TBG 47 : Reason behind his smile
___________________________________________________
Lead's POV
Papasok na ako ngayon sa paaralan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin basta paggising ko kaninang umaga nakangiti nalang ako bigla. Parang masarap ba yung gising ko? Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakagano'n? Sinuot ko nalang ang helmet ko at sumakay na sa motor ko saka papaandarin ko na sana ito nang bigla kong nakita si krypton na papalabas palang ng bahay nila. Napansin niya naman ako kaya huminto siya sa paglalakad. Nagkatinginan naman kami pero pinangunahan na niya akong umiwas ng tingin.
"Sumabay ka na sa'kin." Sabi ko sa kanya.
"Ah! H-huwag na!" Nakayuko na naman siya habang sinasabi iyon.
"Nahihiya ka lang. Sumakay ka na dali." Ilang sandali muna ang hinintay ko pero sa huli sasakay rin naman siya. Biglang akong nakaramdam ng paninibok ng puso nang hawakan niya gilid ng damit ko. Naiilang ata siyang kaya gano'n nalang ang hawak niya. Bigla ko namang kinuha ang kamay niya at pinulupot iyon sa tiyan ko.
"Kung ayaw mong mahulog. Humapit kang mabuti." Sabi ko.
"Ehh??" Pinaandar ko na ang motor ko. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Bakit ganito nalang ang ngiti ko ngayon? Pakiramdam ko siya ang rason ng mga ngiti ko ngayon. Talaga bang mahal ko na ang babaeng 'to? Maitatanggi ko pa ba 'to kung ako siya talaga ang rason kung bakit ako nakangiti ngayon? Napangiti nalang uli ako at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa paaralan. Nauna na siyang pumasok sa campus habang ako naman katatapos ko lang i-park ang motor ko. Papasok na sana ako sa campus nang biglang may humawak sa kamay ko. WTF? Humarap naman ako sa kanya at nangunot nalang ang noo ko dahil sa mga nakakaloko niyang ngiti.
"Sophia? What are you doing here? Nagditch ka'no?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Yeah! Ako nga. Ang ganda ko 'no? Anyway, hindi ako nagditch. May 20minutes pa ako para pumasok. And I'm here para kausapin ka kung hindi na ba magbabago 'yang isip mo tungkol sa plano ko?" Taena! Andyan na naman siya sa mga plano niya. Sinasabing ayoko nga. Putek! Ba't ang kulit ng babaeng 'to. Hindi na magbabago ang isip ko at wala akong pakealam sa plano niya. Solohin niya 'yan leche.
"Pwede ba, I'm not interested about your plan. Tss!" I answered. Imbes na mainis siya ay nginitian niya lang ako.
"Talaga? Feeling ko naman may gusto ka na sa marie na 'yun. Nakita ko pa nga kayo kanina na magkasamang pumunta rito. Alam mo bagay na bagay kayo. Bakit kaya hindi ko sabihin kay grey na kayo nalang dalawa at kami nalang no grey. Perfect 'diba?" Baliw ata 'to. Ano naman kung may gusto ako sa kanya? Teka bakit niya kami nakita kanina?
"Wait! Stalker ka ba?" Pagtataka kong tanong. Tinawanan naman ako ng baliw.
"Ofcourse not! Sa ganda kong 'to magiging stalker niyo ako? Gosh! Huwag kang mangarap lead. Anyway, ano deal or no deal?" Sabi pa nito. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap pa ako sa baliw na'to? Kung ano-ano nalang ang pinagsasasabi. Ang daming alam. Putek! Kahit naman sabihin niya na bagay kaming dalawa. Ano naman 'yun e hindi naman kami. MAY BOYFRIEND NGA SIYA. AT ANG BOYFRIEND NIYA AY KINABABALIWAN NG BABAENG 'TO.
"NO DEAL! Umalis ka na nga." Diinan kong tanggi at pilit siyang pinapaalis.
"You're so bad. I'm doing this lang naman for my love to grey. Syempre, walang forever sa kanila kaya alam kong magiging akin rin siya. Bwahahaha!" Pwedeng-pwede na siyang ipamental sa halakhak niya. Tss!
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
