Krypton's POV
*Tok* *tok* *tok*
Bumangon ako nang marinig kong may kumakatok. Ang aga pa naman yata diba? Alam ko namang si mommy 'toh, dahil siya lang ang kasama ko sa bahay. Wala dito si daddy nasa business trip daw at one week siyang hindi uuwi sa bahay. Kaya naman nagtungo na ako sa pinto para pagbuksan si mommy.
"Ma, ano ba'ng problema. Ang aga aga nangangatok kayo." Napapakamot sa ulo kong sabi.
"Anak, hindi ka pa ba naliligo?" Ano ba 'yun? Obvious na obvious na ngang hindi pa ako naligo dahil kagigising ko nga lang. Ano bang klaseng tanong iyon?
"Ma, seryoso tinatanong mo pa ako niyan? Obvious namang hindi pa ako naligo dahil kagigising ko lang." Sabi ko. Tinawanan niya nalang ako.
"Anyway, may bisita ka sa baba. Puntahan mo na kaya." Natatawa niyang sabi. Hala! Bisita!? Kailan pa ako nagkaroon ng bisita maliban kay grey?
"Bisita ko po ba? O bisita niyo?" Paninigurado ko. Hinila niya naman ako palabas sa kwarto ko. Ano ba talaga ang trip ni mommy?
"Bisita mo. At nandun siya sa baba. Kung gusto mo talagang malaman kung sino siya, puntahan mo nalang anak. Okay!?" Sabi niya. Wala naman akong nagawa kundi ang pumunta sa baba, curious din kaya ako kung sino ba ang bisita ko. Kung lalaki ba 'yun o babae. Naglakad ako papunta sa sala. At agad kong nakita ang isang lalaking nakatalikod at ang lakas makapamulsa. Si grey 'toh eh!! P-pero bakit iba ang uniform niya? Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla siyang humarap. Parang slow motion ang pangyayari, pero hindi naglaon ay bigla akong nabalik sa realidad. At ang nakita ko ay si lead. Waaaahhhhh!!! Ano ba ang ginagawa niya dito? Ano ba ang pumasok sa utak nito at bigla nalang pumupunta dito? Haist!! Kainis..
"Ang aga aga, nagsasalubog agad ang kilay mo? Tsk!"-Siya.
"Sino ba naman ang hindi magsasalubong ang kilay kung ganito kaaga binubwesit mo na ako ha?" Sumbat ko.
"Tss!! Maligo ka na nga. Ang baho mo." Aba't ang lakas nitong magsabi ng mabaho daw ako? Argh!! I hetchuuu!! Dahil sa inis ko ay bigla kong kinuha yung unan na nasa sofa at ibinato ko 'yun sa kanya.
"Hoy!! Huwag mo nga akong batuhin." Hindi ako nakinig sa sinabi niya, kumuha pa ako ng dalawang unan at pinagbabato siya. Nakakainis siya ha!! Akala ko pa naman magiging maganda ang umaga ko. Tch!!
"Hoy! Ano ba! Isa pa, kapag hindi ka tumigil. Papaliguan kita." Banta pa niya habang umiilag sa mga hinahagis kong unan sa kanya. Ako ba tinatakot niya? As if naman magagawa niya 'yun. Duh!! Nakakainis talaga siya promise.
"Ayaw mo talagang tumigil ha." Parang wala akong naririnig sa mga sinasabi niya basta sunod-sunod ko siyang binabato ng unan. Kukuha pa sana ako ng isa kaso mabilis siyang lumapit sa akin at pinasan niya ako sa balikat niya. Waaahhhh!!!
"HOY!! ANO BA IBABA MO AKO." Pagpupumiglas ko. At hinampas hampas ko pa ang likod niya.
"Tangna!! Huwag kang malikot. Ihuhulog talaga kita." Sabi niya.
"HOY!! IBABA MO NGA AKO SABI EHH." Parang hindi niya ako narinig at nagpatuloy lang siya sa lakad habang nakapasan ako sa balikat niya hanggang sa idala niya ako sa kwarto ko. Hala! Hala! Ano ang gagawin niya? Mas lalo pa akong nagpumiglas. Ibinaba niya ako nang makarating kami sa C.R.
"WAAAHHHH!! BASTO----" Naputol ang sinasabi ko dahil bigla siyang lumapit sa akin kaya napaatras naman ako. Kada lapit niya ay napapaatras ako hanggang sa mapasandal na ako sa pader ng c.r. At nang mapansin niyang wala na akong mapag-aatrasan ay bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaya dahil sa kaba ay bigla akong napalunok. Oo na!! Tama na!! Mas gwapo talaga siya sa malapitan. At.... at.... a-ang pula ng labi niya, parang naglipstick siya. Shit! Huwag na huwag kang magpapadala krypton.
![](https://img.wattpad.com/cover/72013738-288-k277051.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.