Pasensya na po kung hindi masyadong mabilis ang update ko. Btw, here's the another chapter hope you'll enjoy. Thanks!
___________________________________________________________________
TBG 53 : Inspiration
Krypton's POV
Ilang araw na ang nakalilipas simula mangyari ang lahat ng 'yun. Nawalan na din ako ng communication kay grey dahil deleted na yung number niya sa phone ko. Binilhan rin ako ni mommy ng bagong simcard. Hindi ko naman kailangan iyon pero sabi niya magpalit lang daw ako. Hindi naman ikauunlad ng bansa ang pagpapalit ko ng simcard 'no.
Sa araw-araw na nagaganap sa paaralan at sa buhay ko ay unti-unti na ring naghihilom ang sugat dito sa puso ko. Minsan, sinasama ako ni shine mamasyal para naman malibang ako at hindi makapag-isip isip ng kung ano-ano. Aaminin ko ilang araw din kasi akong nakaramdam ng sakit pero kung tatanungin ako ngayon kung okay na ba ako? Siguro, okay na talaga.
Kailangan ko rin kasing bitawan ang mga pangyayaring iyon kesa naman balik-balikan ko pa na siya ring nagpapaalala kung gaano kasakit sa akin ang mga nakita ko noong gabing iyon.
Sabi nga ni lead, pwede naman daw akong magsimula. Yung kalimutan ko na lahat ng pangyayari na 'yun at magkunwaring hindi ko sila nakilala at kunwaring hindi naging kami ni grey. Pero minsan ko na ring naisip na, basta basta ko nalang ba kakalimutan na isa siya sa naging parte ng buhay ko? Alam ko rin naman na may kokontra sa akin at sasabihing "Bakit mo pa ba iisipin ang mga bagay at pangyayari na 'yun kung wala na at tapos na?" So I think it's better to shut up.
"ANAK, NANDITO NA SI LEAD." Narinig ko ang sigaw ni mommy mula sa baba. Madali ko namang inayos ang gamit ko at saka bumaba na. Nakita ko naman si lead na nakaupo sa sofa namin. Napapadalas na ata punta niya dito ah?
"Let's go! Malelate na tayo." He said. Napakunot noo naman ako.
"Sabay na naman tayong papasok?" I know he's thinking that I'm complaining. Napapadalas na naman kasi baka mamaya sugurin na kami ng krystal na 'yun na minsan nawawala sa eksena pero mabuti na rin yun para kahit papa'no hindi siya dagdag sa mga pinoproblema ko. Ayoko ng gulo 'noh! Si lead nalang guluhin niya, huwag ako. Tss!
"May angal ka?" Pinantaasan ko naman siya ng kilay. E, ano naman?
"Oo! Gusto kong pumasok sa school ng mag-isa." Sagot ko sa kanya. Balak pa sana niyang sumagot pero parang narealize niya na wala na siyang hawak hawak na alas.
"Ano ka? Akala mo mabablackmail mo na naman ako? Heh! Tapos na 'yun. Hindi mo na ako hawak sa leeg." Lakas loob kong sabi.
"Excuse! Hinawakan na ba kita sa leeg?" Naparoll eyes naman ako sa sinabi niya. Chutakte! Sira siya, akala niya ba talaga na literal 'yun? Tsk! Hindi ko nalang tuloy siya pinansin. Nagtungo nalang ako sa kitchen at nagpaalam kay mommy. Gaya-gaya naman itong lalakeng 'to at nagpaalam rin siya kay mommy.
Nang makalabas ako ay bigla niya akong hinila palapit sa motor niya.
"Sakay na!" Sabi niya.
"Ayoko!" Pagmamatigas ko.
"Isa..." Ay! Ano 'to countings? Tss!
"Ayoko!" This time ay sinasabayan ko na ng iling.
"Dalawa...." I'm still standing beside his motor. Hindi na muna ako nagsalita pero umiiling-iling pa din ako.
"Sakay na sabi." Sa boses niyang 'yan parang nagpipigil lang siya ng pagkainis. Napangisi naman ako.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
