TBG 32 : Stalker na Sophia

692 22 0
                                    

Whooaaa yesss!! May Update na naman ngayon dahil tapos na rin ang examination namin. Bwahaha :D 'yon nga lang may dalawang sub. pa kaming itetest. Whuhuh :( Btw, enjoy! Kamsa~ :)

_________________________________________________________

TBG 32 : Stalker na Sophia

Krypton's POV

Inayos ko na ang mga gamit ko at saka bumaba ako ng kwarto. Nakasalubong ko naman si mommy sa baba.

"O'nak, nanjan pala pinsan mo." Sabi ni mommy. Tumango naman ako at nagpunta sa sala namin. Masakit pala 'yon 'noh? Yung pakiramdam na hindi mo maamin-amin ang relasyon niyo dahil iba pagtingin ng mga magulang niyo sa inyo? I mean, para talaga kina mommy ay pinsan ko lang talaga si grey. Bakit Gano'n? Hindi ko naman kadugo siya ah. Hays!

"You okay?!" Nabalik ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses niya. Kahit hindi naman ako okay ay napatango nalang ako. Ayokong sabihin sa kanya na  in-iissue ko pa din yung turing nila mommy sa amin. Psh!

"Btw, let's go?" Ngumiti ako ng pilit at sabay na kaming nagtungo sa labas, pero bago 'yon ay nagpaalam muna kami kay mommy. Nasa labas na kami ngayon at sabay na sana kaming maglalakad nang biglang sumulpot si lead sa harap namin. Nagkatinginan sila ni grey ng ilang minuto at saka binaling niya naman ang tingin niya sa akin.

"May kailangan ka p're?" Tanong ni grey. Hindi naman siya sinagot ni lead. Jusko! Sana walang war na mangyayari. "Okay! Parang wala naman tara marie." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko, maglalakad na sana ako nang bigla namang hinawakan ni lead ang isa kong kamay, kaya napatigil naman kami at sabay kaming tumingin ni grey sa kanya. Tumaas ang kilay ko at naghintay sa sasabihin niya.

"Nothing! I-i just want to congrats you. Bye!" Nakakaewan niyang sabi na pinanngunutan ko naman ng noo. Tinalikuran na niya kami at nauna na siyang umalis sakay ng kanyang motor.

"Tss!" Napatingin naman ako kay grey na napapailing-iling.

"Bakit?" Tanong ko. Inilingan nalang niya ako at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Mabuti nalang nagkaroon ulit kami ng time na magkasabay sa pagpunta ng school at nagpapasalamat ako dahil nairaos ko na din yung search for the campus couple na 'yon.

"Wait!" Napatingin ako sa kanya at nakita kong umupo siya at may pinulot na isang papel. Tatayo na sana siya nang biglang nangunot ang noo niya. Problema nito? Sandali lang ay tumayo agad siya at binigay sa akin ang papel. Agad ko naman itong kinuha nang makita ko yung mga scores ko pala ito sa naging quiz namin noon na ni-record ko sa isang papel. Inipit ko ito sa librong hawak-hawak ko.

"Salamat." Pagpapasalamat ko pero hindi naman siya nagwelcome bagkus ay nangunot na naman ang noo niya.

"Why didn't you tell me that you have a wound?" Anodaw?! Joke. Natigil naman ako. Oo nga pala, ba't hindi ko nga ba iyon nasabi sa kanya? Siguro hindi narin importante iyon diba dahil maliit na sugat lang naman ang natamo sa tuhod ko.

"Ehh kasi, ayokong mabahala ka. Maliit na sugat lang naman 'toh e. Saka layo-layo pa nito sa bituka." Napapailing kong sagot sa kanya.

Sus! Pero nasaktan ka naman. Psh!

"Kahit na! Dapat sinasabi mo parin sa akin. Teka, sino ang may kagagawan niyan sayo?" Parang naiinis niyang sabi. Ayokong magkagulo pa, kaya umiling nalang ako at sinabi ko sa kanyang nadapa lang ako sa school dahil ang tanga-tanga ng bato. E, wala e, ayoko namang makapatol ng babae si grey. Huminahon din naman siya sa sinabi ko.

"P-pasensya na." Nakatungo kong sabi.

"It's okay! Halika na." Sabi niya at tuloy-tuloy na kaming naglakad.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon