TBG 49 : Sophia's Plan

549 25 0
                                        

TBG 49 : Sophia's Plan

______________________________________________________

Krypton's POV





Naalimpungatan ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kahit inaantok pa ako ay pinilit kong kunin ang cellphone ko na nasa gilid lang ng kama ko. Nakapikit ang isa kong mata habang tinitignan kung sino 'tong nagmessage sa akin. Istorbo naman, alas dyes na pala ng gabi. Hays! Bakit kasi hindi ko nasilent 'tong cellphone ko, kanina nakavibrate lang 'to pero ngayon hindi na pala. Hays!




From: Lead

Still awake?
-




Sinubsob ko ang mukha ko sa kama. Nagising ako ng dahil lang sa tanong na 'to? Jusme naman! Gabi na tapos nagawa pa niyang magmessage ng gano'n lang? Sa totoo, pinagtitripan na naman ba ako ng lalaking 'to? Para naman makahanap siya ng sagot ay ni-replyan ko siya.




To: lead

Hindi. Tulog na'ko. Tss!
-




Alam kong nakakaengot ang sagot na 'yun pero bahala na. Matapos kong isend yun ay natulog na muli ako.

~~**


*KNOCK* *KNOCK*




Naalimpungatan na naman ako nang marinig kong may kumakatok sa kwarto ko. Sabado naman, anong kailangan ni mommy? Gusto ko munang matulog uli.



*KNOCK* *KNOCK*






Napainat na muna ako bago bumangon. Ang sarap na ng tulog ko. Hays! Napapakamot ako ng ulo habang naglalakad patungo sa may pinto.



*KNOCK*  *KNOCK*



"Sandali..." Sabi ko at nang buksan ko ang pinto ay bigla nalang nanlaki ang mga mata ko. I thought it was mom pero hindi pala.




"L-lead? A-anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Kay aga-aga tapos nandito siya sa bahay namin? Tss! May bahay naman sila ah.




"Samahan mo ako." Sabi niya. Napakunot noo naman ako. Sino ba ang nagpapasok sa lalaking 'to? Nasa'n si mommy?





"Kaaalis lang ng mommy mo. Pwede ba maligo kana dahil sasamahan mo pa ako." Sabi niya.




"Sasamahan? Pwede ka namang umalis ng mag-isa. Matutulog pa'ko. Umalis kana!" Sasaraduhan ko na sana ang pinto nang bigla niyang ipitin ang braso niya dito kaya hindi na'ko natuloy.




"No! Kailangan mo akong samahan or else sasabihin ko sa mommy mo ang sekreto niyo. Dali na maligo kana, ang baho mo." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kupal talaga 'to, kainis! Ayan, jan siya magaling sa pangbablackmail. Pwede namang kalimutan niya nalang yun dahil baka mamaya madulas siya kasasabi sa sekretong yun ay tuluyang malaman nila mommy. Edi malaking problema 'yun. Kainis! Tss! Hindi na'ko nakapalag dahil nasa kanya ang alas. Anong magagawa ko? Tuluyan ko nalang sinaraduhan yung pinto at nagtungo na sa c.r.

~~***




"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito sa village namin.




"Basta! Sumunod ka nalang." Sagot niya. Parang alam ko na tuloy kung saan kami pupunta. Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa playground. Sabi na e. Pamilyar na pamilyar yung dinaanan namin. Naupo ako sa may swing habang siya ay naupo do'n sa may bench which katabi lang ng swing. Ilang meter lang ang gap nun. Ang tahimik dito promise nabibingi na'ko sa sobrang tahimik. Parang kaunti nalang ay mababagot na'ko dito kahit kararating lang namin.




The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon