" Natigil ako sa paglipat ng pahina sa librong hawak hawak ko at tinignan ko si shine.
"Hindi pa e." Naiiling kong sagot.
"Bakit ano ba'ng sagot ang hinahanap mo? Patingin nga!" Pagkasabi niya nun ay bigla niya nalang kinuha sa akin ang notebook ko at tinignan kung ano ang tanong do'n. Matapos niyang tignan iyon ay agad niya itong binalik sa akin.
"Pamilyar yung tanong. Pero sa tingin ko nanjan lang sa librong 'yan ang sagot. Try mo pang maghanap." Suhestiyon niya. Tumango nalang ako at nagbasa-basa pa. Ilang minuto na kami dito at wala pa din akong makitang sagot. Pwede bang hindi nalang ako mag-assignment kung wala na din naman itong points? Effortless din 'yun bes, naghirap ako sa paghahanap ng sagot pero wala akong makukuhang dagdag points? Jusko!
"Ano, hindi mo pa rin ba mahanap?" Tanong niya.
"Hindi pa e." Sagot ko habang binabasa ang nakasulat sa libro. Kanina pa ako dito ah! Ang sakit na sa mata.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
