TBG 27 : Pairs

632 28 1
                                        

Sophia's POV

Gagawin at gagawin ko talaga lahat grey para lang mapasa'kin ka.

Ngayon alam ko na kung saan nakatira ang marie na 'yun. Hintay hintay din tayo, because sooner or later. Malalaman ko na rin kung legal ba kayo sa pamilya niyo o hindi.

Tumingin ako kay grey at nakita kong tahimik siya, parang ang lalim ng iniisip niya. Well, kung iniisip niya ako. Wala na akong magagawa dun, dahil alam kong maganda ako. So, I smiled sweetly at nagsulat nalang ng kung ano ano.

******

Krypton's POV

Late nang dumating ang adviser namin. At mabuti nalang dahil vacant pala namin ang susunod, kaya sabi ni teacher na gagamitin nalang daw niya yung vacant para magdiscussed.

"Anyway, before we discussed our last lesson for this grading period. May ipapakilala muna ako sa inyong bagong kaklase niyo." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni teacher. Kung kelan magpapasko at mag-eexam na dun pa may nagtransfer. Ano ba ang trip niya?

"Babae po ba ma'am?" Interesadong tanong ni copper.

"Kahit kailan talaga ang hilig mo sa babae."-Neon.

"Yess! She's a girl." Sabi ni teacher at may pinapasok siyang isang babae na nakauniform and WTH??



Krystal?

"You can now introduce yourself ms. Aifern." Halatadong namangha yung iba kong kaklaseng lalaki sa kanya. Tsk!!

"Hi guys! I'm krystal Aifern and yes, I'm unique. Nanggaling ako sa california. My dad decided na tumira ako dito sa pilipinas because nakahanap na daw siya ng aking mapapangasawa and now, I transfered here because my soon to be hubby is studying here." Sabi niya saka tumingin kay lead. Hindi ko alam pero parang maiinis ako sa ngiting ipinapakita niya kay lead. Rinig ko ang pagbubulong bulungan ng iba kong kaklase kung sino daw ba ang sinasabi niyang 'soon-to-be-hubby' eik eik daw niya?

"Okay! You may take your seat now ms. Aifern" Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa unahan. Napairap nalang ako at bigla namang may nagtapik sa balikat ko. Anak ng tinapa! Tumingin naman ako sa likod ko

"Krypton, sino ba yung sinasabing soon to be husband ng krystal na 'yon? Si lead ba? O si zinc? O di kaya si antimony? Ahuhuh!! Huwag naman sana silang tatlo. Naku! Baka mamatay ako sa selos." Hala! Itong kaklase ko may lihim na pagtingin pala sa tatlo. Bakit hindi nalang niya sinama sina neon at copper, para naman buo ang gang nila diba?

"Hindi ko alam. Siya lang yata ang nakakaalam na may soon to be husband na siya." Bulong ko sa kanya.

"Ay! Baka naman assumera lang talaga si ateh O 'di kaya imagination niya lang yun, para mapansin siya nung lima." Napakibit balikat nalang ako at humarap na sa teacher namin.

"So class, I have an announcement. Magkakaroon ng competition ang school. At tatawagin 'yun na 'Campus Couple' kung sino ang may pinakamaraming boto ng students sa campus at kung sino ang may pinakamagandang chemistry ay yun ang tatanghalin na 'Campus couple'. All grade levels has two representative couple. So, wala namang gustong sumali na couple sa ibang section, kaya ang section nalang natin ang pag-asa ng 3rd year. So now, kukuha ako ng two pairs of couple. Any volunter?" Biglang itinaas ni krystal ang kamay niya. Ampfufu!! She has confident to join the 'Campus Couple'?

'Wow! Ang bago niya lang tapos sasali na agad siya sa event ng school?' Rinig kong bulong ng isa kong kaklase.

"Ma'am, I want to join the campus couple." Sabi niya.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon