TBG 63 : Farewell Party [pt.1/Biyahe]

187 13 0
                                        

Marami pang typos so bear with it guys. Ty :*

______________________________________________________________

TBG 63 : Farewell Party [pt.1/Biyahe]


Krypton's POV


(March 30)

Friday....



This is it! Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ito na ang araw na gaganapin ang farewell party namin sa kmadrigal's resort. Hindi ko alam pero parang naeexcite na ako ngayon.



"Ano ba 'yan, matagal pa ba si ma'am?" Bagot na bagot na tanong ni jenny tsaka tiningnan ako at tinarayan. Ano ba ang problema niya sa akin? Magkaharap lang kami at hindi ko nalang iyon pinansin, hindi ko aaksayahin ang oras ko na mag-isip isip kung may kinaiinggitan ba siya sa akin. Bahala siya, hindi ko naman siya inaano eh. Parang ano!




"Sarap tusukin ng mata bes." Napatingin naman ako sa kaklase ko na nasa likuran ko lang. Kausap niya 'yung isa ko pang kaklase na si aubrey.



"Hayaan mo na bes." Rinig kong bulong ni aubrey kay andria.




"Hay sige na nga, palalagpasin ko nalang muna 'to, kailangan nating mag-enjoy dahil farewell party 'to. At hindi ko na pag-aaksayahan ng oras na patulan 'yang jenny na 'yan. Ang lakas lakas mangtaray at magsungit sa akin. Akala mo naman kung sino. Hay naku!" Pagpipigil inis ni andria. Napakunot noo naman ako. Sino nga ba talaga ang tinarayan niya? Napatingin ulit ako sa likod ko at nando'n parin si andria na abala sa kakaselfie. Masyado yata akong assuming 'no? Ba't sinalo ko yung hindi para sa akin? Enebeyen! Hindi naman pala ako ang tinarayan ni jenny. Si andria pala, baka may galit sila sa isa't-isa o kaya si jenny lang ang may galit. Natawa nalang ako dahil hindi muna ako nanigurado kung sino ba talaga ang tinarayan ni jenny. Ba't ba hindi ko agad naisip o napansin na may tao din pala sa likod ko? Hays ano ba 'yan. Napailing iling nalang ako at titignan ko na sana ang phone ko nang biglang bumulaga sa harapan ko si shine. Muntik ng mahulog ang phone ko sa panggugulat niya. Tinawanan naman niya ako atsaka nagtanong.


"Ready na ba lahat?" Nakangiti niyang tanong.


"Sa tingin mo?" Sumimangot naman siya at napailing-iling.


"Langya 'to, ang saya saya ng umaga ko tapos gaganitohin mo lang ako? How could you?" Natawa nalang ako dahil with feelings  pa talaga ang pagdadrama niya.


"Sira! Hinihintay pa namin si teacher at 'yung ibang teachers na sasama tsaka wala pa din yung iba naming kaklase." Sagot ko. Napapatango tango naman siya habang inililibot ang paningin sa mga kaklase ko or should i say do'n sa may mga jowa (lovers)


"Infairness, baka maraming manganak sa december." Cross-arms niyang sabi. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya? Manganganak sa december?


"Ambata mo pa talaga." Natatawa niyang sabi saka pinalo palo pa ako. Napasimangot naman ako at parang alam na niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig. Gusto kong ipaintindi niya sa akin ang sinabi niya. Masyado akong curious 'no.



"Fine! Bakit sinabi kong baka maraming manganak sa december? Kasi maraming may jowa dito tsaka...you know naman pupunta tayo sa resort at baka doon na din sila gumawa at baka may mabuo at pumutok na tiyan sa december." Mahina niyang pagpapaliwanag. Okay, matatawag ko na ba ang sarili kong slow dahil dito?


"Sira! Ba't naman 'yan ang pumasok sa isip mo? Walang may mabubuo dahil sigurado naman tayong magkahiwalay ang kwarto ng mga babae sa lalaki." Sagot ko.


The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon