NOTE: Sorry sa mga naghintay na mag-update ako. Busy po kasi ako sa pag-edit doon sa isa kong story kaya hindi ako nakapag-update kaagad. Btw, here's the new part. Enjoy!
______________________________________________________________________
TBG 58 : Game 2 (pt.2)
Krypton's POV
Tumayo naman ako at naramdaman ko din ang pagtayo ni draven.
"Who's that?!" Tanong ni draven at kahit hindi ko man makita ang mukha niya, alam kong nakatingin din siya ngayon kay lead. Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni lead.
"I'm lead..." Seryoso pa rin ang mukha niya habang sinasabi iyon. Bakit nga ba ako kinakabahan?
"Ikaw, sino ka?" Tanong naman ni lead sa kanya. May kung anong bumabalot sa paligid namin. Siguro hindi sila magkakasundo, iba kasi ang tingin nila sa isa't-isa.
"Well, I'm draven hynson." Pakilala naman niya. Matapos niya iyon sabihin ay lumapit naman sa akin si lead tapos ay bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko at hihilain na sana niya ako paalis sa lugar na 'yun nang bigla namang hinawakan ni draven ang isa kong kamay. What the? Please! Bitawan niyo ako, hindi tayo nagtatag of war dito. Tss!
"Wait! Nag-uusap pa kami." Pigil ni draven.
"Nag-uusap? Hindi naman ata kayo magkakilala ha?" May halong pagtataka sa mukha niya habang sinasabi iyon.
"Kanina! Pero ngayon kilala na namin ang isa't-isa kaya pwede ba pare, umalis ka na dito. Istorbo ka sa pag-uusap namin. Tsk!" Sabi ko na nga ba e, parang hindi magkakasundo ang dalawang ito. Sa una palang kasi hindi na mabuti ang pakiramdam ko nang magkita sila. Alam ko naman hindi ata nila kilala ang isa't-isa.
"Aba't loko ka." Tumingin ako kay lead at alam kong nagpipigil lang siya ng inis.
"Hoy! Huwag mo akong maloko-loko diyan. Kingna! Umalis ka na nga. Panira!" Naiiritang sagot ni draven at hihilain na sana ako palapit sa kanya pero hindi pa din tinanggal ni lead ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"What the? Kung makapagsalita ka parang close na close kayo ha." Sagot uli ni lead.
"Tss! Naiingit ka ba? Don't worry magkikita pa naman kayo sa paaralan niyo pero ngayon pwede ba'ng iwanan mo na kami dito?" May halong pag-aasar sa tono niya habang sinasabi iyon.
"No! I will never leave here unless she's not with me." Nalilito na ako sa mga 'to. Kanina pa kasi ako pabaling baling ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat sabihin sa kanilang dalawa.
"Bakit ano mo ba siya?" Tanong naman nito.
"She's my girlfriend." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinagot ni lead. Hindi ba tapos na 'tong pagpapanggap namin? Hindi na niya ako mabablackmail pa dahil natapos na din ang tinatago kong sekreto pero bakit ngayon sinabi niyang girlfriend niya ako?
"BWAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin naman kaming dalawa kay draven na ngayo'y tawa nang tawa.
"Aba! Baliw ka na ata." Asar na sabi ni lead. Tumigil naman sa katatawa si draven at nginisian siya.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
