TBG 39 : Confuse

557 22 24
                                        

Sorry for the long update. Enjoy :)

Unedited......
____________________________________________________________


TBG 39 : Confuse


Krypton's POV



Kararating ko lang sa classroom nang bigla akong tawagin ng president namin. May binigay siya sa aking isang papel kaya tinignan ko naman ito, isang attendance paper. Hindi pa naman ata ako slow sa araw na'to kaya pagkaupo ko ay kinuha ko ang aking ballpen saka hinanap ang pangalan ko na nasa lista tapos ay pinirmahan ko na ito. Dali ko namang ibinigay kaagad sa president namin yung papel.

Habang nagsusulat ako ay napansin kong walang nag-iingay sa klase namin. Wala naman ang teacher namin dito. Nakakapanibago lang dahil yung apat na nagsisimula ng ingay ay hindi man lang ngayon umiimik. Ano kayang nakain nila at nagawa nilang tumahimik? Hindi kaya napagalitan sila o naguidance na? Nailing nalang ako. Tsk! Bakit ko ba kasi iniisip yun?

~*

Natapos na naman ang isang araw ng klase at wala naman atang masyadong nangyari?

Wala nga ba?

Pwe! Manahimik ka ngang konsensya ka. Sapakin kaya kita gusto mo?  Epal ka! Tss!

Sapakin mo sarili mo. Bahala ka! Sa huli ikaw ang kawawa. Bwahahah!!

Napairap nalang ako sa pagsagot ko sa konsensya ko. Mabuti nalang dahil kontrol ko pa isip ko kasi kung nagkataong nai-voice out ko ang mga pinagsasasabi ko sa konsensya ko baka mapagkamalan pa akong baliw dito. Tss!

"Krypton." Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Si shane evangeles. Kita kong papalapit siya ngayon sa akin.




"May kailangan ka?" Tanong ko. Umiling naman siya habang nakangiti. Masyado atang maganda ang mood ng babaeng 'to.

"Gusto ko lang sanang sumabay sayo sa paglalakad." Sagot niya habang inaayos ang headband na suot-suot niya. Wala namang kaso akin kung sumabay siya sa paglalakad. Mabuti na nga 'yun dahil may kasama ako at may makakausap pa. Oh diba? Ansaya? Tumango nalang ako kaya sabay na kaming naglakad palayo sa paaralan.

"Kamusta?" Kung makatanong siya parang hindi kami nagkita kahapon. Hahaha!

"Okay lang naman." Sagot ko. Tumango-tango nalang siya.

Habang patuloy kami sa paglalakad ay biglang may tumunog na cellphone. Akala ko kay shane pero no'ng sabihin niyang hindi raw niya dala yung cellphone niya kaya wala nang ibang cellphone yun kundi akin. Dali-dali kong tinignan ang cellphone ko at may narecieved pala akong isang message mula kay grey. Binuksan ko ito at bago ko pa man basahin ay sinubukan muna ni shane tignan kung sino ang nagtext pero mabuti nalang dahil agad kong nailayo ang cellphone ko sa kanya.

"Ayaw patingin.. yieee! Baka si lead na 'yan. Ano? Nanliligaw na ba?" Nakangisi niyang tanong habang sinisiko-siko pa ako. Baliw! Nanliligaw? As if naman magagawa ng lokong 'yun ang manligaw sa isang babae? Baka puro lang kalokohan ang ginagawa ng 'yun. Tss!

"Heh! Tumahimik ka nga. Hindi magagawa ng mokong na 'yun ang manligaw at isa pa-------" Bago pa ako madulas sa sinasabi ko ay minabuti ko nalang itikom ang bibig ko.

"At isa pa?" Dugtong niya.

"Wala!" Naiiling kong sagot pagkatapos ay binasa ko nalang ang message na natanggap ko mula kay grey.

From: Grey

Marie, I'm sorry If I'm too much busy here in school btw, belated happy valentines. Sorry kung hindi man lang tayo nakalabas kahapon. Promise! Next time babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo. I love you :*

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon