(A/N: Bibigyan po muna natin ng moment ang isa sa apat na kaibigan ni lead, para hindi na sila magtampo (:
________________________________________________________
TBG 15 : Weird Leader!
Antimony's POV
Ang bait ni author. Wala akong magagawa ang gwapo ko e, kaya ayan may moment na ako.
Hindi ko alam kung bakit ako tinanong tanong ni krypton. E, wala ngang sinasabi sa amin si lead. Alam niyo naman na ang ugok na yun ay mahilig magkimkim. Andaya nga dahil minsan kami lang ang nagkwekwento samantalang sila ni zinc ay matipid lang magkwento at hindi ko alam kung bakit.
Pagkadating ko sa classroom kanina ay sakto lang na kadadating lang din ng guro namin. At nang mag attendance ito ay dalawa lang ang absent. Walang iba kundi sila krypton at lead. Tumukso tukso pa nga ang mga kaklase ko na baka daw nagtanan na ang dalawa. At ang nakakatawa paano magtatanan yun? E, sa tingin talaga namin ay hindi na interesadong magkalovelife si lead. Ano kasi. Wala daw'ng poreber ayun kay master. Bigo kasi sa pag-ibig kahit hindi naman halata sa itsura niya dahil nga mukhang hindi na ito interesado. Bakit hindi nalang sila gumaya sa akin na NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH. Oh! Kita niyo. Alam kong gwapo ako pero hindi pa talaga handa sa puropag-ibig na yan. MABAIT kasi ako. Hahaha! Oo na 'wag mo akong saktan alam kong hindi lang halata. Kahit na basagulero ako minsan ay hindi ko nagawang umibig sa babae. Naksss!!!
"Hoy!"
"Aray!" Sigaw ko e, pa'no ba naman kasing gunggong na 'to. Tapikin ba naman ng malakas ang likod ko.
"Ayos ka lang?" Tanong nitong si neon na tumapik sa akin sa likod. Suntukin ko 'to e,
"Anak ng sardinas, sino ba naman ang magiging okay kung tapikin ka ba naman ng pagkalakas lakas sa likod. Aber sino?" Ngumisi lang ito at tinapik na naman ako pero hindi na sa likod kundi sa balikat. EFF!
"Isa pa. Babatukan na kita!" I warning him. Kaya tumigil naman ito. Ayaw lang niyang mabatukan dahil baka mas bumobo pa ito. Hahaha...
"Tsk! Tsk! Tsk!" Napatingin naman kami sa dalawang nag 'tsk'. Nandito pa pala sila?
"Nandito pa pala kayo? Ba't hindi namin kayo nakita?" Inosente kong tanong. Pagbigyan niyo na ang buhay ko. XD
"Malamang, hindi niyo talaga kami makikita dahil abala na naman kayo sa pagbabangayan." Labas sa ilong na sabi ni copper. Nagkatinginan naman kami ni neon. At sa hindi inaasahan ay biglang may himalang dumating. Pero nagbibiro lang talaga ako dahil hindi naman isang himala ang pumasok sa classroom namin. Haha.. recess time pala ngayon.
"Saan ka na naman ba nagpunta?" Parang tatay na tanong ni copper. Palibhasa pinsan niya kaya kahit hindi nito ipahalata ay may concern pa rin ito sa isa't isa. At syempre pati na rin ang buong barkada.
"Jan lang sa tabi tabi." Tinuturo turo pa nito kung saang tabi tabi ang pinagsasasabi nito. Weird! Parang sinapian ng ibang nilalang.
"Sure ka? Parang good mood ka rin ata? Ano bang meron?" Neon.
"Napapadalas na yan ah!" Zinc.
"Oo nga!" Pagsasang-ayon ko. Tama naman kasi na napapadalas na ang pagkagood mood ng leader naming 'to. Parang may something talaga na kakaiba.
"Nothing! Bakit bawal na ba akong maging good mood? May batas na ba na bawal na ang pagiging good mood sa mundo?" Naiinosentehan pa nitong sabi. Napapailing nalang ako.
"Hindi naman. Pero bakit ka nga pala hindi pumasok sa dalawa nating subject kanina at hindi lang ikaw pati na rin si krypton ay hindi pumasok." Neon.
Tumingin lang muna ako sa labas at nakita ko si krypton na papasok sa loob ng clasroom.
"Oh! There she is." I said. Tumingin naman silang apat sa walang ganang si krypton. Yung mukha kasi niya parang natalo sa lotto. Binaling ko ang tingin ko kay lead na ngayo'y pasekretong ngumingisi. Gocha goya! Ang opposite nilang dalawa ngayon dahil itong si lead ay good mood na good mood. Meanwhile, itong si krypton ay bad mood na bad mood. Hindi ko nga alam kung alam pa ba niya ang ginagawa niya. Basta basta nalang kasi siya pumasok sa classroom namin.
"La, anong nangyari dun?" Bulong ko. Pero narinig parin naman ako nung apat.
"I think she have a problem. But I guess I can help her." Sabi ni zinc habang nakatingin pa rin sa nakayukong si krypton.
Ako rin ay naguguluhan sa zinc na 'to. Minsan sila lang ni lead ang nagiging komplikado. Kahit kasi may sayad rin si copper at neon ay hindi naman ito weird unlike zinc and lead.
"Anyway, I have something to do. Huwag na kayong magtaka. Mag aasignment lang ako." Sabi nitong si lead at umupo na sa kanyang upuan. Nagsibalikan rin naman agad kami nang marinig namin ang nakakabingin tunog ng bell.
***
Krypton's POV
Tapos ang buong araw ko na nakasimangot lang ako. Labag talaga sa sarili ko ang maging slave ng lead na 'yun. Gigil na gigil na talaga ako. Pero ahhh--I hate it. Ayoko talaga! Kung hindi lang niya talaga pinanghahawakan ang sekreto namin ni grey, baka kanina pa ako nagmatigas.
Hindi lang naman yun ang rason kung bakit pa ako naging malungkot dahil simula nung araw araw na kaming magkita ni grey tuwing labasan. Ngayon lang ulit siya hindi dumating. Naghintay lang naman ako ng dalawang minuto pero wala naman akong makitang grey kanina. Kahit kaunti nalang talaga ang tao, hindi ko talaga siya nakita. Wala naman akong natanggap na text galing sa kanya at wala naman siyang sinabi sa akin na may gagawin siya kaya hindi kami makakalabas. Gusto kong sanang magtampo kaso baka may makuha pa akong rason o eksplenasyon sa kanya kung bakit hindi siya dumating. Malay niyo nadeadbat ang phone niya o naiwan lang. Pwede ring walang load. Pwede ring nakalimot dahil sa madaming activities, siya lang naman kasi ang Leader sa lahat ng subjects nila. Kaya minsan ang mga kaklase niya sa kanya nalang umaasa. At sa mabait nga talaga ang boyfriend ko kaya hindi na ito nagrereklamo pa kung madaming activities ang gagawin niya.
Nagpabuga nalang ako ng hangin at sumandal sa sofa. Bigla namang sumalampak sa akin si chasey.
"Tyming ka talaga kapag malungkot ako." Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Yumakap naman ito sa kamay ko. Alam na alam talaga nito kung kelan siya pwedeng tumyming. Huhuhu!! Buti ka pa chasey anjan ka. Hindi ka nang-iiwan. Charot lang! Hindi naman ako iniwan diba?
"Oh! darling, nandito ka na pala." Napatingin lang ako kay mommy na papasok. Ibinaba ko muna si chasey at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig at saka ko ito ininom. Nauuhaw na kasi ako! Pagkatapos kong uminom. Umakyat naman agad ako sa kwarto.
Mukha na talaga akong ewan dito sa kwarto dahil naisip ko na naman ang ginawa kong pagpayag sa kagustuhan ng lead na yun. At naiinis ako dahil napapayag niya ako. Tumihaya nalang muna ako at kahit hindi na ako kumain basta magtext lang sa akin si grey okay na ako.
__________________________________✒
(A/N : Ikli ng update ko. Sariwa pa kasi sa isipan ko ang pressure ng examination namin kahapon. Hehehe~~)
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
PetualanganHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
