Krypton at the multimedia :)
___________________________________________________________________
Krypton's POV
Kauuwi ko palang galing sa paaralan. Nagtaka nga ako dahil ang nakita ko nalang kanina ay sina zinc, anitmony, copper at neon. Si lead ang nawawala. Hindi naman ako pwedeng magtanong sa apat dahil baka bigyan nila ng malisya o meaning ang tanong ko.
Malapit na ako sa bahay nang bigla kong matanaw ang isang lalaking hinahanap ko. Maduming madumi ang uniform niya at may bahid ito ng dugo. Pinagmasdan ko lang siya at nang matanggal niya ang helmet niya ay bigla akong nagulat.
Puro pasa siya. What the?? Kahit malayo ako ng kaunti sa kanya ay kita ko ang itsura niya at pagmumukha niya. Ano ba ang ginawa niya at nagkaganyan siya.
Naramdaman kong lumalapit na pala ako sa kanya. Gusto kong pigilan ang sarili ko pero parang huli na yata ako dahil nandito na ako ngayon sa tabi niya. Napalagpas tuloy ako sa bahay. Tsk! Tumingin naman siya sa akin saglit at maglalakad na sana siya papasok sa bahay nila nang bigla ko siyang hinarangan.
"Wala akong ipagagawa sayo." Pagod niyang sabi. Mukhang napaaway yata siya. Putok kasi ang gilid ng labi niya at tamang tama nga ako na may mga pasa niya.
"Ilang tao ba ang naitumba mo?" Cross-arms kong tanong.
"Wala ka na dun." Masungit niyang sagot. Aba't! Sipain ko kaya itong lalaking 'to. Nabugbog na nga nagawa pang magsungit. Aba't huwag niya sa akin ilabas ang init ng ulo niya. Sa sinabi niyang iyon ay bigla kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"AHHH! SHIT!!" Sigaw niya kaya bigla rin naman akong napabitiw.
"Hala! Sorry." Sh!t. Ano ba naman kasi itong pinaggagagawa ko? Bakit ko nga ba hinawakan ang mukha niya e, may pasa pala siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Bigla naman akong kinabahan sa kanya. Lagot! Baka ako naman ang bugbugin niya. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kaming dalawa sa bahay nila. Himala! Wala yata ang yaya niya.
"Hoy! A-anong gagawin mo? Sorry na nga diba? Hindi ko naman kasi sinasadyang hawakan 'yang mukha mo? Nagbigla lang ako." Kinakabahan kong sabi. Dinala niya ako sa living room nila. At bigla niya akong binitawan saka siya umupo sa sofa at isinandal ang ulo niya.
"Ah! Sh*t!" Mahina niyang sabi habang nakahawak sa gilid ng labi niya. Nagpunta ako sa kusina nila at naghanap ng first aid kit. Nang may mahanap ako ay dinala ko ito kung saan siya nakapwesto. Kumuha rin ako ng ice at binalot ito sa isang malinis na pamunas. Umupo ako sa tabi niya at inihanda ang panggamot sa pasa niya.
"Hoy! Tumingin ka nga gagamutin kita." Umiling iling naman siya.
"Huwag na. Nagsasayang ka lang ng oras. Mawawala rin naman ito." Sagot niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Anong huwag na e, may mga pasa ka at kita mong putok yang labi mo tapos pababayaan mo lang? Hindi 'yan mawawala hangga't hindi nagagamot." Paliwanag ko at iniharap ko ang mukha niya. And ohhhhh!! Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Parang kahit anong oras ay pwede niya akong mahalikan.
"Makikipagtitigan ka nalang ba sa akin?" Kita ko ang pagngisi ng labi niya kaya napaiwas naman ako.
"Sabi ko naman kasi sayo na huwag mo na akong gamutin. Kaya ko na ang sarili ko." Naparoll eyes ako sa sinabi niya. Kaya niya ang sarili niya e, halos matulog na nga siya sa kalagayan niyang iyan ee. Hindi nalang ako sumagot basta bigla bigla ko nalang idinikit ang hawak hawak kong tela na may ice sa parteng mukha niya na may pasa. Napaiwas naman siya dahil sa sakit.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
