Ang haba pa ng aabutin ng storyang 'to. Haha! Anyway, please stay tune po. Kamsahamnida :)
________________________________________________________________
TBG 36 : Weirdo Lead
Krypton's POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school nang biglang may humatak sa akin patungo sa gilid ng isang classroom. Tumingala ako para tignan kung sinong bwesit na tao ang humatak sa akin ng ganito kaaga. Leche oh! Alas syete palang tapos may hahatak-hatak sa akin. Tch!
"We need to talk." Wow ha. In-ingles ba ako ng lead na 'to. Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin.
"Tungkol saan ba?" Nakapameywang kong tanong. Bigla naman siyang tumingin sa ginawa ko at napasapo. Kaya ang ginawa ko ay hinampas ko siya sa braso.
"Leche oh! Pake mo? Ano naman ngayon kung hindi ako sexy sa paningin mo ha?" Dire-diretso kong sagot sa kanya at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Tinawanan niya lang ako.
"Hahaha! Why are you so defensive? Inaano ka ba?" Tatawa-tawa niyang tanong sa akin na inirapan ko nalang.
"Didn't grey told you that there was a girl who had a crush on him?" Cross-arms niyang tanong. Nailing nalang ako sa sinabi niya. Wala naman kasing binanggit sa akin si grey na meron palang nagkakagusto sa kanya at alam niyo na kung sino 'yon. Si sophia! Err--hindi ko gaano kakilala ang babaeng 'yun.
"Okay!" Nasabi nalang niya. Tinignan ko naman siya at ngayon ako naman ang nagcross-arms.
"Hoy! Teka nga, bakit hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ng babaeng 'yun ha? Hindi mo rin sinabi na kaklase rin pala iyon ni grey. Tss!" Nakasimangot kong tanong sa kanya. Nakakainis e! Close naman pala sila tapos hindi man lang niya nagawang sabihin sa akin na nagkagusto na pala ang babaeng 'yon kay grey. At mas nakakainis dahil naglakas loob siyang sabihan ako na kailangan kong makipagbreak kay grey? Ano siya sinuswerte? Tch!
"Excuse me! We're not close---wait, nagseselos ka ba?" Bigla akong napatango sa sinabi niya. Hindi ko alam pero lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Selos? Kanino ako nagseselos?
Malamang kay grey.
Siguro nga. Nagseselos ako kay grey dahil posibleng agawin ni sophia ang oras niya na dapat naman ay sa akin. Mas malaki ang posibilidad no'n dahil magkaklase sila.
"N-nagseselos? E-ewan ko. B-baka. O-oo? Aish! Hindi ko alam. Kung nagseselos man ako baka kay grey 'yun." Sagot ko ng hindi makatingin sa kanya ng diretso. Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin.
"Tss!" Huling narinig kong sinabi niya at walang pasabi-sabing umalis.
*****
Lead's POV
Damn! Bakit ko ba kasi tinanong pa sa kanya kung nagseselos siya? Ughh!! Sinipa ko nalang ang bato at kung saan naman iyon tumama.
"Ouch!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. At nakita ko si krystal malapit sa gilid ko. Nakaupo na siya at hawak-hawak niya ang binti niya. Kaagad ko siyang nilapitan at umupo ako para mapantayan siya. Tinignan ko ang kanang binti niya at nakita ko ang namamaga niyang sugat doon.
"Fvck! Bakit ba ang lampa mo?" Naiirita kong tanong. Tss! Hinawi naman niya ang buhok niya at sinimangutan ako.
"Excuse me. I'm not fool. Okay! Natamaan lang talaga ako ng bato sa binti at hindi ko alam kung sinong tatanga-tanga ang gumawa no'n." Naiinis niyang reklamo. What the? Am I the reason kung bakit siya nasugatan? Ugh! Tangna! Hindi ko naman alam na may matatamaan naman pala sa paninipa ko ng bato. Pinatayo ko nalang siya pero hindi niya raw kaya dahil masakit talaga ang binti niya at dahil sa ako naman ang may kasalanan kaya pinasakay ko naman siya sa likod ko at dinala ko siya sa clinic. Nang makarating kami ay pinaubaya ko na siya sa nurse at tuluyang iniwan sa clinic. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako nag-aksaya ng minuto para tignan siya. Nakarating ako sa classroom at naabutan ko ditong nagkakagulo ang mga ugong kong kaibigan pati na rin ang mga kaklase ko.

BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.